Chapter Seven: The Sad Truth

119K 2.6K 189
                                    

Chapter Seven: The Sad Truth

Eila

"O? Akala ko umuwi ka na? Tatawagan na sana kita eh! Kanina ka pa ba dito?"

Halos dumaan na lang at lumabas sa kabilang tenga ko ang sinasabi ni Ethan sa akin.

Tanong lang siya ng tanong kung saan daw ako pumunta, kung galit pa rin daw ba ako sa ginawa niya. Na kaya niya lang ginawa iyon dahil ayaw na niya akong gumastos at kung ano-ano pa.

Pero hindi ko magawang magfocus sa mga sinasabi niya dahil hanggang ngayon ay lumilipad pa rin ang utak ko sa ginawa sa akin ng Trojan Mondragon na iyon malapit sa may greenhouse.

Wala sa loob na dinama ko ang labi ko na sa tingin ko ay namumula pa rin dahil sa paraan ng pagkakahalik niya sa akin.

It was my first time to be kissed. First time to be kissed like that. First time to be kissed with roughness, with too much force and with too much possession by one person.

Halos magtayuan ang buhok ko sa batok nang may maramdaman akong nakatingin sa akin mula sa likuran ko.

At sa paglingon ko, nakita ko si Trojan. He's staring directly to me habang iniinom niya yung kopita ng alak niya. He's watching me over the rim of his glass saka niya ako nginisihan when he saw me touching my still swollen lips.

Bigla ko na lang inalis ang pagkakadampi ng kamay ko sa labi ko sabay tumalikod sa kanya para iwasan 'yung mga pinupukol niyang tingin sa akin.

"Eila?"

Napatingin ako kay Ethan nang bigla niyang tapikin ang braso ko.

"Okay ka lang?"

Marahang tango na lang ang sinagot ko sa kanya.

Hindi ako makagalaw ng maayos. Halos hindi na magpantay ang hininga ko dahil ramdam na ramdam ko ang mga tingin ni Trojan na ilang dipa lang ang layo sa akin.

Ganito ba talaga ang ginagawa niya sa mga nagiging sekretarya niya? Harap-harapan niyang binabastos? Gina-ganito rin ba niya si Cassandra?

Does he always kiss some random girl like that in the dark?

Hindi ko mapigilang iyakap ang mga braso ko sa sarili ko. Bigla na lang kasi ako nakaramdam ng lamig sa naisip ko.

"Magsisimula na ang party." Mahinang bulong ni Ethan sa tenga ko.

Kahit gustong-gusto ko ng umuwi, hindi ko magawa kaya nagpasya na lang ako na hinatayin na lang na magsimula ang party na ito saka ako aalis. Ayoko naman kasing umalis na hindi nakakabati sa dalawang matatandang Mondragon na sila abuela Katarina at abuelo Carlos.

Nasabi kasi ni Ethan sa grandparents niya na pupunta ako dito kasama niya kaya nakakahiya naman kung hindi man lang ako magpapakita sa dalawang matanda.

At isa pa, naging mabait din sa akin ang lolo at lola ni Ethan nung mga panahong nakikita nila ako dito sa mansyon kapag sinasama ako ni Ethan kaya pipilitin kong magtagal sa party na ito...

Kahit na pakiramdam ko unti-unti na ako nalulusaw sa mga tingin ni Trojan na nasa likuran ko lang.

"Welcome ladies and gentlemen. Maraming salamat sa pagpapaunlak sa akin sa at sa akin napakagandang esposa na daluhan ang selebrasyon ng aming pagsasama bilang mag-asawa on our wedding anniversary." Magiliw na pagbati sa lahat ni Don Carlos Mondragon.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon