Napalunok nalang ako ng laway. Kahit malamig ang panahon ngayon ay bigla nalang ako pinawisan. Tumawa naman ako at sinapak ang braso niya.
“Wag ka nga magbiro ng ganyan!” I tried my best na ipakita sa kanyang hindi ako natatakot pero shit! Hindi ko talaga kaya! Halos ibigay ko na nga ang lahat pero hindi pa rin.
Tumawa lang ito dahilan para panliitan ko siya ng mata. Masaya pa talaga siya at natakot niya ako.
“You're so cute, Verity.” Pinisil niya ang pisnge ko at ganun pa rin ako masama pa rin ang tingin ko sa kanya.
Hayop tong babae na 'to ah.
•••
Napalunok na lamang ako ng laway ng makita ang cave na sinasabi sa akin ni Desiree. Parang ayaw ko na pumasok pero sabi kasi ng prof namin na bawal hindi sumali kasi need daw for memories— eh ayaw ko nga eh!
Napahinto ako ng hinawakan ni Desiree ang kamay ko dahilan para tignan ko siya.
“Don't worry if anything happens I will protect you.”
Napangiwi na lamang ako ng palihim dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siyang pro-protektahan niya talaga ako? Baka siya pa nga papatay sa akin eh? What if kaya niya iyun sinabi kasi sign na iyon na papatayin na niya ako?
Pinauna na iyong ibang team at ako naman ay mas lalong kinabahan. Desiree looks at me with a worried expression on her face.
“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” nagtataka kong tanong.
“Are you really okay, Verity? Namumutla ka kasi.” Do you think I'm okay?!
Ngumiti na lamang ako ng peke at tumango.
“Okay next!”
Para ako naestatwa ng marinig ko ang boses ng prof namin. Hayop talaga siya! Pag ako namatay at hindi makalabas ng buhay. Mumultuhin ko talaga siya non- stop.
Hinawakan niya ang kamay ko and she gave me a warm smile. Hindi nalang ako nagsalita at sumunod nalang sa yapak ng paa niya.
•••
Madilim ang lugar at kahit may torch na ito ay madilim pa rin ang paligid. Gusto ba nilang patayin kami?! The fuck na magiging masaya ang pagpunta namin dito. Sana pala hindi na ako nagpunta pa. Huhu! Bobo ko talaga.
“Don't worry, Verity. You're safe with me.” Ngumiti nalang ako. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.“Now i realized why everyone is obsessed with you.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Huh? What did she mean by that? Hindi nalang ako nagtanong pa at sumunod nalang sa kanya.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya. Hindi kaya naniniwala talaga siyang ako si Verity, iyung love rival ng mama niya. Agad ako napaatras at binawi ang wrist ko na nakahawak niya.
Kaya niya ba sinabi iyon para tuluyan niya akong patayin dito? Nice plan, Desiree. Muntik na ako mahulog do'n.
Hindi pa man siya nagsasalita ay agad na tumakbo palayo. Takbo lang ako ng takbo kahit rinig ko ang aking pangalan.
“Verity!” I heard her one last time pero hindi talaga ako nag abalang lumingon sa kanya.
Bigla nalang ako napasigaw nang mahulog ako sa hindi ko alam na daan.
•••
I slowly open my eyes at napaupo sa upuan habang nakahawak sa noo ko. Napapikit na lamang ako sa sakit.
“W-where am i?” Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at sobrang dilim.
Napaiyak nalang ako habang yakap na yakap ang sarili ko. Someone please help me! Hindi ko na alam ang gagawin ko. I'm totally lost!
Napatayo ako pero bigla na lamang ako napapikit dahil sa sakit ng paa ko. Shit! I think i sprained my ankle. Nararamdaman ko na rin ang dahan-dahan na pagkawala ng malay ko. Is this the end?
You're not going to die, Verity.” Napalingon ako sa humawak sa hawak ko at tinaasan siya ng isang kilay.
“What are you doing here?” He just smiled at me dahilan para makaramdam ako ng sama na kutob.
Bago pa man siya makapagsalita ay agad na nawala ang malay ko.
•••
I slowly open my eyes and I saw a fire besides me. Ramdam ko ang init nito pero hindi ito nakakasunog. Agad ako napaupo sa hinihigaan ko at agad ko nilibot ang aking paningin sa paligid.
“Where the heck am i?!”
Napahinto ako ng makita ko na naman ang prinsepe na nakatingin sa akin ng nakakaloko. What the fuck is he even doing here?!
“Hi, Verity.” He gave me a warm smile dahilan para mapangiwi ako. “Did you have a nice nap?”
“What the fuck?!” Napahinto ako at tinakpan ang bibig ko. I need to control my anger lalo na kaming dalawa lang ang nandito. I gave him a fake smile na mas lalo niyang ikangisi. Anong nginingiti-ngiti mo diyan?! Batukan kita eh! “Ano pong ginagawa niyo dito, mahal na prinsepe?”
“It's not important kung anong ginagawa ko dito. Ang importante ay niligtas kita.” So anong gusto mong gawin ko?! Magpasalamat ako sa'yo?! Lumuhod ako?!
Tumayo na ako at muntik pa talaga ako matumba dahil sa pagkahilo. Gusto ko nalang talaga maging hotdog. Walang safeplace dito kahit sa parents ko eh. Nakakapanghinayang.
Siguro sinulat na talaga ng lalaki na iyon ang plot twist ko dito. He knows that I don't like being the female lead pero ginawa niya akong female lead para pahirapan ako.
Joker talaga iyung lalaki na iyon sarap sampalin. Napahinto nalang ako para bang tumigil ang mundo ko ng hawakan niya ang baywang ko at hinawakan ang wrist ko while looking at me na parang nakakalandi na tingin.
“Let me go.” I gave him a fake smile ng maalala kong prinsepe pala siya at dapat respetuhin. “Mahal na prinsepe.”
“No. I can't let you go. Baka matumba ka? You're not completely fine, Verity. So just listen to me,” mahinahon niyang sabi sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya and he immediately sighed at pumunta sa harapan ko at tumalungko.
“Sit on my back.”
“But—”
“No but's if you want us to get out of here alive. Makisama ka nalang.” Napalunok na lamang ako ng laway at hindi na nagsalita.
Umupo na lamang ako sa likod niya at muntik pa ako napasigaw ng hawakan niya ang hita ko at tumayo na.
BINABASA MO ANG
Twist of Fate 2
Romance(On Going) Verity Diaz ay isang babaeng nakabalik sa nobelang dati na niyang natakasan. Akala niya ay tapos na ang paghihirap niya dahil natakasan na niya ang mga baliw na lalaki na umaaligid sa kanya. Ngunit sa isang iglap nakabalik na naman siya...