Ngayon pa lamang makakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka si Chastin, tulad ngayon palabas sana Siya papunta sa Banyo ngunit napahinto ang Babae ng marinig niya na may mga nag uusap sa Veranda nila Sir Azi.
Pinili niyang magtago para pakinggan ang mga usapan nila dahil malakas ang kutobs niya na tungkol ito sa pinagbubuntis niya."Itigil mo na ang kahibangan mo kay Frinah anak, panagutan mo si Chastine."
Wika ng Ina ni Sir Azi."Magaan ang loob namin kay Chastine, hindi ka na rin bumabaya gayon din kami ng Ina mo, Anak."
Wika din ng Ama ni Sir Azi."Opo, Wala naman po akong balak na takbuhan si Chastine. Kung papayag si Chastine at ang Pamilya niya ay pwede kaming ikasal pagkatapos niya manganak. Mahirap ang padalus dalos."
Pahayag ni Sir Azi."Hindi kami papayag sa desisyon mo, Anak. Mamayang Gabi ay pupunta tayo sa Bahay nila Chastine at ipapa alam natin na Nabuntis mo ang Anal nila at namamanhikan tayo."
Pinal na desisyon ng mga Magulang si Sir Azi."Huwag mo bigyan ng sama ng loob si Chastine. Mahirap ang pagbubuntis, Anak ko."
Pakiusap ng Ina ni Sir Azi."Opo, Ma. Salamat po at andiyan kayo para gabayan ako."
Sagot naman ni Sir Azi.Napalingon ang Tatlo ng biglang tumakbo si Chastine dahil nagsusuka siya, nilapitan naman ito ni Sir Azi para alalayan. Hindi na mahinto ang Babae sa pagsuka buong Araw na iyon hanggang makarating Sila sa Bahay nila Chastine.
Nagkataon naman na andoon din pala si Gringgo at narinig ang lahat ng pinag usapan at Plano ng bawat partido. Masaya ang lahat dahil matagal na nilang gusto magkaroon ng sariling Pamilya si Chastine dahil parehas naman silang nasa tamang edad ni Sir Azi.
Sa buong Oras na nag uusap usap ang kanilang Pamilya ng Lalaki ay walang kibo si Chastine at nakikinig lamang ito. Inisip na lamang ng lahat na baka dahil sa Symptoms ng pag bubuntis niya kaya Wala ito sa mood. Napag desisyon nila pagkatapos na lamang Panganganak ni Chastine ang Kasal.
Nauna ng nagpahinga si Chastine at naligo para matulog, pag labas niya ng Banyo at andoon si Sir Azi at seryosong nakaupo sa kaniyang Kama. Nagpapakiramdaman ang Dalawa kung Sino ang unang magsasalita.
"Let's try to work this out, Babu."
Wika ni Sir Azi."Parang ang hirap naman non, Ako ang kasama mo pero iba ang Mahal mo."
Malungkot na saad ni Chastine."Kung pwede lang turuan ang Puso, pero andyan na yan kaya sikapin na lamang natin na maging mabuting Magulang para sa Anak natin."
Nakangiting sabi ni Sir Azi."Yeah right! Para sa Bata, salamat."
Nakangiting Saan pa rin ni Chastine."Intindihin natin ang isa't-isa, dahil andito tayo sa Sitwasyon na may Batang ma-aapehtuhan, isang pagkakamali lamang natin."
Wika ni Sir Azi."Tama at salamat for giving us a Chance. Wala namang masamang sumubok."
Wika ni Chastine."Tama, gusto ko na rin talagang magka anak at magkaroon ng sariling Pamilya."
Saad ni Sir Azi.Natulog silang magka yakap at nakangiti, pero parehas nilang alam ang Limistasyon nilang Dalawa. Susubok Sila para sa Anak nila at sa mga sarili nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/333185299-288-k601944.jpg)
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZI
RomanceMAPANAKIT‼️‼️‼️ Ibinigay ni Chastine Dela Torre ang kaniyang Virginity sa isang Sundalo na na Destino sa kanilang Lugar, 2 Months later ay nalaman niya na Buntis siya. Ipinaalam niya ito sa Pamilya ni Sir Azi Ching kaya agarang pinauwi sa Bahay nil...