Dumerecho si Gringgo sa Kusina nila Frinah at uminom ng Tubig. Kanina niya pa napapansin na parang may mali sa ikinikilos ng Babae at nakita din niya iyong pag tingin nito sa pagdaan ni Sir Azi na may kaangkas. Nasa parteng dilim si Gringgo kaya't hindi siya napansin ni Chastine.
Kabisado ni Gringgo ang Babae kapag may hindi magandang nangyayari kaya naman hinahayaan niya lamang ito dahil kusa naman itong nag ku Kwento. Pero iba ngayon, alam ni Chastine na naka sunod sa galaw niya si Gringgo. Hindi nakatiis ang Babae kaya naman nagsalita na ito.
"Okay! Pagod lang ako kaya ako malungkot."
Saad ni Chastine.Ngunit hindi kumbinsido si Gringgo kaya hindi niya inaalisan ng tingin ang mga Mata ng Babae dahil alam niya na hindi lamang ito basta pagod.
"Promise! Pagod lang talaga ako, sunod -sunod ang ganap sa Office."
Paniniyak pa ni Chastine.Kahit hindi pa rin kumbinsido ang Lalaki ay hinayaan na lamang nito ang Babae. Kahit mag Bestfriend sila ay binibigyan pa rin nila ng Privacy ang isa't isa.
"Sakto pang tanggal pagod, labas tayo."
Aya naman ni Gringgo"Sige. Mag shower lang ako."
Pagpayag ni Chastine.Paalis na sila kaya biglang lumingon si Chastine sa Barracks nila Sir Azi dahil madaanan nila ito bago makalabas ng kanilang Village. Nagulat si Chastine ng biglang huminto si Gringgo at sinabihan ang Babae kung pwedeng sa likod muna Siya dahil kasama nila si Sir Azi. Kasama naman ni Chastine sa likod si Sir Ken daw, pumayag naman ang Babae kahit nabigla Siya dahil ayaw niyang makahalata si Gringgo sa pag iwas kay Sir Azi.
"Saan ba tayo? Si Sir Ken pala isang Opisyal din."
Saad ni Sir Azi."Hello Sir Ken! Nice meeting you."
Sagot ni Gringgo."Same here Sir Gringgo,Hello there Miss Beautiful!"
Saad ni Sir Ken."Hi Handsome!"
Sagot ni Chastine.Biglang napaubo si Gringgo at natawa dahil nagkatinginan Sila ni Sir Azi.
"Sa dati pa din tayo Sir Azi."
Sabi ni Gringgo.Nang makadating Sila sa Bar na kanilang destinasyon ay inalalayan ni Sir Ken si Chastine pababa ng sasakyan kaya nagkatinginan muli si Gringgo at Sir Azi.
"Sir Ken,hope you don't mind, binabakuran ko kasi si Chastine."
Seryosong saad ni Sir Azi.Natawa si Sir Ken at sumagot kay Sir Azi. Si Gringgo at Chastine ay nauna na sa kanilang naghanap ng mauupuan.
"Copy Sir Azi! No problem."
Sagot ni Sir Ken.Pagka upo nila sa pwesto nila ay nagkatabi si Sir Azi at Chastine. Wala silang kibuan hanggang nag iinuman at hindi nakikisali ang Babae usapan nila. Hindi naka tiis si Sir Azi at kinausap na si Chastine.
"Sino yong nagsundo saiyo kanina, Ma'am?"
Tanong ni Sir Azi."Manliligaw ko Sir."
Seryosong sagot ni Chastine"Pwes paki sabi ay Akin ka at huwag mo na papuntahin."
Seryoso na rin si Sir Azi."Excuse me? Diba sabi mo wala lang yong nangyari? Tapos Ngayon ganiyan inaasal mo?"
Bulong ni Chastine."Mamaya mag-uusap tayong Dalawa, binanggit ko na din kay Gringgo."
Sagot ni Sir Azi."Siguraduhin mo lamang na maganda yang sasabihin mo dahil hindi na ako natutuwa."
Gigil na saad ni Chastine.Nagpatuloy ang kanilang inuman ngunit Hindi na masyadong sumabay si Sir Azi at Chastine para sa kanilang pag uusap mamaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/333185299-288-k601944.jpg)
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #2 : LOVE ME by CHASTINE AND SIR AZI
RomantizmMAPANAKIT‼️‼️‼️ Ibinigay ni Chastine Dela Torre ang kaniyang Virginity sa isang Sundalo na na Destino sa kanilang Lugar, 2 Months later ay nalaman niya na Buntis siya. Ipinaalam niya ito sa Pamilya ni Sir Azi Ching kaya agarang pinauwi sa Bahay nil...