"My baby! Welcome back!"
Sinundo kaagad kami ni Graciella sa airport, miss na miss niya na raw kasi ako. Makulit talaga 'tong babaeng 'to!
Natawa nang mahina si Leandro sa aking gilid na dala-dala ang mga bagahe namin dahil halos masakal na ako ni Graciella!
"No thanks!" I rolled my eyes.
"Napadali lang yata, ah?" She smiled.
I nodded. "Yup. Babalik ako sa June... para sa surgery."
"Wow, malayo pa pala, e."
Hindi na ako nagsalita pa at ngumiti nalang. Tinulungan kami ng driver niya sa pagbubuhat ng mga bagahe.
Siya sa passenger's seat at kaming dalawa naman ni Leandro sa backseat. Tinext niya talaga ako kanina dahil gusto niyang sunduin kami!
"Saan tayo?" si Graciella.
I looked at Leandro who was busy looking at the window as if he was thinking about something. I squeezed his hand to catch his attention.
"Yeah?" His brows shot up.
"Gusto ko munang umuwi sa Agustria," I said. "Balik nalang tayo bukas sa Elyria,"
He immediately nodded. "Okay... maayos din doon, magandang tanawin at preskong hangin. It's good for you."
I knew that he would say that!
"Agustria it is,"
Tahimik lang kami buong byahe, nagpho-phone lang kasi ang dalawa tapos ang tahimik ni Kuyang driver.
I decided to just admire nature. Nakatingin lang ako sa bintana at inililipat minsan sa harapan ang tingin kapag medyo nahihilo na.
Maganda kasi talaga ang Agustria, halos puro blue at green lang ang makikita mo... dalawang sides, mountains and the sea. May resorts din kasi dito, bale kapag papunta kayo roon ay sa right puro dagat lang ang makikita mo at sa left naman ay puro hills at bayan ng Agustria.
I rested my head on Leandro's shoulder. He stayed still. Parehas kaming ubos na ang social battery. Nakatingin lang ako sa phone niya, he was just playing Cooking Madness.
My forehead creased. "Hindi ka ba nawawalan ng pasensya diyan?"
Ang layo na rin ng narating niyang level! Grabe, fast hands talaga 'tong lalaking 'to...
Ain't questionable.
Bigla akong namula sa naalala ko.
Parang tanga naman, Gabriella! Bakit dito at ngayon pa?!
I maintained a straight face. Pakiramdam ko'y kamatis na ako ngayon!
Gago rin kasi 'tong utak ko.
"Hindi naman," He said after a long silence. Focus na focus talaga siya sa laro. "It's my stress reliever..."
"That game is so stressful nga, e."
"Not to me." He glanced at me. "Do you want to play?"
Kaagad akong umiling. "No thanks, it's satisfying to watch you play it. Baka ma-stress lang din ako."
"Right..." aniya at itinuloy ang paglalaro.
Nakakaaliw din naman kasi kapag nanonood lang. 'Wag lang talaga 'yong ako ang maglaro. Baka mabato ko 'yong phone.
"Pati ba naman dito third wheel ako?" rinig kong sabi ni Graciella, nagpaparinig talaga.
Hindi namin siya pinansin.
YOU ARE READING
Beneath the Stars (UNDER REVISION)
Romancefirst installment of castuarez series. "Our love was always written beneath the stars--the main witnesses of our love story from the very beginning." Gabriella Estrella, the typical "bad girl" and the black sheep of the family. She was all fun and g...