17

179 4 1
                                    

"Woah, Bri! Buti pinayagan ka ng fiancé mo?"

It was Vionne, my blockmate. Matagal ko na siyang kilala, since highschool pa lang kami. Naging busy lang siya noong summer kaya nawalan talaga kami ng communication.

Kasama ko rin sina Dahlia at Riva, kaming apat lang kasi talaga ang magkaka-close dati. Sila lang din ang mga kasama ko sa aking mga katarantaduhan sa buhay.

They call me 'Bri' short for 'Gabriella.' Masyado raw kasi silang nahahabaan, I told them to deal with it pero sa huli ay hinayaan ko nalang.

I nodded. "Ang sabi niya lang ay huwag akong umabot ng madaling araw."

Dahlia shrugged. "Fair enough,"

"I've missed this!" Vionne yelled. Inangat namin ang kanya-kanya naming mga baso. "Cheers!"

Nilagok ko ang shot, walang chaser chaser. Nagsitawanan naman ang mga kaibigan ko. Si Riva ay may nahila nang lalaki, napailing nalang ako.

The three of them are still single, hindi ko alam kung kailan pa sila magseseryoso sa isang relasyon.

Wow. I really became a different person, huh? But in a good way.

Napatingin ako sa paligid, lahat ay sumasayaw habang nagpapatugtog ang DJ ng pop music.

"Oh, damn. He's so hot," rinig kong sabi ni Dahlia.

"Who?" si Riva.

"That DJ over there," Nginuso ni Dahlia ang direksyon kung saan may DJ na may seryosong kausap na babae.

"Pogi! Baguhan ba 'yan?" tanong ni Vionne.

"I think so." Matalim ang tingin ni Dahlia sa mga kasama ko. "Subukan niyo lang talaga!"

"Oh, come on! We shouldn't let a man ruin our friendship! Chill, hindi namin 'yan aagawin." sabi ni Riva at nagtaas ng mga kamay.

Natawa nalang ako.

"You're surprisingly quiet?" tanong sa akin ni Vionne, nakataas ang kilay.

I shook my head and drank a shot, naramdaman ko ang pait sa aking sistema. Naghahalo sa init na aking nararamdaman.

"She don't find any man attractive other than the love of her life. Hayaan niyo 'yan, this bitchy lover girl." Inirapan ako ni Dahlia.

I nodded, natatawa. "Yup. Straight up facts."

Kalaunan, si Dahlia ay inaya na sumayaw ng isang random na lalaki. Sunod naman ay si Vionne... hanggang sa kaming dalawa nalang ni Riva sa table at nakikipaglandian pa siya sa lalaking katabi niya ngayon.

Nasa harapan ko silang dalawa, sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay kulang nalang ang maghalikan.

She really loves teasing men.

Sinolo ko ang isang bottle. I'm a bit tipsy now, halos ilang botilya na rin kasi ang naubos namin!

I wanted to drown myself for some reason. Hindi pa rin matanggal sa isip ko 'yong nangyari six years ago. It was still fresh in my mind. Kung paano ako umiyak gabi-gabi...

Mabilis lang ang mga pangyayari. All I know that it wasn't a car accident. It was an attempted murder.

At bakit ang bilis matapos ng kaso niya? They didn't investigate further.

Ganoon nalang ba talaga iyon? Money really corrupts people's minds, kapalit noon ang prinsipyo at paniniwala nila.

"Tired of third wheeling?" tanong ng isang lalaki. Inangat ko ang aking tingin at napansin ko ang malagkit niyang titig sa akin.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now