Chapter Forty Five: Raging Emotions

81.9K 1.5K 290
                                    



Chapter Forty Five: Raging Emotions

Eila

"I TOLD you this one will be good."

"I don't think we can afford that right now. Our first priority is to get back on the top spot. We're behind the local's telephone company."

"Silly! We can afford that. Saka anong malay mo? Baka mas lumakas 'yung hatak nito sa market hindi ba? And we might get another set of investors if we get lucky."

"But this thing..."

Hindi na magawang mag-sink in sa utak ko ang mga pinag-uusapan nila Elisha at Trojan dito sa may mesa namin sa isang restaurant na pinili ni Elisha para magtanghalian sila ni Trojan.

And as his secretary, obligado akong sumama sa kanila kahit na kanina pa ako nagpipigil habang pinapanood sila.

Trojan is getting worst everyday. Ni hindi na nga niya ako magawang kausapin. Kahit nasa bahay pa 'yan o opisina, wala na akong ibang salitang naririnig sa bibig niya maliban na lang kung uutusan niya ako na magtimpla ng ganito, i-print ang ganito, ihanda ang ganito at kung ano-ano pa na parang sa trabaho at kay Elisha na lang umiikot ang mundo niya.

Alam ko kung gaano kahalaga kay Trojan at kompanya at kahit hindi pa niya sabihin, alam kong ayaw niyang basta na lang iyon sukuan o malugi iyon nang ganoon-ganoon na lang nang hindi siya sumusubok isalba ang isa sa mga dahilan ng pag-angat niya at pagiging kilala sa larangan ng pagnenegosyo.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung kasama ba talaga sa pag-aayos niya ng problema sa kompanya ang hindi niya pagpansin sa akin at halos minu-minutong pakikipaglampungan niya kay Elisha.

Sa ngitngit ko, muli na lang akong sumubo ng karne na in-order niya para sa akin saka pinilit na alisin sa utak ko ang masyadong daring na pananamit ni Elisha at ang alam kong pananadya nitong pagdikit ng malaking dibdib nito sa katawan ni Trojan kapag lumalapit ito para ituro ang kung ano man sa laptop na dala ni Trojan.

Inakala ko sa sarili ko na magiging matatag ako na makita sila nang magkasama. Na inakala ko na kakayanin kong maging propesyonal sa harapan nilang dalawa at umarte ng normal na para bang hindi ako nasasaktan sa sobrang pagkakalapit nila o muling makakaramdam ng selos dahil kilala ko si Trojan.

Na akala ko kakayanin kong tiisin ang lahat at kimkimin na lang iyon sa loob-loob ko ngunit hindi ko pala kaya.

"Are you enjoying the food, Eila?"

Napaangat ako ng tingin kay Elisha na nakaupo sa harapan ko at may ngiti sa labi nang tanungin ako.

Pero hindi talaga sa kanya nakapokus ang atensyon ko kundi kay Trojan. Inakala ko na kukumustahin niya na rin ako dahil mukhang nagkasundo na sila ni Elisha sa mga dapat gawin sa kompanya pero gaya ng una, hindi. Nanatili pa ring nakatingin sa monitor ng laptop niya ang mata nito at doon lang nakatuon ang atensyon nito.

At kay Elisha.

Marahan akong umiling para alisin sa utak ko ang bagay na iyon.

"You don't like the food?" dinig kong hindi makapaniwalang sabi ni Elisha na muling nagbalik ng atensyon ko sa mukha niya. "But I thought you love it? You seem so excited to finish the steak a while ago."

Mabuti pa si Elisha, kahit busy, napapansin pa rin ako maging ang mga ginagawa ko.

Hindi gaya ni Trojan na wala ng ibang inatupag kundi ang laptop niya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon