Chapter Thirty One: Tied and Blindfolded

65.4K 1.5K 148
                                    


Chapter Thirty One: Tied and Blindfolded

Eila

THE MOMENT I realized that I am in love with Trojan Mondragon, hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.

Alam ko sa sarili ko na hindi niya ako gusto. Na kung ano man 'yung naiisip ni Kesha tungkol sa special treatment sa akin ni Trojan ay walang malalim na kahalugan.

It's about the sex. Just the sex.

At kahit na anong loko ko pa sa sarili ko, kahit na anong isip ko na baka nga may espesyal na ring nararamdaman para sa akin si Trojan, napaka-imposible pa rin no'n.

Hindi kami bagay. Ni hindi nga ako makakapasa sa standards niya o kahit sa mundong ginagalawan niya.

At isa pa, sinumpa ko na sa sarili ko na hindi na dapat ako ma-involve sa kahit na anong Mondragon magmula nang aminin ko kay Ethan na may gusto ako sa kanya noon.

I don't want to have a more complicated life than being one of Trojan Mondragon's woman.

At isa pa, walang kasiguraduhan kung hanggang kailan magtatagal ang set up namin na 'to. Na baka isang araw, magsawa na rin siya sa akin at basta na lang putulin ang deal sa pagitan namin.

Being in love with a Mondragon is not practical.

Yet, I can't stop myself from falling for him every time I remembered about how it feels like to be touch by him. Kiss by him. Pleasured by him.

At doon ako mas natatakot.

Natatakot ako na lumalim pa 'tong nararamdaman ko.

At sana nga lang makagawa ako nang paraan para mapigilan ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya.

"Eila, okay ka lang?"

Bigla akong nawala sa malalim na iniisip ko nang bigla kong maramdaman ang isang kamay ni Ethan sa balikat ko.

"Namumula ka. Pumasok ka na kaya? Hindi na yata sapat 'yung coat ko."

"H-hindi. Okay lang ako," hindi ko sinasadyang mautal saka ako palihim na napatapik sa pisngi ko. "May naisip lang ako."

"And I hope it doesn't involve naked men."

"Ethan!"

Bigla kong naihampas sa braso niya 'yung isang kamay ko sa gulat at kahihiyan doon sa sinabi niya.

Paano niya nalaman 'yun? kinikilabutang sa isip ko.

Saka ko lang naisip ang ginawa ko at nang mahuli ni Ethan ang isang kamay ko para pigilan iyon sa paghampas sa braso niya.

At sa nakalipas na ilang segundo, nagtama 'yung mga mata naman.

Bago ko pa mabawi ang kamay ko at makapag-isip ng sasabihin ko sa kanya, naunahan na ako ni Ethan.

"Eila, I seriously want to be friends with you again. Hindi na ba talaga p'wedeng maging magkaibigan tayo ulit? Kasi miss na miss na talaga kita, Eila."

At bago pa ako makapagbigay ng sagot ko doon sa sinabi niya, nagulat ako nang bigla akong hapitin ni Ethan saka niya ako niyakap ng mahigpit ulit.

"I miss you, Eila. I really, really miss you."

Sandali lang akong hindi nakagalaw pero maya-maya lang nakita ko ang mga kamay ko na gumaganti sa yakap ni Ethan saka ko dahan-dahang tinapik 'yung likod niya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon