Chapter Four [REVISED]

118K 3K 361
                                    


Chapter Four

Eila

THIS IS awkward.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

Inangat ko ang tingin ko sa lalaking naka-upo sa tapat ko at tahimik na pinanood iyong napaka-graceful na pagkain nito at paggamit no'ng mga kobyertos.

Pati ba naman pagnguya at pagkain ng tao na ito ay ang ganda rin? Hindi talaga patas ang mundo.

"Will you stop staring at me? Baka hindi ako matunawan." Wika pa niya nang mapansin na nakatitig ako sa kanya saka nito ininom iyong wine na nasa tabi nito.

"Tanghaling tapat pa lang pero umiinom ka na ng alak?" Bigla kong nasabi sabay mabilis na napa-kagat sa labi ko nang mawala iyong respeto sa tono ng pananalita ko.

Hindi pa man ako natatanggap sa trabahong ina-apply-an ko sa kompanya nito pero nagmamay-ari pa rin ito ng isang malaking kompanya at may potensyal na maging amo ko sa hinaharap kung sakaling mapapayag ko nga si Mr. Chua na ma-seal ang business deal nito sa T.ME at manalo doon sa naging hamon niya sa akin.

"Wine has a lot of benefits aside from being an alcoholic drink, Miss Delos Santos." Sagot naman ni Trojan na hindi inindan iyong biglang pagiging casual ng pamamaraan ko ng pakikipag-usap sa kanya. "It helps with digestion."

Wala na lang akong sinabi tungkol doon para maiwasan na rin na maka-gawa pa ng hindi inaasahang pagkakamali. Less talk, less mistake sabi nga nila.

"So, tell me, Miss Delos Santos." Tawag niya ulit sa atensyon ko matapos niya akong bigyan ng isang mabilis na sulyap at maibaba ang ininom nitong wine. "What's your relationship with my cousin Ethan?"

"Sir?" Takang sabi ko, naniniguro kung talagang totoo iyong narinig ko na nagtanong ang potential employer ko ng tungkol sa private life ko.

"Ethan was the one who recommend you to my company. I'm just curious what makes him suggest someone like you, knowing that my company is looking for crème of the crop with our applicants."

Nakaramdam ako ulit ng konting inis doon sa pangmamata niya sa skills ko pero pinili ko na lang isantabi iyon.

"To be honest, hindi ko rin alam na ni-recommend niya po ako sa inyo."

"I already told you to drop the honorifics, Miss Delos Santos." Wika nito na tila may halong pagbabanta. "I'm not that old. You're only twenty-five based on your resume, right? Kaya huwag mo akong pino-po. It sounds ridiculous."

"Ilang taon na ba kayo, sir, kung hind n'yo mamasamain ang tanong ko?"

"Twenty seven."

"Hindi ka mukhang twenty seven, sir." Mukha ka nang kwarenta, dagdag biro ko pa sa isip ko.

Hindi ko malaman kung bakit lagi na lang naka-kunot ang noo ng tao na nito na akala mo ang laki ng galit niya sa mundo.

"So? What's your relationship with Ethan?" Tanong ulit niya saka sumenyas na galawin ko iyong pagkain na nasa harapan ko na sinunod ko na lang para huwag itong mapahiya saka sinimulang ngumuya doon sa dumpling na nasa plato ko.

Dahil sa hindi inaasahan na pag-back out ng ka-meeting nito na si Mr. Chua, nagpasiya si Trojan na yayain na lang ako na saluhan siya doon sa pagkain na inilabas no'ng crew dito sa restaurant dahil ayon pa rito, hindi niya gusto nagsasayang ng pagkain, mas lalo ng perang nagastos niya para sa pagkain at reservation sa lugar na ito.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon