22

174 3 0
                                    

"Hindi ka na raw pumapasok sa classes mo?"

Kakagising ko lang at dumiretso kaagad ako sa kusina kung saan nakita ko si Leandro na nagkakape. He was reading again.

Nakatingin lang siya sa libro nang tanungin niya ako, napansin niya kaagad ang presensya ko.

Uminom muna ako ng tubig.

"Oh?" tanging naisagot ko lang.

Matalim na tingin ang iginawad niya sa akin. "Your friend, Vionne, texted me. I don't know where she got my number but she was asking if when will you attend your classed again since your profs are getting mad at you, baka mapatawag ka sa Dean's office—"

"Hayaan na." tanging sabi ko lang at akmang aalis na nang maramdaman ko ang paghawak ng kaniyang kamay sa aking palapulsuhan.

Napatingin ako doon.

"What's wrong?"

"Wala,"

He sighed. "You can tell me."

"I have nothing to tell you." I said coldly. "Hayaan mo na ako, magfocus ka nalang din sa pag-aaral mo."

Kumunot ang kaniyang noo. "Hayaan? No, Estrella. As your partner, hindi pwedeng hahayaan nalang kitang maging ganito. You told me that your dream is to become a lawyer—"

"Noon lang 'yon."

Bakas sa kaniyang mga mata ang pagtataka kaya napabuntong hininga nalang ako. "Fine. I'll attend my classes and just finish the remaining semester."

"Tutulungan kitang humabol—"

"No need, Leandro. Just let me deal with my own problems." 'Yon lang ang tanging sagot ko at tinanggal na ang pagkakahawak niya sa akin.

Naramdaman ko pa rin ang pagsunod ng tingin niya sa akin.

'Yon naman talaga ang plano ko, ang tapusin ang school year na ito. Hindi rin ako sigurado kung itutuloy ko pa ba ang pagla-law school... kasi wala naman nang silbi iyon...

"Huy! Ang tagal mong nawala, ah? I covered for you for a week! Ni-hindi ka man lang nagrereply sa akin tapos naka-off palagi 'yang phone mo—"

Si Vionne kaagad ang nakasalubong ko sa hallway. Sabay naman kaming naglakad patungo sa first period.

"Thank you, Vionne." I pursed my lips. "Sorry, may inasikaso lang talaga ako these past few days. I really appreciate what you did."

Tumango siya at niyakap ako. "I'm just glad that you're back."

Niyakap ko siya pabalik at napangiti. "Me too."

As soon as I went inside the classroom, nakatingin lang silang lahat sa akin at nagbulong-bulungan pa ang iba na animo'y hindi ko maririnig ang mga tsismis nila tungkol sa akin.

Napailing nalang ako.

"Akala ko buntis..."

"Baka bago pa lang at hindi pa halata ang baby bump?"

Napa-arko ang aking kilay sa narinig ngunit binalewala ko nalang. Isipin nila kung anong gusto nilang isipin, wala na akong pakialam.

Buong araw, wala namang professor na nagtanong sa akin kung anong nangyari at kung bakit absent ako for the whole week. Tinambakan lang talaga nila ako ng gawain para makahabol sa lessons, and that's it.

"Gusto mo tulungan kita?" it was Dahlia.

I shook my head. "Kasalanan ko naman, I should face the consequences."

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now