“Hindi mo ako maloloko, Zeb,” walang gana kong sabi sa kanya.
Napatawa na lamang ito. Sabi ko na nga ba eh, nagmumukha na akong clown kaya ako tinatawanan. Ayaw ko na tuloy tumingin sa salamin. Baka ako pa ang umiyak dahil sa mukha ko.
“How's your life, Verity? Hanggang ngayon ba ginugulo ka pa rin ng mga lalaki na iyun?” Walang gana naman ako napatingin sa kanya.
“Hala buti alam mo.” I rolled my eyes ng napaisip ako sa nangyari sa buhay ko kasama ang mga baliw na lalaki na iyon.
He giggled dahilan para samaan ko siya ng tingin.
•••
Pumasok kaming lahat sa malaking dining room na parang bahay na. Lahat kami ay namangha. Niyakap ni Desiree ang braso ko rason upang mapatingin ako sa kanya.
“Wag kang lumayo sa akin, baka mawala ka pa?” Napatawa na lamang ako sa kanyang sinabi.
May pagka praning din itong si Desiree minsan eh. Medyo nainsulto ako doon ah, para naman akong bata nito. Basta-basta nalang nawawala. I heavily sighed at umiling na lamang.
Just go with the flow, Verity. Pagkatapos ng lahat ng 'to ay matatapos na din ang lahat. Napahinto na lamang kami lahat ng bigla nalang nagtilian ang mga babae.
“Omg! Storm! He's here!”
“I can't believe this!”
May iba pa na nahimatay kaya napairap na lamang ako at umiling-iling. Mga kulang sa pansin eh no. Aalis na sana ako para kumain pero bigla nalang ako napahinto ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
“Verity.”
Lumingon ako sa kanya at lahat ng mga babae ay masamang nakatingin sa akin ang iba naman ay confused. Gusto ko nalang tumakbo pero hindi pwede.
“Yes?” Gusto talaga nila maghirap ako dito.
“Come here.”
Mas lalong rumami ang masamang nakatingin sa akin. Kahit tingin pa lang niyan ay alam kong gusto nila ako patayin. Nagdadalawang isip man ay wala akong magawa kundi umalis sa lugar na 'to. Baka kapag ireject ko siya ay mas lalo nila akong pag initan ng ulo?
Nakatingin lang sa akin si Desiree na gulat na gulat, halata sa kanyang ekspresyon na may pag alala ito sa kanyang mukha.
Nang makarating na kami sa opisina niya ay umupo siya sa upuan niya and he looked at me habang naka cross arm.
“Don't worry. Kinulong ko si Zeus.” I blinked habang nakatingin sa kanya.
Kinulong niya si Zeus? The prince? Nagloloko ba siya?
“What? Why?” Bakit need pa ako iupdate?
Parang mas nainis pa ito ng magtanong ako sa kanya.
“Narinig ko kayo. He wants to sleep with you. Alam mo ba ang mga nasa isip ng mga lalaki? They can't control their desire, Verity.”Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at dahan-dahan naman ako napaatras dahil sa tensyon ng kanyang aura. “Are you really acting clueless or you're just dumb?”
Grabe naman makainsulto ang lalaking 'to. Kung makaasta parang mas may alam pa siya kaysa sa akin. I rolled my eyes at umiling na lamang.
“Grabe ka naman sa akin.” Napailing na lamang ako at tinulak na lamang siya. “Nagseselos ka ba?”
Umiwas ito ng tingin at tumalikod sa akin. Pinanliitan ko naman siya ng mata dahil sa aksyon niya. Sinundan ko siya at napatingin na naman ito sa akin.
“Hindi. Ano bang klaseng tanong iyan?” Napataas ako ng isang kilay.
“Weee?” Tumingin ito na para bang naiiirita.
Mas lalo sumama ang kanyang tingin sa akin dahilan para mapatawa na lamang ako.
•••
Nang makalabas na ako sa opisina ay muntik na lamang ako napasigaw ng biglang may sumulpot sa harapan ko at biglang hinawakan ang braso ko.
“Are you okay, Verity? Did he hurt you?” tarantang tanong niya.
“Hindi naman.” Napatawa na lamang ako sa pagka praning niya. “Nag alala ka ba sa akin?” Napaatras naman ito kaya tinignan ko siya ng nakakatukso dahilan para mamula ang kanyang pisnge. Sinundot-sundot ko ang taligiran niya hanggang sa hindi niya napigilan na mapangiti. “Uy nag alala siya sa akin.”
“Stop that nonsense!” Napatikom nalang ako ng bibig ng bigla na lamang ito sumigaw. Sabi ko nga eh tatahimik na ako. Napabuga ito ng hangin ng maalala na nasigawan niya ako. Hinawakan niya ang wrist ko at hindi man lang ito makatingin sa akin dahilan para panliitan ko siya ng mata. “I'm sorry, let's go now.”
•••
Habang kumakain ako ng french fries bigla na lamang may dumating na demonyo sa aking tabi. He gave me a warm smile at napangiwi na lamang ako.
Tumikhim ako. Baka kasi matarayan ko na naman siya ako na naman ang lagot nito.
“What are you doing here, mahal na prinsepe?” tanong ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti na matagal na niyang gusto makita— charot.
“You don't have to force yourself to smile at me if you don't want too.”
Wow! Kapag nga pinapakita ko tunay na self ko binabantaan mo nga ako eh! Ewan ko nalang talaga sa lalaking 'to.
“I can't do that, your highness. You're the prince and I'm just a nobody. No one wants to dare to disrespect you.” Because if they do, they might not see the sun tommorow. Gusto ko nalang mapabuga ng hangin sa naisip ko.
Mukhang hindi ito natuwa sa sinabi ko. Ano ba iyan lahat nalang ng sinasabi ko mali?! Wala na talaga akong ginawang tama! Napabuga na lamang ako ng hangin.
“Can you please don't look at me as a prince? Look at me as a normal person.” Hindi nalang ako nagsalita sa kanyang sinabi.
Hindi ko talaga siya ma gets. Baka trap lang ito para ma tegi ako. Sinusubukan talaga ako ng panahon. I heavily sighed at napahilot nalang ako sa sintido ko.
“Okay fine, Sky. If that's what you want pero wag kang ma offend ha dahil ginusto mo 'to.”
He just nod at me pero ewan ko ba hindi pa rin ako komportable sa lalaking 'to. Iiwasan ko nalang magsungit baka sakalin niya ako. Mahirap na.
•••
Tinanggal ko ang bulaklak at tinapon ito sa kahit saan.
“Kawawa naman ang mga bulaklak na iyan.” Napatingin ako sa kanya at saktong pagtagpo ng aming dalawang mata ay siyang pag ngiti niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...