Napaatras ako kunti dahil sa gulat. Puno ng pagdududa ang kanyang mata na para bang wala na akong takas sa kanya.
“And you look just exactly like her.”
“Anong gusto mong ipamukha, Storm? Na ako ang babae na iyan?” natatawa kong tanong sa kanya. Natigilan ito ng mapagtanto niyang may point ako.
Hindi niya naman kasi pwedeng sabihin na ang litrato na iyannl at ako ay iisa. Like duh! Ilang taon na iyan nakalipas and I'm sure matanda na iyang babae na iyan.
“Iyan ang mas lalo kong pinagtataka. Hindi ko naman pwedeng isipin na kayo ay iisa kasi imposible naman. But you just look exactly like her.” Mas lalo siyang lumapit sa akin dahilan para mapaatras ako. Kaya niya ba ako pinapunta dito para lang sabihin sa akin ito? Is this some kind of trap? “Bakit kamukha mo ang babae na iyan? Kilala mo ba siya? Ka ano-ano mo ba ang greatest love ng tatay ko?”
“I don't know what you're talking about pero all I can say is wala kong kinalaman sa babae na iyan. At ano naman kung magkamukha kami? It just a big coincidence na magkamukha kami,” irita kong sabi sa kanya.
Hindi na ako nagsalita pa at agad nalang umalis. Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Lucien na gulat na gulat nakatingin sa akin.
“Y-you...”
Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na tumakbo palayo. Rinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na talaga ako nag abalang lumingon pa.
Nang tuluyan na akong makalabas sa palasyo ay hinabol ko ang hininga ko. Nakakaloka! Mukhang mamamatay pa 'ata ako dahil sa lack of oxygen eh!
“What the heck are you doing here?” Napalingon ako sa lalaking parang anak ni Elsa at Jack dahil sa buhok at kutis nito na parang snow.
Samahan mo pa ng cold personality niya. Jusko!
“Wag ka nalang madaming tanong, Zeb.” Lumapit ako sa kanya at napamewang. Pagod na pagod na talaga ako sa nangyayari sa buhay ko. Gusto ko nalang humiga sa kama at matulog. Ang hirap kaya manirahan sa mundong hindi naman dito ka lumaki. “Ihatid mo nalang ako sa bahay ko.”
Pinanliitan niya ako ng mata dahilan para taasan ko siya ng kilay. Anak ng animal na 'to! Pinag isipan ba naman ako ng masama?! Mas dangerous pa nga sila kaysa sa akin eh?!
“May ninakaw ka no?” pagdududa niyang tanong.
“Gusto mo maghubad pa ako dito para makita mong wala akong ninakaw kahit ni isa?” walang gana kong tanong sa kanya.
Napaatras pa ito kunti at tinignan muna ako bago tumango. Sapakin kita diyan eh.
“Follow me,” he said coldly.
Masama ko lang siyang tinignan habang sumunod sa kanya. He open the door for me at pumasok na ako sa kotse. Sa backseat ako nakaupo, ayaw kong katabi siya.
Pumunta na siya sa driver seat at sinara ang pinto.
“Sorry sa problema na binigay sa'yo ni Storm. He just can't control his curiosity,” he said.
“Okay lang. As long as hindi na ito mauulit pa. Dahil ayaw ko na talaga may konekta ang royalties sa buhay ko.” I looked at him seriously. “I just want to live a peaceful life.“
•••
Napatingin ako sa salamin ko. Naka eyeglasses ako habang naka braid ang buhok ko. Nakakaloka ang stress ko na tignan. Kailangan ko pa naman mag study sa subject na mahina ako. Napabuga ako ng hangin dahil sa sitwasyon ko.
Bigla ko nalang nabitawan ang salamin dahil sa pagbangga sa akin. I looked at him. Silver hair and silver eyes, pale white skin and medyo red na lips.
Oh my god! She's so beautiful. Kahit wala ang salamin ko nakanganga na ako ngayon. Wait!
Hinead to foot ko siya. Nakapants ito at naka long sleeve. Diba dapat skirt? Oh well, transferee naman siya. At sa ka iyung buhok niya nakapony tail.
Ano ba kasing iniisip ng lalaki na iyon? Bakit gusto niya maging ka close ko ang babae na 'to?
“I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nasaktan ba kita?” alala kong tanong. Syempre fake lang 'yon. Alangan naman mag pa cold-cold ako. Paano kami magiging close iyan?
“It's fine. Mag ingat ka lang sa susunod,” she said coldly.
Bago tuluyang umalis. Ang cold naman ng babae na iyan. Ang hilig talaga nila akong pahirapan.
Sinundan ko lang siya ng titig. May iba akong nararamdaman sa babae na 'yon. Hindi ko nalang ito pinansin at umalis na.
•••
I looked at the door. Halos lahat ng mga estudyante ay nagtatakbuhan. Ano na naman kaya ang nangyari? At dahil chismosa ako ay tumayo ako at sinundan sila.
Nang makapunta na kami sa cafeteria. Nandoon si Skyler Castro. He's yellow eyes looking at the female lead seriously na para bang wala na silang ibang nakikita kundi sila lang dalawa.
“Nagsimula na,” seryoso kong sabi sa sarili ko.
Napalunok ako ng laway. Magsisimula na talaga ang kabaliwan ng mga lalaki na 'to.
Napatingin sa akin ang female lead at umiwas lang ako ng tingin. Umalis na lamang ako. Ayaw ko makita ang male lead.
•••
Nandito ako sa itaas ng puno habang nilalasap ang masariwang hangin. Nagulat na lamang ako ng bigla nalang may umakbay sa akin.
“Ano ba?! Gusto mo ba ako patayin sa gulat?!” Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang hininga. “Aatakihin ako sa puso ng dahil sa'yo eh.”
He has black hair and blue eyes. Ang cute niya shet! Mukha rin siyang inosente pero hindi talaga beh! Baka kung ikaw iyong female lead, hindi ka na marunong maglakad dahil sa gagawin niya.
He just smiled playfully na para bang natawa siya sa reaksyon ko. Mukha ba akong clown?!
Zeus Castro ang pinakabata sa kanilang apat. Sobrang inosente ng mukha na iyan. Hindi mo aakalain na ang wild niya sa kama. Napailing na lamang ako sa naisip ko.
“What are you doing here, Verity?” he asked.
“Umm... Nag momoment lang ako.”
Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hindi ko talaga maiwasan na mapalunok ng laway.
“Why do I feel like ang dami mong sekretong tinatago sa amin? Bakit feeling ko hindi ka normal na babae?”
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...