THE WEDDING

3.2K 20 4
                                    

Lumipas pa nga ang isang Taon at nakapag Babang Luksa na si Sir Ken.
Kaya naman after a Month ay naka ayos at Prepera na lahat para sa kasal ni Chastine at Sir Azi sa Simbahan.
#AZIchaseChastine ang kanilang Hashtag. Walang pagsidlan ang kanilang Saya maging ng mga Pamilya at Kaibigan nila.

Hindi lahat ay nagkakaroon ng Masaya at Makabuluhan na Pagmamahal.
Hindi lahat ay makaka tagpo at makaka sumpong ng Pagmamahal na walang katumbas. Naging malaking puwang ang Pagpapatawad at Pagtanggap ng bawat isa sa kanilang Buhay.

"Babu, alam ko hindi Perpekto ang ating Relasyon. Nagsimula man tayo sa isang M.U, Magulung Usapan ay pinapangako ko saiyo na Habambuhay kong ipaparamdam at ipapakita saiyo ang Pagmamahal at pagbawi ko sa lahat ng pagkukilang ko. Mahal na mahal kita pati na ang mga Anak natin at sa mga susunod nating Anak."
Emosyonal na pahayag ni Sir Azi.

Nag-iiyakan na ang Tao sa Loob ng Simbahan. Maging ang mag-asawa ay singhot na ng singhot sa emosyon na umaapaw.

"Babu, Salamat sa araw-araw na pagpaparamdam kung gaano mo Ako kamahal pati na sa ating Kambal. Oo, Hindi tayo Perpekto but you always made feel how blessed we are. Pinapapangko ko saiyo na uunahin kita at ang mga Anak natin. Pagsisilbihan kita mula Ulo hanggang Papa, iyong-iyo lamang ang aking Puso at Kaluluwa. Mahal na mahal kita, Babu."
Umiiyak na wika ni Chastine.

Nagpalakpakan na ang Tao sa kanilang Paligid at ng matapos ang Kasal ay dumerecho na Sila sa Reception. Andoon din si Frinah at Gringgo ngunit wala silang Pansinan. Nagkataon na pumunta rin si Sky at halos hindi na ito Iwan ni Gringgo.

"Bakit nakabusangot yarn?"
Tanong ni Chastine.

"Hindi kaya. Congratulations!"
Sagot ni Frinah.

"Salamat ha. Huwag mo intindihin iyan si Gringgo, ganyan talaga iyan.
Huwag mo papansinin iyan, para madala."
Payo ni Chastine.

"Wala akong paki diyan no!"
Defensive na sagot ni Frinah.

"Hay nako! Pati ba naman sakin mag de deny ka pa?"
Natatawang tanong ni Chastine.

"Hmmpp. Naiinis na ako diyan kay Gringgo. Minsan sweet, minsan ang sungit tapos minsan napaka seloso."
Naiinis na wika ni Frinah.

"Bigyan mo ng Leksyon. Huwag mo siyang kibuin at huwag kang magpapakita. Tingnan ko kung hindi yan maghabol."
Payo ni Chastine.

"Iyon rin ang Plano ko eh. Nang malaman niya na hindi ako east to get." Yabang na sambit ni Frinah.

"Talaga ba, Frinah? Eh diba sa Beach pa lamang naka ilang Rounds na kayo?" Halakhak ni Chastine.

"Eh manyak naman kasi yan si Gringgo. Ngayon tingin Siya ng tingin dito sa pwesto ko."
Puna ni Frinah.

"Kanina pa nga iyan ganyan, kaya nga kita nilapitan kasi sabi niya umalis ka na raw yata dahil nawala ka sa harapan kanina."
Wika ni Chastine.

"Maya-maya aalis na rin ako, Marami kasi akong Paper works. Tinambakan ako niyang Gringgo na yan. Kainis."
Paalam ni Frinah.

"Eh kasi palagi ka raw umuuwi agad hindi ka niya naabutan."
Halakhak ni Chastine.

"Eh bwesit kasi siya, pag nasa paligid Siya ang dami niya pinapagawa kaya umaalis agad ako."
Sambit ni Frinah.

"Sabi niya may pumoporma daw saiyo, nagpaalam pa raw sa kaniya."
Wika ni Chastine.

"Wala naman iyon, wala pa ako sa mood makipag Date."
Wika ni Chastine.

Maya maya ay umuwi na ang lahat na may ngiti sa mga Labi pagkatapos ng Kasal. Iyon ang hiling ko sa lahat ng Followers ko, charot. Ikasal kayo sa Tama Tao sa Tamang Oras at Panahon.

Ciao!

Nag desisyon na ako! Hahahah
May Frinah at Gringgo, next.....

POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZIWhere stories live. Discover now