Chapter Fourteen: Confession
Eila
Padabog akong bumaba ng sasakyan saka inis na nagmartsa papasok sa building ng TME. Wala na akong pakialam kung ang suot kong damit ay iyong damit pa rin nung huling punta ko rito at wala na rin akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao dahil sa gulo-gulo ang itsura ko.
I look like a mess physically. Pero tinalo pa ng gulo sa utak ko ang gulo ng pagmumukha ko ngayon.
Ano bang karapatan ng Trojan Mondragon na iyon para gawin sa akin ang mga bagay na ito? Anong karapatan niyang pasundan ako sa isa sa mga katulong niya sa bahay at manmanan ang kilos ko? Anong karapatan niyang sapilitan kong pabalikin sa mansyon niya at dalhin ngayon sa opisina niya?
"Miss Delos Santos!" Gulat na salubong sa akin ni Cassandra. "Mister Mondragon is—"
"Sa loob ko na siya hihintayin!" Putol ko sa sasabihin ni Cassandra sabay walang ano-ano'y pumasok sa loob ng opisina niya at padabog na sinara iyon.
"Uy Eila!"
Inakala ko na walang tao sa loob. Hindi ko inaasahan na makikita ko pala si Ethan sa receiving sofa na meron sa loob ng opisina ni Trojan.
"E-Ethan."
"Kumusta ka na? Long time no see!" Masayang bati niya sa akin saka niya ako nilapitan at biglang niyakap.
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niya akon yakapin ng mahigpit.
Ngayon nagsisisi na ako kung bakit hindi ako nagpalit ng damit at kung bakit hindi man lang ako nag-abala na ayusin ang sarili ko kahit papaano.
"Ano ka ba naman, Eila! Magpapaganda ka pa rin sa harapan ni Ethan! Ilang beses ba niya dapat isampal sa pagmumukha mo na hanggang magkaibigan lang kayo? Hanggang kailan ka ba aasa sa isang relasyon na kahit kailan ay hindi naman niya maibibigay sa'yo?"
Marahan kong itinulak palayo sa akin si Ethan nang marinig ako ng boses ng konsensya ko sa utak ko.
"Eila."
"Sorry, Ethan." Walang emosyong sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Sorry kung hindi ako nagpapakita sa'yo."
Ramdam ko na tinititigan ngayon ni Ethan ang mukha ko maging ang itsura ko. Ramdam ko sa mga tingin niya mula sa gilid ng mata ko na nag-aalala siya para sa akin at kung bakit bigla na lang ako nanlamig sa kanya.
Naiinis ako kay Ethan. Naiinis ako dahil ang bait-bait niya sa akin pero hanggang doon na lang iyon. Hanggang pagiging mabait na kaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa akin.
Pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi mahilig akong umasa sa mga bagay na alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi naman magiging totoo.
"Ethan—"
"Eila sorry."
Balak ko na sanang sabihin sa kanya 'yung nararamdaman ko nang matapos na. Nang matapos na ang lahat ng mabubuting bagay at kilos na pinapakita niya sa akin at nang matapos na rin ako nang kakahintay at kakaasa na balang-araw masusuklian niya rin 'yung nararamdaman ko para sa kanya.
"Hindi ko alam." Nakayukong sabi niya at rinig na rinig ko sa boses niya ang lungkot. "Hindi ko alam na minamaltrato ka na pala ng land lady doon sa apartment na pinahiram ko sa'yo."
BINABASA MO ANG
Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]
General Fiction[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything is about to change when he saw Eila Delos Santos-his cousin's best friend and a woman with such an innocent face but has a very feisty person...