SAYING I LOVE YOU

2K 17 0
                                    

Sa mga nakalipas na Buwan ay maayos ang pagsasama ng Dalawa sa iisang Bubong. Maalaga at maasikaso rin ang Lalaki kay Chastine ngunit simula ng huli nilang napag-usapan ang tungkol sa kanilang Dalawa ay hindi na nila ulit ito napag-usapan. Lalong nahuhulog si Chastine kay Sir Azi, kaya natatakot siyang mawala pa ito sakaniya.

Sa huling Check up ng Babae ay kasama niya si Sir Azi at napag-alaman nilang mga Kambal ito ngunit wala silang Idea sa mga Gender's nito dahil nag sabi si Sky na mag O-organisa ito ng Baby Shower na sinang ayunan naman ng Dalawa. Kahit na nakatutok sa Babae ang Atensyon at kasama niya ito ay hindi pa rin nakaka sigurado ang Babae kung Siya na ba ang mahal nito.

May Dinner date Silang Dalawa Ngayon sa Tagaytay, inaya Siya ni Sir Azi. At ito ang Araw na tatanungin niyang muli si Sir Azi para sa kapayapaan ng kaniyang isip. Para alam niya kung Saan ba siya lulugar.
Mahirap umasa sa wala, para isang sakitan na lamang sa isip ni Chastine.

"Kanina ka pa tahimik, Babu. May masama ka bang nararamdaman?
Ayaw mo ba dito?"
Nag a-alalang tanong ni Sir Azi.

"Ayos lang ako, ang Ganda nga Dito.
Perfect para sa mga totoong magka Relasyon."
Pahaging ni Chastine.

"Sure ka ba diyan? May problema ba?"
Tanong ni Sir Azi.

"Mahal mo pa rin ba si Frinah?
Para pa rin ba sa Bata kaya kasama pa kita hanggang Ngayon?"
Naiiyak na wika ni Frinah.

"Gusto mo ba malaman ang totoo?"
Wika ni Sir Azi.

"Oo, para isang sakitan na lamang.
Pangako, huling beses na itatanong ko saiyo ito kapag sinagot mo."
Wika ni Chastine.

Biglang kinuha ni Sir Azi ang mga Kamay ni Chastine at hinalikan ito.

"Sa totoo lamang,simula noong umuwi ako para harapin ka Wala na kaming Communication ni Frinah. Halos hindi ko na nga maalala kung kailan ba kita minahal. Maybe because it was you all along. Nabulag ako masyado sa Kalibugan at Patawad para sa mga Araw na umiiyak ka dahil saakin.
Mahal na mahal kita at ng Kambal natin, Babu."
Madamdaming pag-amin ni Sir Azi.

Humagulgol bigla ang Babae dahil sa isiniwalat ni Sir Azi, kaya niyakap at hinalikan ito ni Sir Azi. Sobrang Saya ng nararamdaman ng Babae, Hindi niya maipaliwanag ka niyang nararamdaman. Baka dahil na rin sa Hormones niya.

"Sorry pinaiyak na naman kita, Babu.
Sorry sa lahat at babawi ako sainyo ng Kambal natin."
Wika ni Sir Azi.

"Paano si Frinah? Baka masaktan mo rin Siya, Babu."
Iyak ni Chastine.

"Hindi ko pa siya nakakausap, pero si Sir Ken ang kausap ko dahil nagpaalam saakin Last Month na Sila na raw ni Frinah. Pinapapunta nga tayo sa Surprise niya sa Birthday ni Frinah, mag po prose na raw siya."
Natatawang sabi ni Sir Azi.

"Mabuti naman kung ganoon at least Wala tayong masasaktan sa Relasyon natin."
Saad ni Chastine.

"I love you my future Wife!"
Sigaw ni Sir Azi.

"I love you too! Huwag ka nga sumigaw, nakakahiya.

"Opo, Kumain na tayo at ng makauwi agad tayo, mukhang uulan."
Wika ni Sir Azi.

"Babu, gusto ko ma meet si Frinah. Baka pwede tyong mag double date with them."
Hiling ni Chastine.

"Sure,Babu. I'll tell it to Sir Azi first.
May Operation pa kasi kami next week."
Pafpayag ni Sir Azi.

POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZIWhere stories live. Discover now