32

145 3 0
                                    

"Where the fuck am I?!"

I tried standing up yet failed when I realized that my arms were tied onto a chair and my legs too.

"Sabi na, boss... dapat nilagyan na rin ng tape ang bibig niyan. Palaban 'yan, e." Nakarinig ako ng boses sa paligid.

Lumingon-lingon ako at nakita ang dalawang lalaking nakangisi sa akin habang nakaupo at may alak din sa kanilang harapan.

I gritted my teeth in anger and just closed my mouth. Baka mas lalo akong paghigpitan kapag nagsalita pa ako. Pinanlinsikan ko lang sila ng mata.

"Oh, tumahimik din naman pala." Humalakhak ang isa. "Oy, baka nagtataka ka kung bakit dinala ka namin dito? 'Wag kang mag-alala, kapag dumating na 'yong Boss Madam namin ay hindi ka na pahihirapan pa nang matagal," aniya at nag-aksyon pa na binaril ang kaniyang sarili sa ulo.

Umirap lang ako. Pakialam ko naman?

My eyes roamed around the place. It looked like an abandoned warehouse. I scoffed. A typical place for a kidnapping crime.

"Tangina, hindi ko ma-kontak si Elmer! Sila 'yung naka-atas doon sa lalaki, e!" inis na sabi noong isa.

Lalaki?

My eyes widened. "Leandro..." I whispered under my breath. "What did you do to him?" kalmadong tanong ko.

"Dadalhin namin 'yon dito." sagot niya.

"Ano?"

He smirked. "Ayaw mo no'n? Sabay kayong mamamatay sa warehouse na ito."

My heart dropped.

Hindi ako relihiyosa pero pinagdasal ko na kaagad ang kaligtasan ni Leandro at sinambit lahat ng mga Santo na kilala ko.

I kept my mouth shut. I was at the verge of crying but I pulled myself together and started planning for an escape. In order for me to do that, I need to free myself from this damn chair.

Napatingin ako sa keychain ng isa sa mga bantay. May maliit na kutsilyo roon na nakabitay.

Paano ko naman makukuha 'yon if my hands are tied? Tsaka, paano ko sila palalapitin dito?

"Punyeta! Pati si Ryan ay hindi ko makontak! 'Wag mong sabihing patay na ang mga 'yon—"

Bumuntong hininga ang isa. "Ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga 'yon? Castuarez ang kalaban nila, mahirap 'yon talunin. Daig pa sa military ang self-defense training ng mga 'yon. Tsaka, baka agent din ang isang 'yon kaya ganoon nalang kahirap tugisin."

Agent? Si Leandro? You must be kidding me!

But I get the Castuarez thing, I heard that they are really trained to fight. Hindi man halata sa mga mukha nila pero kayang-kaya nilang labanan kahit sino. They are billionaires and rich as hell, they also have a lot of enemies so they really need to train for self-defense.

Suddenly, someone barged into the warehouse. Akala ko'y 'yong boss na nila ngunit nagkamali ako. Isa lang yata 'yong reporter.

Pinipilit kong iwala ang mga kamay ko sa lubid. I tried different types of movements just for the rope to loose.

"Patay na sila," rinig kong sabi nito. "Si Ryan lang yata ang nakaligtas pero hindi ko alam kung nasaan."

"Ano?!" The other one went bonkers. "Paano?! Puta! Ang dami nang tauhang nasayang natin dahil sa kaniya!"

Napangisi ako dahil doon. That's it.

"Papuntahin mo 'yon dito! Ako ang uupak sa lalaking 'yon—"

Tumawa ako kaya natigilan siya.

Beneath the Stars (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now