Chapter Six [REVISED]

126K 3K 298
                                    

Chapter Six

Eila

"AKALA KO ba sa unit mo ako titira?"

Nang-uusisa at naka-paywang ako ngayon kay Ethan habang pinapanood naman ito na idikit iyong card key doon sa condo unit na binili nito para sa akin, isang unit lang ang pagitan mula doon sa ino-okupa niya at saka ito sinundan sa loob at tinulungan ito sa pagpasok no'ng ilang gamit na na-isalba ko pa mula doon sa biglaang pagpapa-alis sa akin no'ng landlady ko doon sa dati kong inuupahang apartment complex.

"Baka kasi hindi ka maging komportable doon sa unit ko kaya kinunan na lang kita ng bago." Sagot pa niya pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling siya sa akin sa dahilan niya na ito.

Baka naman kasi hindi lang talaga komportable si Ethan na may kasama siyang babae sa pamamahay niya? Pagbibigay ko naman na dahilan—na alam ko rin namang imposible dahil hindi naman si Ethan ang tipo ng tao na na-iilang sa harapan ng isang babae, mas lalo pa sa akin na matagal na niyang matalik na kaibigan.

"O, baka naman may binabahay ka nang babae roon sa unit mo kaya hindi mo na ako gustong tumuloy doon?"

Napansin ko iyong sandaling pagtigil ni Ethan doon sa sinabi ko na tila ba nahulaan ko ng tama iyong sinabi niya pero tinawanan na lang niya ako maya-maya.

"Ako? Nagba-bahay ng babae?" Natatawa pang sabi niya. "Kilala mo ako, Eila. Hindi ko gawain 'yan."

"So, bakit kinunan mo nga ako ng sarili kong unit?" Taas-kilay na tanong ko, mas lalo pang nang-usisa. "Ethan, alam mong wala pa akong nakukuhang trabaho, hindi ba? Hindi ko kayang bayaran ang renta rito!"

"Bayad naman na ito no'ng sponsor—I mean, binayaran ko na naman na ito. Kaya wala ka nang magiging problema." Wika pa niya na sinundan ng pilit na tawa.

"Ethan naman!" Nanlulumong sabi ko sabay napa-salampak ng upo doon sa ibabaw ng malambot na kama na unang pinto naming pinasukan matapos naming maka-pasok doon sa sala nitong unit. "Alam mo namang ayokong nagmumukhang-kawawa sa harapan ng kahit kanino, hindi ba? Lalong-lalo na sa'yo. Pakiramdam ko tuloy inaalukan mo ako ng charity na aabutin yata ng buong buhay ko bago ko mabalik sa'yo."

"Eila..." Naupo na rin sa tabi ko si Ethan dito sa ibabaw ng kama, hinawakan ang baba ko para pwersahan iyong iharap sa kanya at magtama ang mga tingin namin. "Kahit kailan, hindi ko naisip na gawan ka ng charity, okay? Saka kahit kailan, hindi ka nagmukhang kawawa sa harapan ko. You're a strong woman. Kilala kita at alam kong hindi ikaw ang tipo ng babae na basta-basta nanghihingi ng tulong—na sana ay baguhin mo na rin kasi pakiramdam ko, I fail you as my best friend."

Bakit kaya gano'n ano?

Bakit kaya may mga lalaki na lagi kang ili-label na 'kaibigan lang' pero kung itrato ka kanila, parang gusto nilang magpahiwatig sa'yo na higit pa sa pagkakaibigan ang gusto nila sa'yo.

Ethan is always sweet, caring and overly protective 'pag dating sa akin. Sinabihan pa niya ako na handa siyang magbuwis ng buhay para sa akin at lahat gagawin niya makita lang niya na magiging masaya at ayos ako.

Sino bang hindi mapo-fall sa ganitong klaseng tao? Sino bang hindi magiging marupok kung lahat ng pinapakita at pinaparamdam niya sa'yo ay lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki? Isang lalaki na masarap at papangarapin mong mahalin?

Hanggang best friend lang ba talaga tayo, Ethan? Hanggang ito lang ba talaga ang tingin mo sa akin? Sa isip ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata at buong mukha niya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon