Chapter Thirty Seven: Argument

68.8K 1.9K 173
                                    


Chapter Thirty Seven: Argument

Eila

"ANONG GINAGAWA natin dito?" takang-takang tanong ko matapos kong pumirma doon sa membership application form na inabot sa akin ni Trojan.

"We'll work out," sagot niya sabay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagtagal sa mukha ko ang mga mata niya. "You need to warm up. Mabilis kang mapagod. We need to improve your stamina."

Hindi ko alam pero bigla na lang uminit ang buong mukha ko sabay alanganing napatingin sa receptionist na sumalubong sa amin sa sikat na gym na ito sa may Quezon City saka ko muling binalik ang tingin ko kay Trojan.

"Ano ba, Trojan? Hindi mo naman na kailangang sabihin 'yan dito," mariin pero mahinang saway ko sa kanya.

"And why? Ano ba sa tingin mo ang gagawin natin dito? Maglalaro? This is a gym, Miss Delos Santos," hindi ko alam kung nang-uuyam ba 'yung nahimigan ko sa boses niya o ano pero nawala rin iyon sabay napalitan ng isang ngisi. "Why? You're thinking about something naughty again, honey?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

This is too much!

At ako pa talaga? Ako pa talaga 'yung nag-iisip nang masama?

"Alam mo, bakit hindi na lang natin simulan 'to nang makauwi na tayo, Sir Trojan dahil marami pa akong naiwang trabaho sa bahay."

Dinig na dinig ko sa likuran ko ang nakakainsultong tawa ni Trojan saka ko naramdaman na sinusundan niya ako papasok doon sa kwarto kung saan talaga nakalagay ang mga gym equipment.

"You're too serious, Miss Delos Santos. You don't need to be upset. Sex was included to Maslow's stage of needs."

"That's not stage of needs, Mister Mondragon. P'wede bang 'wag mong haluan ng kalaswaan lahat ng bagay?"

Narinig ko na naman 'yung tawa niya at hindi ko alam bakit naiinis ako sa tawa niya ngayon.

"Kailan pa naging malaswa ang sex, honey? That's physiological needs. Lahat ng tao nagsi-sex."

"Well not everyone. Hindi sila gaya mo na dapat gabi-gabi, may sexual session."

"So you're pointing fingers now?" sabi ni Trojan sabay harang sa daraanan ko para mahinto ako sa paglapit ko sa may treadmill. "Ako lang ba 'yung nagkikipag-sex sa gabi? Para ipaalala sa'yo, Miss Delos Santos, dalawa tayo doon. And if I'm not mistaken, you were screaming my name for more last night."

"You provoked me! Hindi ko ginusto 'yun!"

"Oh really? Why were you provoked if you don't like it?" nakakainis pang sabi niya. "You were provoked because you want it too. Provocation won't be effective if the person wasn't affected with provocation."

Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi niya saka mas namula 'yung mukha ko nang mapahinto sa pagtakbo nila 'yung ilang babae na nasa may treadmill malapit sa amin.

Oh God! This is man really knows how to humiliate a person to death!

Bago ko pa ulit maibuka ang bibig ko, nagulat ako nang makita na nasa tabi na rin pala namin si Cassandra sabay kinausap siya ni Trojan.

Kailan pa siya nandito? Narinig ba niya ang pinagsasabi ni Trojan kanina?

"Miss Alonzo, assist Miss Delos Santos on the changing room," utos niya kay Cassandra sabay tingin sa akin. "Kailangan niya ng stamina dahil mamaya baka bumagsak na naman siya sa unang round pa lang."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon