OPERATION

1.7K 12 0
                                    

Ngayon ang pag alis ni Sir Azi para sa Operation, may Meeting pa Sila bago pumunta sa Lugar na pupuntahan nila. Hanggang Ngayon ay nasa isip pa rin niya ang mga Bilin sa kaniya ni Sir Ken, Ngayon lamang naging ganito si Sir Ken. Tahimik ito Ngayon na parang may malalim na iniisip.

"Sir Ken, tahimik ka ata. Kamusta si Frinah?"
Puna ni Sir Azi.

"Ayos naman siya, Sir Azi. Huwag mo Ako intindihin, iniisip ko lamang ang Operation natin. Bakit pa kasi kailangan pang dumanak ng Dugo?"
Tanong ni Sir Ken.

"Wala eh. Ganoon talaga, kailangan nating ituwid ang maling landas ng mga Rebelde."
Sagot ni Sir Azi.

Tumango na lamang si Sir Ken at nagpatuloy Sila sa pagpalakad dahil pagkatapos na bigyan Sila ng Instructions ay lumakad na Sila.
Katabi ko Sir Azi ang Lalaki, ngunit bigla iyong bumagsak at kabilaan na ang palitan ng Putukan. Na head-shot ng Sniper si Sir Ken ng kalaban.

Gumanti ng putok si Sir Azi para sa kaibigang naka handusay na kaniyang tabi at Wala ng Buhay. Galit ang kaniyang naramdaman, Maya maya pa'y natigil na ang putukan at nakabalik na Sila sa Kampo. Habang ang Bangkay ni Sir Ken ay naroon na sa Morgue.

Si Sir Azi ang Head ng Operation na iyon at Siya ang naka toka na tumawag sa Pamilya ni Sir Ken at kay Frinah. Napaiyak bigla si Sir Azi dahil hawak niya Ngayon ang Cellphone ni Sir Ken at nabasa niya ang huling Chat nito kay Frinah.

Sinta ko, andito na kami sa Lugar kung Saan ang Operation. Mag i-ingat ka habang wala ako. Mahal na mahal kita, Asawa ko.

Nanghihina man ay tinawagan na niya ang Pamilya ni Sir Ken at si Frinah. Gulat na may halong Galit ang mga ito kaya pinapunta na lamang niya ang mga ito sa Kampo par amasamahan niya ang mga ito sa Morgue kung nasaan si Sir Ken.

Bakit kailangang may mag buwis ng Buhay?

Bakit kailangang pumatay?

Bakit hindi man lamang nakaganti ng putok si Sir Ken? Bakit?

Piping bulong ni Sir Azi sa kaniyang isip, nasasaktan Siya dahil Kapatid na Ang Turing niya sa Lalaki at Ngayon lamang siya nalagasan ng Tao sa Operation, kaya sobrang Galit ang kaniyang nararamdaman.

Kaya pala....

Kaya pala maraming Bilin si Sir Ken saakin.

Bilin na naging huling habilin.

Pangako Sir Ken, alalayan at gagabayan ko ang Pamilya mo at si Frinah.

Bumuhos ang luha sa Kampo ng makarating ang Pamilya ni Sir Ken at si Frinah. Walang ibang magawa si Sir Azi kundi aluin ang mga ito at yakapin si Frinah. Halos magwala na si Frinah sa harap ng Bangkay ni Sir Aken at awang awa Siya sa Babae.

Ramdam ang Lungkot at Galit sa paligid, walang nagtangkang magsalita sa hanay nila Sir Azi dahil tanging pagtangid ng mga iniwanan ni Sir Ken ang maririnig sa loob ng Morgue. Habang yakap ni Sir Azi si Frinah ay dumausdos ito pabagsak sa Sahig, mabuti na lamang ay naalalayan niya ito bago mawalan ng Malay.

Dinala nila ito sa pinakamalapit na Ospital, kasalukuyang nasa Emergency Room pa rin ito at walang pa ding Malay. Awang-awa Siya kay Frinah, pero wala siyang ibang magawa kundi alalayan ito.

Kamakailan lamang ng mag Propose na rin si Sir Azi Ngayon naman ay Lamay ang aasikasuhin ni Frinah kesa ang Preparation ng Kasal nila. Nakakalugmok pero alam ni Sir Azi na hindi ito gugustuhin ni Sir Ken.

POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZIWhere stories live. Discover now