Chapter Thirty Eight: Kitchen (En)counter

64.7K 1.5K 88
                                    

Chapter Thirty Eight: Kitchen (En)counter

Eila

"I'M IN LOVE with you, Miss Delos Santos. I love you."

Halos hindi na naawat sa pag-uulit-ulit na parang sirang plaka ang mga salitang binitawan sa akin ni Trojan sa utak ko.

Para akong nasa alapaap nang mga oras na 'yun at halos malimutan ko na ang hiya ko nang bigla ko na lang siya sugurin ng isang mahigpit na yakap sa batok niya sabay halik sa sobrang saya dahil sa mga narinig ko mula sa bibig niya.

We almost make out to where we stand on the gym that day. Nawala na nga rin sa utak ko na kasama namin si Cassandra o ang mga taong nakapaligid at posibleng nakakapanood sa amin at hinayaan na lang ang sarili kong magpatangay sa nararamdaman kong saya.

Ang tagal kong hinintay na lumabas sa bibig niya ang mga salita na 'yun. Na sabihin niya sa akin na mahal na niya ako at hindi lang sa dahilan na attracted siya sa akin gaya nang madalas niyang sabihin.

Pero kung totoo man 'yung sinabi ni Trojan na iisa lang para sa kanyan ang atraksyon at pagmamahal, gaya ko, matagal na pala siyang may gusto sa akin. Na matagal na niya pala akong mahal.

Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti sa tuwing maaalala ko ang araw na 'yun. Kahit apat na araw na ang nakakalipas, parang kahapon lang sinabi sa akin ni Trojan na mahal niya ako. Na parang kahapon lang nangyari ang lahat at na magpahanggang ngayon, dala-dala ko pa rin ang kilig na naramdaman ko nang mga oras na iyon.

"Miss Eila!"

Nagulat ako nang may tumawag sa akin saka ko nakita ang babaeng mayordoma na humahangos na lumapit sa akin saka niya ako marahan na tinulak palayo mula doon sa paghihiwa ko ng sibuyas at kamatis para sana sa balak kong paggawa ng agahan para kay Trojan.

Alas-tres pa lang nang umaga at dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog, bumaba na ako dito sa kusina para unahan ang master chef ni Trojan na may lahing Pranses at iba pang katulong para gumawa ng agahan para sa aming lahat.

Simple lang naman ang balak kong gawin. Sinangag na kanin at omelet lang.

Parati na lang kasing Italian, French at iba pang foreign cuisine ang kinakain ni Trojan. Tingin ko nga hindi pa siya nakakakain ng lutong Pinoy o kahit anong local food. Kaya gusto ko maiba naman.

At para mapakita at maparamdam ko rin sa kanya na mahal ko talaga siya at hindi lang dahil sa pisikal niyang itsura, yaman o kahit na sa utang-loob.

"Miss Eila, ano pong ginagawa n'yo dito sa kusina nang ganito kaaga? Saka baka po mahiwa n'yo ang sarili n'yo sa ginagawa n'yo. Mapapagalitan po kayo ni Master Trojan!"

"Ano ka ba naman, Manang Celia. Nagluluto naman po ako sa tinitirahan ko dati. Saka marunong naman akong humawak nang kutsilyo kaya hindi ako masusugatan."

Magmula nang maging palagay na ako sa mansyon ni Trojan, nakapalagayan ko na rin ng loob ang mga kasambahay namin dito at madalas ko silang nakakausap tungkol sa kung ano lang kapag nauuna akong makauwi kay Trojan mula sa trabaho o 'di kaya'y kapag nasa bahay lang ako.

Pero kapag kami-kami lang 'yun. Madalas kapag kasama namin si Trojan, pormal ang pakikitungo nila sa akin. Hindi naman sa pinagbabawalan sila ni Trojan na makipagkaibigan sa kanila. Talagang seryoso lang talaga sa trabaho nila ang mga katulong dito. Saka ayon din sa kwento nila noon, okay naman ang pakikitungo ni Trojan sa kanila at malaki ang kinikita nila kahit na wala naman silang masyadong mabibigat na trabaho.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon