Chapter Twelve: The Contract

107K 2.4K 195
                                    

Chapter Twelve: The Contract

Eila

"Do you like it?"

Halos tumalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko nang bigla ko na lang marinig ang boses niya sa likuran ko.

At sa paglingon ko, talagang naroon na nga siya. Matamang nakayuko sa akin habang may na-a-amused na ngiti sa labi niya sa pagkagulat ko.

"You don't need to shriek like that. It's not like I'm eating you alive."

Muli ko na lang inalis ang tingin ko sa kanya saka wala sa loob na napahawak sa tapat ng dibdib ko at dinama ang nagwawala at malakas na kabog ng puso ko.

"May kailangan ka pa ba? There's an intercom in this room. Pwede mong utusan ang mga maid sa baba. They'll attend 'to twenty four seven."

"H-Hindi. Okay lang ko." Hindi ko mapigilang maging garagal ang boses ko dahil sa kaba.

"Relax."

Napakislot ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang dalawang kamay niya sa balikat ko at saka niya sinimulang masahiin ang mga iyon.

"You look so tense. Haven't you enjoy the food?"

Hindi na lang ako sumagot saka marahang inalis ang kamay niya sa balikat ko bago humarap sa kanya ng tuluyan.

"A-Ano..."

"Ano ba, Eila! Umayos ka nga! Alisin mo nga 'yang pangangatog ng boses mo!" Sermon ko sa isip ko.

"What?"

Naiilang akong napatingin sa mga mata niya sabay mabilis ko ring binawi ang tingin ko at yumuko at tumingin na lang sa carpeted na sahig ng kwarto kung saan ako dinala ng isa sa mga katulong niya sa bahay.

"Nagpapasalamat ako sa pagpapatira mo sa akin at sa napakasarap na pagkain." Nahihiyang sabi ko. "Pero hindi mo naman ako kailangang bigyan ng sobrang laki na kwarto para matutulugan ko ngayon gabi. Kahit sa may maid's quarter na lang ako okay lang."

Kahit anong pilit kong alisin ang pangangatog ng boses ko, hindi ko magawa.

Ramdam na ramdam ko pa rin ngayon sa mga balikat ko ang naging hawak sa akin ni Trojan kanina. Kahit na iyong ginawa ng kamay niya na pagdausos sa balat ko habang nasa harapan kami ng mga katulong niya sa bahay.

Hindi ko alam kung ano bang meron doon sa mga kamay niya at bakit sobrang init. At kung bakit hanggang ngayon ay napaka-init pa rin ng pakiramdam ko dahil lang doon sa paghawak niya.

Isa pang nakakadagdag sa kaba at takot ko ay 'yung pamamaraan niya ng pagtingin sa akin.

'Yung mga mata niya. It feels like he's boring holes into my body without my consent. Na para bang hindi lang pisikal na pangangatawan ko ang tinitingnan niya kundi maging ang kaluluwa ko.

"Honey, you don't belong to the maid's quarter. That's too small for you."

"Pero isa lang naman ang dala kong bag. Wala nga akong halos nadala mula sa mga gamit ko sa—"

Hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang bigla na namang pumasok sa isip ko 'yung ginawa sa akin nung landlady ng apartment na tinitirahan ko.

Kailangan ko pa palang isipin ang iba ko pang gamit na nandoon maging ang ilang buwang pagkaka-utang ko sa landlady ko.

Halos dalawang-libo mahigit na lang ang laman ng wallet ko. At hindi ko alam kung paano ko mapapagkasya ang halaga na iyon sa mga magiging gastusin ko sa mga susunod na araw at sa paghahanap ko ng bago kong matitirahan.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon