Chapter Twenty One: Worry and New Offer

80.3K 1.9K 114
                                    


Chapter Twenty One: Worry and New Offer

Eila

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng kaba matapos lisanin ni Ivo ang opisina ni Trojan. At mula pa kahapon, hindi pa umuuwi sa mansyon ni Trojan.

"Carlos," biglang tawag ko sa head butler ng mansyon nang makita ko siya sa may sala.

"Ano po 'yon, Miss Eila?"

"Eila na lang," sabi ko sabay baba sa may hagdan. "S-si Trojan ba.... Umuwi na?"

Hindi ko maiwasang bahagyang mailang sa biglang pagngiting makahulugan ni Carlos sa akin.

Malamang sa malamang naisip niya na hinahanap ko si Trojan at na may kakaiba na talagang nabubuo sa relasyon namin.

Sabagay, alam nga pala ng mga kasambahay sa mansyon kung ano ba ang relasyon ko kay Trojan. Ang piping hiling ko lang, sana wala silang naririnig na kakaiba kapag napapaakyat sila sa pangalawang palapag ng mansyon kapag naroon kami ni Trojan.

At sana lang talaga hindi nila ako naririnig na sumisigaw ng kung ano-ano dahil tiyak na nakakahiya iyon.

"Pasensya na po, Miss Eila pero hindi pa po umuuwi mula kahapon si Master Trojan," magalang na sagot ni Carlos na nagpabalik ng balintaw ko sa kasalukuyan.

"Ganoon ba..."

"Gusto niyo po ba siyang tawagan?"

Bigla na lang nag-init ang mukha ko doon sa huling sinabi ni Carlos saka ako mabilis na umiling.

"H-hindi na! Wag na lang."

"Sigurado po ba kayo, Miss Eila?"

"O-oo. Sigurado."

Ano ba, Eila! Bakit ka nauutal sa harapan ni Carlos? Suway ko sa sarili ko.

"Kung wala na po kayong kailangan, mauuna na po ako," magalang ulit na sabi at paalam ni Carlo saka na ito nagtuloy-tuloy sa labas ng mansyon.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay hapong-hapong naupo sa may isang sofa na nasa sala.

Sa totoo lang, mula pa kagabi ay hindi pa ako nakakakuha ng tulog.

Hindi ko alam pero binagabag talaga ako nang pagdalaw ni Ivo sa kompanya ni Trojan.

May nagsasabi sa akin na may hindi magandang nangyari sa loob ng opisina ni Trojan no'ng naroon pa si Ivo pero hindi ko naman matukoy kung ano dahil hindi naman nagsasalita si Trojan kahapon.

Sobrang tahimik niya. Sa sobrang tahimik mas lalo akong kinakabahan.

Hindi ko rin mabasa kung ano ba ang naiisip niya kaya hindi ko masiguro kung dapat ko ba siyang kausapin o ipagtimpla ng kape kahapon.

At aminin ko man o hindi, medyo nag-aalala ako sa kanya.

Mabilis kong iniling ang ulo ko sa huling naisip ko saka inayos ang sarili ko at tumayo.

Mas maganda ng wala siya sa mansyon ngayon, Eila! Mas magagawa mo ng maayos ang mga trabaho mo at hindi ka na mahihirapan na iwasan siya!

Wala sa loob na bigla akong napatingin sa paligid ng sala sa napakalaking mansyon na ito.

Nag-iisa lang ako ngayon sa lugar ko dahil lahat ng mga katulong ay nasa kusina at naghahanda na para sa tanghalian. Ang iba naman sa kanila ay naglilinis sa iba't-ibang bahagi ng mansyon.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon