20

194 4 1
                                    

"Ang tagal niya naman yatang nakauwi..."

Napatingin ako sa bintana. It was already dark outside. I already tried calling him but he wasn't answering.

Lumabas ako upang magpahangin, hintayin ko nalang kaya siya rito?

Nagpunta ako sa mini garden na nasa tabi lang ng parking. I looked up at the starry night sky, tanging buwan at mga poste lamang ang nagsisilbing ilaw sa kinatatayuan ko ngayon.

The cold wind embraced me, I closed my eyes.

"I really can't stand you and your damn attitude! Isa kang control freak! Akala mo lahat kontrolado mo! Hindi ka mananahimik pag hindi mo nakukuha 'yang gusto mo! I have no freedom here, Grey! I might as well leave you!"

It was normal for me.

Married couples do argue a lot, ang sabi ni Mom sa akin ay 'yon ang nagpapatatag sa isang relasyon.

And I think it was a lie.

Madalas silang mag away, they are too distant from each other. Sa tingin ko nga ay nagpapanggap lang sila na maayos ang relasyon nila sa harapan ko o sa ibang tao.

"Sige! Umalis ka at huwag ka nang aapak dito sa pamamahay na 'to!" Dad yelled as he pointed at the door.

I sobbed in silence.

"Talaga! Isasama ko si Estrella!"

"She's not going anywhere with you! Hindi mo siya kayang buhayin without my fortune! She's a Guevarra, Cris!"

"Tangina, lunukin mo 'yang apilyedo mong gago ka! Hindi ako makakatulog nang maayos kung nandito siya sa pamamahay mo! God knows what you'll do to her?!"

"Ganyan na ba talaga ka babaw ang tingin mo sa'kin, ha?" Dad scoffed. "Hindi ko idadamay dito ang anak ko." mariin nitong tugon.

"She's not your fucking daughter!"

"No, she's not yours! Anak ko siya! Isa siyang Guevarra!"

Humahagulhol na umalis si Mom.

Dad wrecked all the things inside the house. Ang nagawa ko lang ay magtago sa kwarto ko at magdasal na sana humupa na ang galit niya.

I'm still so confused.

Hindi nila ako anak?

Hindi ako Guevarra?

Bakit... bakit nila ito tinago sa akin? Wala ba akong karapatan na malaman kung sino ang totoong mga magulang ko?!

Am I adopted?!

I was in rage. Lumabas ako ng kwarto ko at susugurin na sana ang aking ama nang biglang mapahinto ako sa nakabukas na TV sa living room.

Nakatulala lang din si Dad doon.

"A-Anong..."

"JUST IN: A car accident occured nearby the Guevarra residences. One of the victims was identified as Cristella Guevarra—"

Pinatay kaagad iyon ni Dad.

Seryoso lang ang mukha niya at walang ni-isang emosyon kang mababasa rito. He grabbed his coat and his keys as he went out, slamming the door.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now