04

262 4 2
                                    

"I'm deadass bored."

Wala akong ibang ginawa kundi manood ng TV buong araw o 'di kaya'y mag-phone. My grandparents are always away and I've only got Leandro as a company.

Hindi ito nagsasalita, bagkus ay kumakain lang siya ng cookies na nakita niya sa isang jar sa may island counter. We haven't talked all day, mukhang sineseryoso niya talaga 'yong sinabi niyang hindi niya na ako pipilitin na magpakasal sa kaniya.

Mabuti naman, bawas sakit sa ulo.

"I said, I'm bored." pag-uulit ko.

He kept his head low and just scrolled through his phone, he wasn't paying attention at all.

"Leandro," I called out.

Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at nagbingi-bingihan lang ito kaya mas lalo akong nairita.

"Castuarez!" inis kong tawag.

"What?" He looked at me lazily, raising a brow.

Ang sungit naman.

"Entertain me," I said to him.

He blinked twice as if he's trying to process what I've said. "Excuse me?"

"I'm bored," I pouted.

"And? It's not my problem," He shrugged.

"Samahan mo'ko, uwi tayong Elyria." nakangising sabi ko sa kaniya.

Elyria is the city where I live.

Tumayo ito at lumapit sa akin tsaka pinitik ang noo ko. "What was that for?!"

"You mischievous brat," naiiling nitong sabi. "You can't fool me."

Napabuntong hininga nalang ako at humalukipkip. Pinalobo ko ang aking pisngi. "I hate you."

"Likewise,"

Alam kasi nito na balak kong tumakas. Well, I can't ride my horse from here to Elyria! My poor baby. Hindi rin ako marunong mag drive ng kotse, tanging si Leandro lang ang marunong sa aming dalawa.

Well, may balak naman akong mag driving lessons this year!

Akala ko'y mamamatay na ako sa boredom nang biglang lumapit sa akin ang isang katulong at sinabing may naghahanap daw sa akin sa labas.

Iniwan ko naman si Leandro sa may living room at lumabas papuntang hardin kung saan may nakita akong lalaking nakatayo habang nakatingin sa mga halamanan.

"Sino ka naman—"

Humarap ito sa akin at nalaglag ang aking panga nang makita kung sino ito. "Hi, remember me?" nakangiting sabi nito.

It was Jace.

"Hi! How did you know where I'm staying at?" Well, that was the most idiotic question I've ever asked.

Napakamot naman siya sa kaniyang batok. "My Abuela told me, may pinapabigay pala siya sa grandparents mo." sabi niya at may inabot sa akin na letter.

Napatango-tango ako. "Ah, salamat. Gusto mo bang pumasok?" tanong ko.

Umiling siya at saglit na napatingin sa aking likuran. "Huwag na, aalis na rin naman ako... I promised Abuela to return right away."

I smiled. "Okay, ingat."

Tinanguan niya lang ako at tumalikod na rin.

Akmang babalik na sana ako sa loob nang biglang mauntog ang ulo ko sa matigas na bagay. Inangat ko ang aking tingin at nakitang si Leandro pala iyon. His forehead was creased and his jaw was clenching.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now