"Nandito kayong lahat?"
Suddenly, all eyes were on me.
I gulped. Awkward!
Pagkauwi namin sa Elyria ay dalawang araw din akong nakahiga lang dahil sobrang sakit ng ulo ko, ngayon lang yata tumalab 'yung pain reliever.
Kaya nang maayos na ang pakiramdam ko ngayon ay pumunta ako sa bahay ni Tito Gavin para sana bisitahin sila dahil matagal na rin kaming hindi nagkita.
Ngunit ang nadatnan ko ay ang dalawang pamilya sa hardin. Grandpa Camillo was there with Adelaide and also Gideon. Si Gaudiella naman ay kasama rin ang parents niya, of course kasi bahay nila ito.
"Gabriella, darling. It's nice to see you!" Kaagad na tumayo si Tita Erica at nakipagbeso sa akin.
"Sorry for not informing you po..." pagpapaumanhin ko. Ang tanga ko rin sa part na 'yon!
"No worries! Mabuti nalang at nandito ka para atleast medyo kumpleto naman ang La Familia Guevarra!" She giggled. She really has this italian accent.
Hinila niya naman ako papalapit sa pwesto nila. Grandpa eyed me suspiciously. "Ikaw ba 'yan, apo?" He was squinting his eyes.
"Your very own Gabriella," I smiled and gave him a hug. Kaagad niya rin akong niyakap pabalik. "Pasensya na po, hindi na ako nakadalaw..."
"It's alright! Kumusta 'yong asungot kong kapatid?" tanong niya at tumawa.
"Maayos naman po, alive and kicking." I smiled.
"Mabuti... mabuti..." he said, tapping my arm.
Nagmano ako sa kanila pati na rin kay Adelaide na mukhang ayaw pang ilahad sa akin ang kamay niya. Suplada.
"Kumusta, Gabriella? It must've been hard for you..." aniya, pertaining to my father.
I smiled. "Ayos lang naman po. I got used to being alone naman."
"I'm sorry, I didn't know..."
Him and Dad are really distant. Ako at ang mga pinsan ko lang ay close. Ewan ko ba sa kanilang dalawa.
Umupo ako sa tabi ni Gideon na nakangisi lang sa akin ngayon. "Hey, cousin!"
"Ilang deals na ba ang pumalya?" pambungad ko sa kaniya.
Naglaho naman kaagad ang ngiti niya at inirapan ako. "Walang hiya kang bata ka." aniya at akmang papaluin 'yong ulo ko nang pigilan ko siya. Tsaka niya narealize... siguro'y sinabi sa kaniya ng iba naming pinsan.
"Pasensya," He smiled, dragging his hand away. "Wala, ah! Kakaupo ko pa nga lang, e!"
Napailing nalang ako.
Lumingon naman ako sa kanan ko at tsaka ko napansin si Gaudiella dahil nakayuko lang siya at napakatahimik.
Kahit kailan talaga...
"Hey, how are you?" I asked her.
Muling nag-usap ang mga matatanda kaya nag-usap din kaming tatlong magpipinsan. Actually, si Gaudiella ay mas close kay Gideon kesa sa akin pero maganda naman din siyang kasama.
"I'm fine." She smiled. "How about you?"
I nodded as a response.
Silence enveloped us once again.
Hindi ko talaga alam paano mag-strike ng conversation pagdating sa kaniya... hindi ko alam kung ano ang ibri-bring up. Pag si Graciella kasi ay puro katarantaduhan lang ang usapan namin... pero 'yung anghel version niya ang kausap ko ngayon, e.
YOU ARE READING
Beneath the Stars (UNDER REVISION)
Romancefirst installment of castuarez series. "Our love was always written beneath the stars--the main witnesses of our love story from the very beginning." Gabriella Estrella, the typical "bad girl" and the black sheep of the family. She was all fun and g...