Pagkatapos Kumain ni Gringgo at Chastine ng Meryenda ay biglang dumating si Sir Azi na parang walang nangyari at bagong paligo na rin ito.
Inalok pa nila ito ng Meryenda ngunit sumagot lamang ito na katatapos daw nitong Kumain ng napakasarap na putahe at biglang napa ubo si Chastine habang kumakain.Nagkwentuhan ang tatlo hanggang sa nagpaalam na si Chastine na magpapahinga muna,hinayaan lamang ito ng mga Lalaki. Nag usisa naman si Gringgo sa Real Status ni Sir Azi at Bestfriend niya. Nakakahalata na si Gringgo ngunit gusto niyang manggaling ito kay Sir Azi dahil balak niyang kausapin ito ng masinsinan.
"Anong balita sainyo ni Chastine?"
Biglang tanong ni Gringgo."Chill lang kami, hindi kami nagmamadali sa kung ano man ang mayroon kami."
Seryong saad ni Sir Azi."Matatanda naman na kayo, ang hihilingin ko lamang saiyo huwag mong lolokohin at ibilang sa mga naging Babae mo. Doon lang tayo magkaka problema. Mahal na mahal ko iyon, sa sobrang pagmamahal ko isinantabi ko iyong nararamdaman ko para sakaniya. Kasi ayaw ko siyang mawala. Mabait at malambing iyon tapos sobrang maasikaso, napaka Ganda at Sexy pa kaya walang Lalaki na hindi mabibighani sakaniya. Iniingatan namin siya na parang babasaging Crystal."
Seryong pahayag ni Gringgo."Malinaw naman lahat saaming Dalawa ang ginagawa namin. At oo, Tama ka sa mga Katangian niyang taglay walang Lalaki ang palalagpasin pa siya. Pangako, alam ko kung ano ang mga ibig mo iparating saakin."
Wika ni Sir Azi."Iyong Jonas na bumibisita dito kilala ko na iyon. Nagpaalam ng maayos saakin at sa mga Magulang ni Chastine.
Maayos rin naman ang Lalaki na iyon, pero hanggang kaibigan lamang ang tingin ni Chastine sakaniya."
Komento ni Gringgo."Mabuti naman kung ganoon."
Seryosong saad ni Sir Azi.Hindi alam ng Dalawang Lalaki na nag uusap na narinig lahat ni Chastine ang kanilang Usapan. Hanggang dulo ay umaasa ang Babae na maririnig mula kay Sir Azi na gusto siya nito i-pursue ngunit wala siyang narinig, hanggang FUBU lamang talaga yata sila bulong sa isip ni Chastine.
Sa bawat Araw na nakakasama, nakakausap at may nangyayari sakanila ay nahuhulog na ang Loob niya kay Sir Azi, pero malinaw sa kaniya kung ano lamang ang mayroon sakanilang Dalawa ng Lalaki. Minsan na rin kasing Pinangarap ng Babae na ang magiging Asawa lamang niya ang makaka Una sakaniya, pero mas inuna niya ang tawag ng laman.
Sa Ngayon ay makokontento na lamang siya sa ginagawa nilang Dalawa, Who knows? Ma fall din ito sakaniya pero ang gusto ng Babae ay kusang naramdaman ito ni Sir Azi hindi iyong ipipilit niya ang kaniyang Sarili dito.
Palagi namang pinapaalala sakaniya ni Sir Azi na walang ibang mayroon Sila eh, kaya eto nagmamahal Siya ng patago. Hindi niya maiwasan na mag isip pa minsan minsan na sana ay matutunan siyang Mahalin ni Sir Azi at maging Legal Sila. Masakit na nagmahal Siya at hindi ito kayang suklian ng kaniyang Minamahal.
Sana balang Araw ay Mahalin at tanggapin Siya ng Kusa ni Sir Azi, Unang beses siyang nagmahal sa isang tao pa na takot sa Relasyon. Ginusto man nila ito parehas pero patuloy siyang aasa na isang Araw ay magising ito na Siya na ang tinitibok ng Puso nito. Sana........
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZI
RomanceMAPANAKIT‼️‼️‼️ Ibinigay ni Chastine Dela Torre ang kaniyang Virginity sa isang Sundalo na na Destino sa kanilang Lugar, 2 Months later ay nalaman niya na Buntis siya. Ipinaalam niya ito sa Pamilya ni Sir Azi Ching kaya agarang pinauwi sa Bahay nil...