Chapter Twenty Seven: Alta Puebo

86.9K 1.9K 122
                                    

Chapter Twenty Seven: Alta Puebo

Eila

HINDI ko aakalain ang pagpunta pala sa sinasabi niyang Alta Puebo ay isang nakakatakot na karanasan.

"What are you still doing there, Eila? Get your ass off here!"

Marahas akong napailing saka mas nagtago sa likod ng pintuan ng mansyon.

"Hindi mo ako mapapasakay d'yan!"

"What?!"

Kitang-kita ko ang iritasyon at unti-unting pagkaubos ng pasensya ni Trojan sa akin.

Pero kahit anong mangyari, hindi ako papayag sa gusto niya lalong hindi niya ako mapapasakay sa helicopter na nasa harapan namin ngayon. Hinding-hindi!

"How many times do I need to tell you that this ride is safe?" malakas na sigaw ni Trojan dahil na rin sa ingay na nililikha ng makina ng helicopter niya na kasalukuyang nakaparada sa malawak na lawn ng mansyon.

"Safe? Iyan ba ang safe para sa'yo huh? Nakita mo ba 'yan? Wala siyang pintuan!"

"It's a helicopter! What do you want? A damn sliding door?"

"A decent door for the passenger's safety is not damn for your information, Sir Trojan Modragon," sarkastikong sabi ko.

Piping hiling ko lang na sana ay hindi niya nahimigan ang sarcasm sa tono ng pananalita ko dahil nitong nakaraan lang ay napagtanto ko na hindi gusto ng isang Trojan Mondragon ang sinasagot-sagot siya ng pabalang o hindi kaya ay sa sarkastikong pamamaraan. At hindi niya rin gustong nasisisgawan at ayaw niyang may kahit na sinong sumasagot o kumo-kondena sa mga sinasabi niya.

"Don't waste my time, Eila. Get inside or I'll throw you inside? Which is which, honey?"

"I'm fine. Okay na ako sa loob ng mansyon. Ipagawa mo na sa akin ang lahat 'wag lang ang sumakay sa nakakatakot na bagay na 'yan!"

Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya na mga rason ko kung bakit ayokong sumakay sa helicopter niya pero lahat ng iyon ay nabitin na lamang sa lalamunan ko nang magsimula na siyang maglakad papunta sa direksyon ng mansyon. Papalapit sa akin.

Habang naglalakad siya at sinasalubong ang malakas na hanging dala ng elisi ng sasakyan na iyon, hindi ko maiwasang mamangha sa kanya habang pinapanood ko siya doon sa paglalakad niya.

Tila mas malakas pa ang tindig ni Trojan kaysa sa malakas na hangin na nagpapalipad sa mga damo sa lawn ng mansyon. Hindi niya alintana kung magulo man ang buhok niya o hindi kaya halos bumakat na sa katawan niya ang suot nitong puting polo dahil sa lakas ng hangin.

The way he walks through the wind makes him looked like some fictional hero from an Islander story. If he only has the usual long, wavy hair and primitive clothes, bow and arrow, he will surely fit for the role.

"Now..."

Naputol ako sa pagpapantasya ko sa kanya nang bigla ko na lang maramdaman ang mahigpit na hawak niya sa pala-pulsuhan ko saka niya ako walang kahirap-hirap na kinaladkad palabas ng mansyon.

"No one dares to call me Sir without following my orders, honey."

"Trojan ano ba? Ayoko nga sabing sumama sa'yo eh!"

"Did I ever ask for any of your opinion, honey?" sagot niya saka ako panandaliang nilingon at nagtaas ng isang kilay niya sa akin with full sarcasm. "Stop resisting, Eila or else I'll tie you down and will make sure you'll lose all the strength to even speak."

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon