Nang bumalik ang malay ni Frinah ay nagpaalam muna si Sir Azi na uuwi at babalik ito kasama si Chastine. Pumayag ang Babae dahil may Pamilya rin itong kailangan uwian. Si Frinah ang nag asikaso ng lahat para sa Burol ni Sir Ken dahil iyon din ang makaka gaan sa Lungkot na nadarama nito kaya hinayaan na rin Siya ng Pamilya ni Sir Ken.
Pag tapak pa lamang ng Pintuan ni Sir Azi ay sinalubong na Siya ni Chastine ng halik sa Labi at yakap pero napansin ni Chastine ang namamagang mga Mata ng kasintahan at Lungkot nito.
"Babu, ang bilis ng Operation ninyo ah? Bakit po malungkot at namamaga ang mga Mata mo?"
Sunod-sunod na tanong ni Chastine."Babu, Wala na si Sir Ken!"
Wika ni Sir Azi at niyakap si Chastine.Parang bombang sumabog rin ang naramdaman ng Babae, una niyang naisip ay Paano na si Frinah? Kaka Engaged pa lamang nila. Nalungkot ang Dalawa at nag desisyon na kinaumagahan ay pupunta agad sila sa Funeral ni Sir Ken para damayan si Frinah at ang Pamilya nito.
Kinabukasan ay pumunta na ang Dalawa sa Burol ni Sir Ken at hinanap kaagad nila si Frinah. Nakatayo ito sa harapan ng Kabaong ni Sir Ken at nakatitig lamang ito doon. Napaiyak si Chastine dahil ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Frinah, dahil iisipin pa lamang niya kung sakaniya nangyari ito ay baka pati Siya ay mamatay na rin.
"Frinah, nakikiramay ako."
Niyakap ni Chastine si Frinah."Chase, Wala na ang Sinisinta ko!"
Hagulgol ni Frinah.Hinayaan lamang ni Chastine na umiyak ng umiyak si Frinah sa kaniyang Balikat hanggang Kumalma sa medyo Kumalma na ito.
"Chase, alam mo ba may mga Premonition's na before the Operation but I just ignored it."
Kwento ni Frinah."Iyon nga rin ang nabanggit ni Z, may mga hinabilin raw sakaniya si Sir Ken na very unlikely of him. Siguro naramdaman na rin ng Sistema niya na mawawala na Siya kaya ganoon ang mga Bilin niya."
Malungkot na saad ni Frinah."Hanggang sa kabilang Buhay ng Sinta ko, sinigurado niya na magiging maayos at Komportable ang Buhay ko kahit wala na siya."
Wika ni Frinah na umiiyak."Ibig sabihin lamang non ay ganoon ka talaga niya kamahal, Frinah. Ngunit hanggang doon na lamang talaga ang kaniya Buhay, ipanalangin natin na maging Masaya na rin Siya kapiling ang ating may Likha."
Saad ni Chastine."Salamat sa pakikiramay ninyo ni Sir Azi ha? Malaking bagay ang pag punta ninyo Ngayon."
Saad ni Frinah."Walang anuman, Frinah. Kapatid na ang Turing namin saiyo umasa kang hangang dulo ay andito lamang kami para saiyo."
Wika ni Chastine."Salamat muli. Pagkatapos nitong Burol at mailibing Siya, papasok na rin ako ng Army. Itutuloy ko ang Serbisyong nasimulan ng Sinta ko."
Nakangiting sambit ni Frinah."Asahan mo ang aming suporta sa bagong Chapter ng Buhay mo, Frinah.
Palagi kaming andito para saiyo. Pumasyal ka sa Bahay namin para nakita mo ulit ang Kambal."
Saad ni Chastine."Oo papasyal talaga ako sainyo. Kung hindi nga lamang namatay ang Sinisinta ko dapat ay pupunta kami sainyo after their Operation."
Wika ni Frinah."Kahit wala na siya, ituloy mo lamang ang Buhay mo. Dahil walang ibang gagawa non para saiyo. Isipin mo na palagi pa ring naka alalay at gabay saiyo ang Sinta mo."
Nakangiting saad ni Chastine.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZI
Roman d'amourMAPANAKIT‼️‼️‼️ Ibinigay ni Chastine Dela Torre ang kaniyang Virginity sa isang Sundalo na na Destino sa kanilang Lugar, 2 Months later ay nalaman niya na Buntis siya. Ipinaalam niya ito sa Pamilya ni Sir Azi Ching kaya agarang pinauwi sa Bahay nil...