Chapter Thirty Six: Job and Falling
Eila
DALAWANG araw pa kaming nagstay ni Trojan sa Alta Puebo at sa mga panahon na nandoon kami sa napakagandang isla na 'yun, wala akong masabi sa kanya kundi...
He changed.
Medyo nabawasan 'yung temper niya. Hindi na rin siya masyadong sumisigaw maliban na lang kapag nasusugatan ko sarili ko o hindi sinasadyang mapatid ako ng isang sanga sa gubat habang sinusundan siya at madapa.
Hindi na rin niya ako pinipilit kapag ayoko—especially when it comes to issue of sex. Inasikaso niya rin ako nang maayos. Walang oras na hindi ako nagugutom at ilang beses niya rin akong dinala sa mga magagandang lugar sa isla ng mga Mondragon.
Well, ganito rin naman ang trato niya sa akin sa mansyon. It's just that hindi ko lang siya masyadong napansin no'ng una dahil sa nagagalit ako sa kanya at sa uri ng relasyon na mayroon kami no'ng una. Ngayon lang. Ngayon ko lang na-appreciate ang mga magagandang katangian niya.
At dahil doon sa mga ginagawa niya, hindi ko tuloy maiwasan na mas mapamahal pa sa kanya. Hindi na rin ako magsisinungaling pa sa sarili ko na may mga oras na naiisip ko...
Ganito ba talaga ang pakiramdam na maging babae ng isang Trojan Mondragon? He'll treat you as if you are the most important person in this world. Na para kang pinakamamahaling perlas kung alagaan niya. Ganito rin ba si Trojan sa magiging girlfriend o asawa niya?
Wouldn't it be nice to beloved by Trojan Mondragon?
Wouldn't it be nice to be married with someone like him?
Mabilis akong napailing sa huling naisip ko saka muling binalik ang atensyon ko sa coffee maker nang tumunog na iyon saka ko sinalin sa baso na nilabas ko na rin kanina.
Nandito na ako ulit sa TME at balik trabaho bilang sekretarya ni Trojan.
Nagkaroon pa kami ng sagutan kanina sa mansyon bago kami umalis dahil ayaw na niya akong pabalikin sa mansyon at magtrabaho sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang estado ng relasyon namin ni Trojan. Ni hindi nga malinaw sa akin kung mahal na rin ba niya ako gaya nang nararamdaman ko sa kanya o sadyang attracted lang talaga siya sa akin at sa katawan ko gaya nang lagi niyang sinasabi.
Pero ayoko namang habang buhay na umasa sa tulong niya, sa pera niya.
Paano na lang ako kapag nagsawa na siya sa akin? Ano na lang ang mangyayari sa akin?
Ayokong maging masyadong dependent sa kanya. Nakadepende na nga sa kanya ang puso ko, pati ba naman ang katawan at isip ko idedepende ko pa rin sa kanya?
Alam ko na darating ang araw na makakakita si Trojan ng iba na mas nakakahigit sa akin. Isang babae na mas magpapa-excite sa kanya at mas kakatuwaan niya.
Alam ko na darating din ang araw na magsasawa na siya sa akin at tatapusin ang kung ano mang mayroon kami ngayon.
Kaya habang maaga pa, hangga't kaya ko pa, gusto kong tumayo sa sarili kong paa.
Hindi naman habang-buhay nasa tabi ko siya. Hindi habang-buhay magiging masaya siya sa tabi ko.
I need to fix and prepare myself kapag dumating na ang araw na 'yun.
Hiling ko lang na sana hindi pa ngayon ang panahon na 'yun dahil hindi ko pa kaya.
Hindi ko pa kaya malayo sa isang Trojan Mondragon.
"Sir, ito na ang kape n'yo," bungad ko pagkapasok na pagkapasok ko sa opisina ni Trojan. "Binilhan na rin kita ng French toast sa labas. Hindi ka kasi kumain kanina. Baka nagugutom ka na."
BINABASA MO ANG
Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]
General Fiction[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything is about to change when he saw Eila Delos Santos-his cousin's best friend and a woman with such an innocent face but has a very feisty person...