37

142 3 0
                                    

"Pose ka riyan,"

Dinala ko kasi si Leandro sa isa sa mga magagandang tourist spots dito. Nandito kami sa malaking Eiffel Tower na landmark ng Paris.

He fished out his phone and aimed the camera right at me. Sinabihan niya akong mag-pose kaya medyo nagulat ako.

"What? Now?" I asked.

He nodded. "I'll take a photo of you."

Napangisi naman ako. "Photographer talaga kita since day one, 'no?"

Napailing ito. "Alam ko kasing magdadabog ka kapag maganda 'yong outfit mo tas wala kang ni-isang picture."

"Tama ka diyan!" I giggled and posed, siya naman ay nags-spam ng pictures.

Wala talagang pakialam sa storage.

Andami kong ginawang poses, halos 100 pictures na yata ang nasa gallery niya dahil sa kaka-spam niya ng shots!

"Models should be thankful that you wanted to take up law." aniya habang tinitignan ang mga kuha niya.

Napangiti ako. Maganda talaga ang shots! "Pwede ka na nga maging photographer," I winked at him.

"Bola!"

"Ikaw naman!" sabi ko't kinuha ang phone niya mula sa kaniya.

Napakamot siya sa kaniyang batok at nakatingin sa paligid, parang nahihiya. I chuckled. Ang cute naman.

"Just pose!" utos ko.

Mostly naka-thumbs up talaga siya sa mga pictures. 'Yung iba ay nakangiti at 'yong iba ay hindi naman tsaka may mga stolen shots din, 'yon ang mga aesthetic tignan.

Namula-mula na 'yung tenga niya pagkatapos kaya tawang-tawa naman ako ngunit nang mahagip ko ang tingin ng grupo ng kababaihan sa hindi kalayuan sa amin na nakatingin sa kaniya ay napatigil ako.

I frowned.

"What's wrong?" he asked.

"Everyone's staring at you."

"I told you, I'm a head turner."

Pure facts!

I glared at him. Wala naman siyang sinabi, ah? Pero totoo naman talaga. He is a head turner. He just stands out kahit saang lugar mo pa siya ilagay.

Kahit pa yata trashbag ang suot ng lalaking 'to, e... his face card never declines.

"Alis na nga tayo." I said and dragged him away. Nakakairita. Andaming nakatingin sa kaniya!

Dapat talaga may tag na nakalitaw sa itaas ng ulo niya na ang nakalagay ay 'Gabriella's'.

Sarap-sarap bakuran!

Hinayaan niya naman ako kung saan ko siya dadalhin, nakangiti pa ang loko. Pumasok kami sa isang seafood restaurant at nag-order. Thankfully, hindi naman kami allergic.

Namayani lang ang katahimikan naming dalawa habang naghihintay kami sa pagkain.

At no'ng dumating na, I broke the silence between us.

Pasulyap-sulyap kasi siya sa akin, parang kinikilig na ewan! Baliw na lalaking 'to! Ang weirdo niya talaga!

"Ano?!" naiirita kong sabi. Kanina pa kasi siya nakangiti!

Nginingitian niya kaya 'yong mga babae na 'yon? Magpapa-cute lang?!

Mas lalong sumama ang tingin ko sa kaniya.

"You look adorable," natatawang tugon niya. "Possessive, are we?" he said and chewed his food silently.

Napansin kong binabalatan niya ako ng hipon at nilalagay iyon sa plato ko kahit hindi ko naman siya inuutusan.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now