23

156 3 0
                                    

"Good evening..."

Kakalabas ko lang sa aking kwarto dahil naisipan ko munang magpahangin sa labas ngunit napaatras kaagad ako sa may entrance nang biglang bumungad sa akin ang napakagwapong mukha ng aking nobyo.

Ibinagsak ko naman ang tingin sa mga labi niya. Napakunot kaagad ang aking noo nang makitang may cut siya sa kaniyang labi.

"Anong nangyari diyan?" I raised a brow as I crossed my arms.

He shook his head, "Wala..."

I grabbed his collar and dragged him towards the couch. He sat like an obedient kid as I fetched a first aid kit nearby.

"What do you mean 'wala', huh?!" Inis akong kumuha ng cotton at nilagyan iyon ng alcohol.

Nakita ko namang napalunok siya. "T-Teka, alcohol?"

"Oh bakit? Are you terrified? Kailangang linisin 'yang sugat mo." mataray kong sabi sa kaniya at inilapit ang cotton sa kaniyang labi ngunit kaagad siyang napausog.

"Kapag hindi mo sinabi sa akin ang rason kung bakit nabugbog ka—"

"Hindi ako nabugbog—"

"Ididiin ko talaga sa sugat mo ang cotton with alcohol." pananakot ko sa kaniya, completely ignoring what he just said.

He clenched his jaw and sighed.

"I was outnumbered,"

"Sino ang may gawa sa'yo nito, huh?! I will torture them one by one—"

"'Yung mga sumunod sa atin dati sa Mall." he said.

Napatigil ako. "Bakit? Bakit ikaw lang?"

His brows furrowed. "What the hell, woman? What do you mean ako lang? I'm not going to involve you in this matter, got it?"

Napailing nalang ako at napa-aray naman siya nang dumapo ang cotton sa labi niya. Para siyang batang nasugatan tapos pinaliguan ng alcohol. He looked so cute, though.

Habang ginagawa ko iyon ay bigla niya nalang hinila ang palapulsuhan ko dahilan para mapasubsob ako sa kaniya at sa hindi inaasahan ay nagdikit ang aming mga labi at napaupo ako sa lap niya!

Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay sa butt cheeks ko, he teasingly squeezed it. Kasabay no'n ay ang pag galaw ng kaniyang labi. I was straddling him.

"'Yung sugat mo—"

"Gagaling lang din 'yan kapag hinalikan mo ako pabalik," he said, smiling in between our kisses.

I rolled my eyes, mahina ko siyang hinampas sa dibdib. Idiniin niya ang mukha ko sa kaniya gamit ang isang kamay niyang nagdudurugo din at nakahawak iyon sa aking batok.

"Stop, gamutin na natin 'yang mga sugat mo." sabi ko't kaagad na umalis sa kaniyang ibabaw tsaka hinawakan ang kamay niyang nagdudurugo.

I heard him sigh. "I just missed you,"

I pursed my lips.

"I'm sorry for the way I acted these past few days," sabi ko habang nilalagyan ng puting tela ang kaniyang knuckles.

Hindi siya kumibo at pinagmasdan lang ako. Nakakailang tuloy. I also felt very guilty.

"You have a lot in your mind," rinig kong sabi niya. "Do you want to talk about it?"

I looked at him and smiled, I just shook my head. He took the hint and just nodded. Biglang may nag-beep na notification sa phone niya kaya naman he excused himself.

Nang makalabas siya ay napapikit nalang ako para pigilan ang mga luhang nais pumatak.

Umakyat muna ako sa aking kwarto at doon may tinawagan. Isang segundo lang ay sinagot niya na kaagad ito.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now