Chapter 8

186 8 0
                                    

Tumango na lamang ito. Palihim akong napabuga ng hangin at akmang pipikit na pero bigla na naman ito nagsalita. Anak ng! Pwede ba?! Patulugin mo muna ako.

“Kaya ka ba takot sa amin dahil sa mga chismis na iyan? Do you believe on what you heard?” he asked.

“Hindi ah. Ayaw ko lang talaga sa mga lalaki, trauma ako eh.”

Pinikit ko na lamang ang mata ko para hindi na niya ako maabala pa. Mabuti pang matulog na lamang ako ulit kaysa naman makigchika ako sa lalaking 'to. Baka ano pang masabi ko at hindi na ako makalabas pa ng buhay sa clinic na 'to.

•••

I slowly open my eyes at wala ng tao dito. The nurse said na okay na raw ako at pwede na raw ako lumabas kaya walang pagdadalawang isip na lumabas ako. I looked at the clock and it's already lunch break.

“Saktong-sakto gutom na ako.”

“Ako rin.” Natigilan ako ng marinig ko na naman ang boses ng lalaki na iyon.

Napapikit na lamang ako dahil sa inis na nararamdaman ko. I need to calm down. Kalma lang, Verity. Kayanin mo 'to, ginusto mo 'to diba?

I looked at him and he waved his hand while he is smiling playfully.

“Yo!”

Ma yoyo ka diyan! I yoyo kita eh!

“My ghad, nandyan na naman siya,” bulong ko.

“What?” I gave him a fake smile para naman hindi ako ma deads dahil lang sa panget kong attitude.

“Wala hehe. What do you want from me, Zeb?” Umalis ka na sa buhay ko forever! My ghad na i-stress buhok ko eh.

“Sabi ko gutom din ako.” Gusto mo subuan kita ng isang libong chicken joy para naman lubayan mo na ako? Anong gagawin ko diyan kung gutom ka? Nanay mo ba ako para responsibility kong pakainin ka?!

“So?” mahinahon kong tanong.

He just looked at me innocently na para bang wala siyang masamang gagawin.

“Gusto kong sabay tayong kumain.” I just gave him a fake smile.

Akala ko pa naman matalino siya. Halata naman siguro na hindi ko siya gusto eh.

“Sorry, busog na ako.” Umuna na akong umalis.

Pero sinundan niya talaga ako. I just rolled my eyes. Kailan ba ako makakakita ng peace sa mundong 'to.

“Are you rejecting me?! All the girls like me and you?! You just reject me?!” Agad ako humarap sa kanya habang nakataas ang kilay.

“So what? Hindi naman siguro lahat ng babae ay type ka no?!” irita kong sabi sa kanya.

Pero mukhang hindi siya nakikinig at hinila niya lang akong papuntang cafeteria. Everyone is looking at us. Napatampal nalang ako ng noo at napailing.

“This is so embarrasing.”

“Wait for me here, sweetheart. Oorder lang ako ng pagkain natin.” Sumeryoso ang kanyang tingin sa akin. “Don't you dare run away from me or else... Hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa'yo.”

Halos mahulog na ang panga ko dahil sa sinabi niya. He just gave me a warm smile bago umalis.

Napahilot nalang ako sa sintido ko. What did he want from me?!

•••

Walang gana akong kumain ng sandwich habang nakangiti siyang nakatingin sa akin.

“Gutom ka na siguro no? Kumain ka na baka nakalimutan mong may pagkain kang bitbit.” Palihim akong napairap ng tingnan niya ang pagkain niya.

Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin. Halos isang oras na siyang nakatingin. Mauubos nalang lahat ng mga pagkain ko nakatingin pa rin siya sa akin.

“Sorry, i forgot to eat. Ang ganda mo kasi.” Bolero talaga 'tong lalaki na 'to.

“Just straight to the point, Zeb. What do you want from me?” I asked seriously. I just heavily sighed.

“I want you.”

Kalma lang, self! Kunti nalang talaga at mapapatay ko na talaga ang lalaking 'to. Walang gana lang akong nakatingin sa kanya. Kung iba pa 'tong nasa harapan niya, aakalain siguro na nag confess siya.

“Wag mo akong pinagloloko.”

“Hindi kita niloloko. I'm serious, I only want you.” He winked at me dahilan para mapangiwi ako. He just giggled mukhang nasayahan sa reaksyon ko. “You're a unique and interesting girl. I don't mind na ikaw ang makatuluyan ko.”

Kung makapagsalita ah! Akala mo naman option ako! Ginawa ba naman akong second choice?! Animal!

“Well ako nag ma mind ako. Ayaw ko sa'yo.”

Napa 'o' na lamang siya. I just rolled my eyes. Nakakapagod na mag bait-baitan palagi nalang nila inuubos pasensya ko.

“That was too fast than i expected.” Kumunot ang noo ko. Lumapit siya sa akin habang nakangiti ng nakakaloko. “Akala ko magpapanggap ka pa ng mas matagal.”

Hindi naman pala siya bobo eh. Alam naman niya pala na hindi ko siya gusto. I just rolled my eyes again. Tumayo na ako at aalis na sana pero agad niya hinawakan ang wrist ko while looking at me seriously.

“Zeb.”

“Diba sinabi ko na sa'yo na wag na wag mo akong tatakasan.”

Wala akong choice na umupo sa upuan habang napabuga nalang ng hangin. Pilit pinapakalma ang sarili.

•••

Walang gana akong lumabas ng gate ng school namin. Aabsent yata ako bukas dahil sa nangyari ngayon. Ang hirap talaga kapa hindi ikaw ang female lead. Walang magliligtas sa'yo.

Napatingin sa akin si Desiree ngunit wala akong panahon para pansinin siya. Naglakad na ako palayo. Nakakawalang gana talaga pumasok ng school.

Ano bang nagawa kong kasalanan sa past life ko? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon?

•••

Napahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Ang sarap talaga sa feeling kapag nasa bahay ka lang.

“Transfer nalang ko ng school,” walang gana kong sabi.

“Sige, may deathwish ka yata eh.” Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Kasalanan niya naman in the first place kung bakit ako narito? Bakit ba kasi ako nilagay sa nobelang ito eh pwede naman ibang tao nalang eh?! Tapos na ako sa mission ko kaya i should be happy right now?!

“Bakit ba kasi hindi ako makalayo-layo sa mga lalaki na iyon?! Mukhang ikaw yata gusto ako mamatay eh!”

He just giggled at bigla nalang nawala. I just heavily sighed pero agad din nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

Shit! What is he doing here?!

Twist of Fate 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon