"Woah! Nakakamiss din mangabayo!"
Out of town ang grandparents ko, si Graciella naman ay wala rin daw sa mansyon kaya pumunta nalang kami sa stables at nangabayo. We raced in the fields, ilang beses niya akong natalo at dalawang beses lang akong nanalo.
I pouted. "Daya!"
He shrugged. "I won fair and square, chicá." He winked.
I rolled my eyes. "Why are you damn good at everything?"
He smirked, turning his horse. "Well, what can I say?"
Mali palang sinabi ko 'yon, mas lumaki ang ulo niya. Napailing nalang ako, ang yabang talaga.
Hinahangin ang buhok ko kaya naman tinali ko ito. Nakatingin lang siya sa akin habang tinatalian ko ang buhok ko.
"Ano?" I raised a brow.
He smiled. "Napakaganda mo."
I blushed. Nakakabigla talaga siya!
"Ulol mo," pagsusungit ko sa kaniya.
"No wonder I fell inlove with you, gustong-gusto kong nagtataray at nagsusungit ka sa akin." He chuckled. "Kaya palagi kitang iniinis dati, e."
"Crush mo lang ako." Ngumisi ako.
"Tss." He rolled his eyes. He didn't even deny it.
Humalakhak ako at napailing nalang. I brushed Sirius’ long silky mane at pinakain siya ng apple which she crunched it down within seconds.
"Race ya!" sabi ko't bigla nalang pinatakbo ang kabayo ko. Kaagad naman akong sinundan ni Leandro.
"Saan ka na naman pupunta?! Bumalik na tayo—"
Hindi ko na narinig ang sinabi niya pagkatapos nang may makita akong pamilyar na puno sa hindi kalayuan.
Doon ako tumatambay palagi noong bata pa lang ako.
"Mukha kang tanga kapag umiiyak, alam mo ba 'yon?"
Inangat ko ang aking tingin sa lalaking nakaupo sa isa sa mga branches ng puno. He was looking at me mischievously as he swung his other leg.
"S-Sino ka?"
"Ako ang unang nagtanong."
"Nag-away ang parents ko." sabi ko sa kaniya. "And it's my birthday..."
"Oh, happy birthday!" he greeted joyfully. "Huwag ka nang umiyak, pumapangit ka tuloy."
"Anong sabi mo?!" I raised a brow.
"Pangit! Pangit!" He made a face.
Dahil sa inis ay kinuha ko ang isa sa kaniyang tsinelas at tinapon sa malayo. Sumama ang tingin namin sa isa't-isa at dahil sa kaniya ay nainis lang ako buong araw ngunit imbes na ang parents ko ang iniisip ko ay nalipat sa kaniya.
Alam ko namang ginawa niya lang iyon para pasayahin ako, pero how dare he call me pangit?! Sa ganda kong 'to?!
Despite of the hatred I felt towards him, I just knew that he was my first love.
Araw-araw ko na siyang iniisip. Ang mini-interaction namin ay sapat na para maramdaman ko ang malakas na pintig ng puso ko. Palagi akong tumatambay doon dahil umaasa akong makikita ko ulit siya.
Bigla akong nakaramdam ng hawak sa aking kamay. It was Leandro. He was riding his horse alongside while holding my hand.
I smiled at him.
YOU ARE READING
Beneath the Stars (UNDER REVISION)
Romancefirst installment of castuarez series. "Our love was always written beneath the stars--the main witnesses of our love story from the very beginning." Gabriella Estrella, the typical "bad girl" and the black sheep of the family. She was all fun and g...