DESTINO

3.2K 13 0
                                    

May usapan si Sir Azi at Chastine na mag Check in sa isang kilalang Hotel para makapag relax at masolo nila ang isa't-isa. 24 hours lamang ito kahit na isang Linggo na Silang hindi magkikita at nag uusap, iyon naman ang set up nilang Dalawa dahil ayaw ng Lalaki na maging Clingy Sila sa isa't-sa, dumating na rin kasi ang mga Magulang ni Chastine galing sa mahabang Bakasyon.

Katatapos lamang ng Dalawa sa mainit na pagtatalik, kasalukuyan Silang nakahiga sa Kama.

"Nga pala, malilipat na ako ng Destino next week sa Manila."
Biglang wika ni Sir Azi.

Napatigil si Chastine sa sinabi ni Sir Azi, nakaramdam Siya ng Lungkot dahil ito ang Araw na kinakatakutan niya ang malipat ng Destino si Sir Azi.
Mas lalong mapapalayo ang loob nito sakaniya, balak pa naman ng Babae na gumawa ng paraan para ma-fall na rin ang Lalaki sakaniya.

Paano na ako?

Paano na kami?

Paano na Sex life namin?

Paano kung makakita Siya ng iba?

Paano kung hindi na ulit kami makapag kita?

Ilan lamang iyan sa mga katanungan ni Chastine sa kaniyang isip. Wala siyang lakas ng loob na itanong iyon kay Sir Azi dahil baka ungkatin pa nito ang naging Kasunduan nila na No String's Attached.

"Ah okay! Mag-iingat ka doon."
Sagot ni Chastine.

"Salamat, matagal ko rin itong hinihintay na doon ma Destino dahil andoon ang mga Batch ko sa lilipatan ko."
Masayang wika ni Sir Azi.

"Good to hear that, at least makapag kita kita na ulit kayo."
Wika naman ni Chastine.

Matapos na naging usapan nila na iyon ay Wala ng nabanggit ni Sir Azi kung paano na Silang Dalawa sa paglipat nito ng Destino. Hindi na rin nagtanong ang Babae dahil baka mas lalo lang siyang masaktan sa isasagot nito sakaniya.

Nililibang ni Chastine ang sarili dahil ni isang tawag o text ay wala galing kay Sir Azi, malapit na itong umalis pero hindi pa rin ulit Sila nagkita pagkatapos nila mag Check in last week. Hinayaan na lamang ito ni Chastine dahil mas naging malinaw na naging parausan lang siya nito.

Ginawa na lahat ni Chastine para lamang malibang dahil ayaw niya umaasa na may milagrong mangyayari pa sa kanilang Dalawa ni Sir Azi. Miss na miss na niya ito, iyong mga simpleng kwentuhan at pagtatalik nila ay paulit ulit na gumugulo sakaniyang isip.

Biglang dumating si Gringgo at inaya siyang Kumain sa labas, pumayag ang Babae dahil gusto niya makalimit panndalian. Paalis na sila kaya nilingon ni Chastine ang Barracks nila Sir Azi ngunit wala siya doon sa bandang harap, malamang ay tulog na ito o nagpapahinga.

Pagdating nila sa Restaurant ay nakilala ng Babae ang Kotse sa Parking Lot, Sasakyan ito ng Lalaki. Pasimpleng hinanap ng kaniyang mga Mata si Sir Azi, at nakita niya naman ito. May kausap na Babae, napaka kinis at Maganda. Mahaba ang Buhok at napaka sexy. Nagulat si Chastine ng bigla siyang hinila ni Gringgo sa Lamesa nila Sir Azi.

"Andito ka pa Sir Azi, kailan ka luluwas?"
Tanong ni Gringgo at nagkamayan Sila.

"Bukas na, katatapos lang namin kumain. Kayo ba?"
Wika ni Sir Azi na nakangiti.

"Sige Sir Azi, ingat na lang. Pauwi na rin ako bukas sa Davao, sumaglit lamang ako dito."
Sagot naman ni Gringgo.

"Salamat. Ikaw rin ingat din. Si Pam nga pala, Date ko."
Ngiti na wika ni Sir Azi.

"Hello there Pam! Gringgo at your service. Si Chastine pala, Bestfriend ko."
Nakangiti rin si Gringgo na wika nito.

Ngumiti ng bahagya si Chastine at napailing. Ganoon na lamang pala iyon, ano po? Wika ng Babae sa kaniyang isip at bumuntong hininga.

POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZIWhere stories live. Discover now