Chapter 1

369 14 0
                                        

Akala ko lalapit sila sa akin pero nilagpasan lang nila ako. I just looked at him and I saw a boy who took a glance at me pero agad din naman ito umiwas.

“Ah! My prince! Wait for me!” sigaw ng mga babae.

Agad naman nila ako tinulak at tumakbo na.

“Ouch.” Napapikit nalang ako sa sakit.

Napailing na lamang ako. Ang dami talagang baliw dito sa mundong ito. Tumayo ako at nakita kong nasugatan ang tuhod ko. I just heavily sighed at umiling. Gagawin talaga nila ang lahat para sa pag ibig.

Ano bang meron sa love na iyan?

Walang gana na lamang akong  pumunta sa classroom ko and oh great! Everyone's looking at me like I'm some kind of weirdo.

Hindi ko nalang sila pinansin at umupo nalang sa upuan ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

“Aaaah!” Jusko naman. Required ba talaga sumigaw? Masisira ang eardrums ko dito eh. “Did you see that?! Nandito sila?! Ang gwapo talaga nila! Pwede na akong kunin ni lord!”

Sana nga kunin ka na ni lord ang ingay mo eh. Tapos kapag nalaman mong baliw talaga iyung mga lalaki na iyon. Tatakbo ka tapos sisigaw ng tulong. Hay nako.

Napahinto ako sa kakaisip ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Mga ignoranteng palaka. Lumabas muna ako saglit. Mukhang mamaya pa naman iyung klase eh. May parents ako dito pero original name ko ang ginamit. Actually hindi ako nag e-exist sa story na 'to pero guess what? Nag exist na ako kasi nilagay ako ng bwesit na lalaki na iyon dito. Akala ko pa naman tapos na ako dito pero hindi pa pala. Bumalik na naman ako sa classroom.

Napahiga nalang ako sa desk ko. Kahit hindi ko makita ang repleksyon ko alam kong nadismaya na ako ngayon.

“Akala ko tapos na, bwesit!” Gusto ko nalang maging hotdog.

•••

Walang gana akong lumabas ng classroom habang nakatingin sa kawalan. Miss ko na talaga mundo ko. Napatampal ako ng noo. Bakit ba kasi ako bumalik dito?!

“Huhu! Why me?! Iba nalang kasi!”

“Can you please shut the fuck up?” Natigilan ako sa pag e-emote ko dahil sa masungit na lalaking 'to.

I looked at him at ganun din siya. Nagtagpo ang aming mga mata at parang nag slowmo ang paligid.

Black hair and hazel eyes. Medyo moreno ay basta! Maliit ang mukha, gwapo. Basta gwapo! Medyo same height kami. Cute sana siya kaso mukhang masungit.

Cedrick de Leon. Kilala ko ang papa niya.

Tsk, malay ko ba kung may tao dito,” bulong ko sa sarili ko.

Aalis na sana ako pero napahinto ako ng bigla siyang nagsalita.

“Who are you?” I looked at him at tinaasan siya ng isang kilay. Don't tell me nakuha ko ang atensyon niya? I heavily sighed. “Bago iyung mukha mo sa akin.”

Ang cold pa rin ng tono ng boses niya pero hindi niya tinanggal ang matang nakatingin pa rin sa akin. Tinuro ko ang sarili ko habang nakangiti ng nakakaloka.

“Maganda no? Btw never magiging luma ang mukha ko.” Napangiwi ito sa sinabi ko at hindi ko na siya hinintay magsalita pa at umalis nalang. 

•••

Kalokang buhay 'to! Ayaw ko na talaga! Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Lucien. He looks so old pero ang hot niya pa rin. Nang tumingin siya sa direksyon ko ay agad ako umiwas. Nagtago ako sa pader. Mabuti naman at hindi niya ako nakita. Nang umalis na siya ay napabuga ako ng hangin. Finally, nakaiwas din ako sa gulo. Kapag nakita niya ako sigurado akong lagot ako.

“Weirdo.” I looked at him. White hair and white eyes para siyang pinaglihi sa snow at gwapo rin siya sobra. “Why are you hiding?”

Storm Navarro. Anak ng isa sa knight. Napabuga nalang ako ng hangin. Pinaglalaruan talaga ako ng mundo na ito. Iniiwasan ko pa naman makausap ang mga male lead dito. Ang bastos kaya nila. Mas worst pa sila kaysa sa tatay nila.

No, I mean nawala kasi ako eh. Mukhang mali 'ata na daan ang napuntahan ko.” Akmang aalis na ako pero sa isang iglap napunta na lamang siya sa harap ko.

“Pardon me? But is this yours?” Napatingin ako sa violet na hairclip.

“No that's not mine.” Kasi hairclip iyan ni Violet ang nagpapakilalang kapatid ni Amaris.

“But you look exactly like her.” Kumunot ang noo ko.

“Huh?”

“I mean you look exactly like the younger sister of Amaris.” Hindi lang ako nagsalita. He just smiled playfully. “Sadly to say, nawawala siya at hanggang ngayon hindi pa rin siya nahahanap.”

“Si Amaris—i mean queen Amaris. Is she okay?” I asked.

Nagtaka naman ito sa tanong ko, “Ang weird mo. Matagal ng patay si Amaris. Wag mong sabihin hindi mo alam?”

Namilog ang aking mata sa kanyang sinabi. Namatay pa rin siya?! Akala ko mababago na ang kapalaran niya simula nung pumasok ako sa nobelang 'to. Wala rin naman palang magbabago.

“Oh.” Halata sa mukha niyang nagduda ito.

•••

Pumasok ako sa bahay na tinuro sa akin nung lalaking nagdala sa akin dito.

“Anak! How's school?!” Sinalubong niya ako ng yakap.

“Okay naman.” Ngumiti nalang ako ng peke.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinunta sa dining room. Pinaupo niya ako habang hindi nawala sa mukha niya ang matamis na ngiti.

“Papunta na dito 'yong papa mo. Wait for him ha. Kukunin ko muna iyong mga niluto ko.” Napatango na lamang ako.

Nang umalis na siya ay nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang yaman ng role ko dito kahit na season 2 na ito. 

Dumating na si papa at natigilan ito ng makita ako. I just looked at him innocently.

“Yes?”

“Ah wala. Nababaguhan lang ako.” Umupo na siya sa harap.

“Bakit pa?” Kumunot ang aking noo.

“Usually you won't look at me. It's the first time you look at me with no hatred in your eyes.” Nagtaka lang akong tumingin sa kanya.

Hindi na ako nag abala pang magtanong. Baka mahalata kasi nila na hindi nila ako anak. May past life din pala itong character na 'to. Akala ko side character lang ako dito.


Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon