"Sigurado ka na ba talagang hindi mo ako isasama sa Paris?"
Kagabi ay tutol talaga siya sa aking desisyon... but I made up my mind. Nirespeto niya naman daw iyon pero alam kong ayaw niya talagang umalis akong mag-isa. Gusto niyang nasa tabi ko lang siya palagi, pero may sariling mundo rin naman siya.
Ilang buwan lang din naman iyon.
I sighed. "Hindi naman sa ganoon... kailangan mong mag-advance study, okay? I can manage to take care of myself. I promise you that."
"Pero—"
Hinawakan ko ang kaniyang pisngi. "Babalik ako... makakabalik ako... at sa oras na magpapa-surgery na ako ay sabay tayong pupunta sa Paris. I want you to be there right beside me when I wake up."
Tila'y kumalma siya sa aking sinabi. His gaze softened. "Call me, okay?"
"I will." I smiled. "Aalagaan ko ang sarili ko."
He gulped, "Dapat lang."
I chuckled. "Oras na." I said as I looked at my wristwatch.
He hugged me. "Bumalik ka..."
Natawa naman ako. "Hindi pa naman ako mamamatay, Leandro." sabi ko't hinagod ang kaniyang likuran. "I'll just be away for a while."
"Hindi ako sanay, ilang buwan ka rin doon..."
Tama siya, four months din akong mananatili sa Paris para sa treatment.
Kumawala ako sa yakap at hinalikan siya sa pisngi. "Don't worry. We'll get through this together, baby. I'll call you everyday."
Tumango siya. "Okay..."
"Take care of yourself," I tapped his shoulder as I grabbed my luggages.
Tumalikod na ako at umalis. Bumuntong hininga ako. This is it.
I was in a life or death situation.
Kaharap ko na ngayon ang kamatayan na magdidikta kung mabubuhay pa ba ako o hindi.
Sure, makakauwi ako at babalik din sa Paris para sa surgery... ngunit ang inaalala ko ay kung makakauwi ba si Leandro na kasama ako o mag-isa nalang siya.
✩₊˚.⋆☾⋆⁺₊✧
"Kumusta ka diyan?"
As promised, nagtatawagan kami araw-araw. I felt alone inside this four cornered white walls... pero marinig ko lang ang boses niya ay maayos na ulit ako.
Kahit maubos na iyong load ko, siya ang nagbibigay sa akin. Nakakatuwa naman, sabik na sabik talaga siyang makausap ako.
"The usual, it's a bit boring here though..."
He chuckled. "Really?"
I pouted. "Huwag mo nga akong tawanan!"
Kitang-kita sa screen na nakasalamin siya at naka-white tshirt. Kitang-kita rin ang sandamakmak na libro na nakapatong sa desk niya.
"Aaralin mo talaga lahat 'yan?" tanong ko.
He nodded. "Yup. Madadaanan mo rin 'to kapag nag law school kana." aniya. "Mas malala pa sa college ang mga babasahin kaya dapat magsisipag ka talaga,"
I bitterly smiled. "Ah, ganoon ba..."
"May mali ba sa sinabi ko?" He tilted his head.
Kaagad akong umiling. "Wala ah! May naisip lang ako."

YOU ARE READING
Beneath the Stars (UNDER REVISION)
Romancefirst installment of castuarez series. "Our love was always written beneath the stars--the main witnesses of our love story from the very beginning." Gabriella Estrella, the typical "bad girl" and the black sheep of the family. She was all fun and g...