Chapter Seventeen: Other Side of Trojan Mondragon

103K 2.4K 259
                                    


Chapter Seventeen: Other Side of Trojan Mondragon

Eila

Nagising ang diwa ko nang may maramdaman akong mabigat na bagay na nakadagan sa ibabaw ng dibdib ko.

Nang idilat ko ang mga mata ko, sinalubong ako nang medyo may kadilimang kwarto kung nasaan ako ngayon. Pero alam ko na umaga na dahil na rin sa liwanag na nakikita ko na tumatagos sa likod ng medyo nakasarang blinds ng bintana.

Hindi ko alam kung anong oras na ba at bakit sobrang bigat ng bagay na nasa ibabaw ng dibdib ko pero isa lang ang nasisiguro ko. Sobrang nagamit ang katawan ko at sa tingin ko ay hindi ako makakatayo ng basta-basta nang walang aalalay sa akin.

True to his words, hindi ako pinatulog ni Trojan kagabi. Para siyang naka-steroids na hindi man lang nauubusan nang lakas after we had a several rounds of sex.

Yes, sex. Not making love. Alam ko naman na walang gusto si Trojan sa akin at gusto niya lang ang katawan ko. At ganoon din ako sa kanya.

He's a beast. Ni hindi man lang niya ako binigyan ng kahit isang oras na pahinga. Kahit na antok na antok na ako kagabi, lagi siyang nakakagawa ng paraan para gisingin 'yung diwa ko and response to his demands.

Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas niya kagabi at wala na akong balak alamin pa kung saan. Naiisip ko pa lang 'yung mga ginawa namin kagabi kinikilabutan na ako.

Kinikilabutan ako dahil nagustuhan ng katawan ko 'yung ginawa ni Trojan sa katawan ko kagabi.

"Nababaliw ka na, Eila." Sabi ko sa sarili ko saka ko binalak tumayo.

Kaya lang muli lang din akong napahiga sa kama nang mas bumigat 'yung bagay na nakadagan sa dibdib ko.

"Ano ba 'to?"

Pilit na inabot ng isang kamay ko 'yung naaninag kong lampshade sa may side table saka iyon binuksan. At sa pagtama ng ilaw sa mukha ko, mabilis akong napatingin sa bagay na nakadagan sa akin.

Hindi pala siya bagay. Isa siyang tao. Si Trojan. Mahimbing na natutulog habang nakadagan sa ulo ko 'yung ulo niya sa dibdib ko at habang nakapulupot sa baywang ko 'yung dalawang braso niya.

Agad na namula ang mukha ko nang makita ko siya maging ang hubad niyang katawan na nasa ibabaw ko.

Ayoko siyang purihin pero alang-alang na lang sa kagandahan, hindi ko maiwasang purihin 'yung malapad niyang likod.

Trojan has a sexy back. Makinis. Wala kang makikita na kahit anong bahid ng peklat doon maliban na lang sa isang gasggas na nasa likod niya.

Mas lalo akong pinamulahan ng mukha nang maisip ko kung saan nanggaling ang mga sugat niya sa likod.

Napakagat ako sa labi ko habang dahan-dahan kong inaalis 'yung kamay niya na nakapulupot sa katawan ko.

Pero hindi ko pa man naiaangat 'yung daliri ng mga kamay niya nang bigla na lang siyang gumalaw saka siya biglang gumulong na nagpatili sa akin bago napalitan ang posisyon namin saka ako bumagsak sa katawan niya.

Ngayon ako na ang nasa ibabaw ng katawan ni Trojan.

"T-Trojan." Nauutal na tawag ko sa kanya habang pilit kong isinasanggalang ang dalawang kamay ko para hindi tuluyang magdikit ang mga dibdib namin.

"Going somewhere, honey?"

Hindi pa man ako nakakahanap ng isasagot ko doon sa tanong niya nang bigla na lang umangat 'yung ulo niya saka niya ako mapusok na hinalikan sa labi.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon