Chapter Eight: The start of the deal
Eila
Halos tunggain ko na ang baso ng alak na nakahain dito sa may buffet table sa may garden sa sobrang sama ng loob ko.
Bakit ba napa-insensitive ni Ethan? Kahit kailan ba hindi niya naisip na may posibilidad na magkagusto ako sa kanya?
Sabagay. Sino nga ba naman ako para magkagusto sa kanya? Isang Delos Santos? Mapapansin ng isang Mondragon? Sino bang niloloko ko?
"Hey! Hey! Hey! Having your own private party here, haven't you sexy vixen?"
Bigla akong napalingon nang may bigla na namang umakbay sa akin sabay narinig ko sa pamilyar na boses na iyon.
"Alisin mo nga ang kamay mo!" Inis na sabi ko sabay tanggal ng kamay niya na nasa balikat ko.
"Why are you so mad at me? I haven't done anything with you yet." Sabi niya saka niyuko niya ang ulo niya para makabulong sa tenga ko. "Unless, you want to start making mess with me right now. I have the key on our guest room. We can go crazy over there, baby."
Tinitigan ko na lang ng masama si Ivo saka muling kumuha ng punch doon sa mesa.
"Are you trying to get yourself drunk?"
"Wala ka ng pakialam doon!" Inis na sabi ko sabay tinungga yung bagong baso ng alak ko.
Hindi ako heavy drinker at lalong hindi ako umiinom ng alak. This is my first time drinking something like this. And I think ito na rin ang magiging huli.
"Baby, punch won't make you drunk." Sabi ni Ivo saka kinuha ang walang laman ko ng baso at may kinuha na isang maliit na stainless na bote sa likurang bulsa ng pantalon niya saka binuksan iyon gamit ang bibig niya habang nakatingin sa mukha ko sabay isinalin ang laman noon sa baso ko.
"And to make this drink more interesting..."
Bigla siyang tumalikod sa akin saka nakita ko ang paggalaw ng kamay niya bago siya muling humarap sa akin.
"Drink this, baby. It's a nice drink."
"May nilagay ka sa alak na 'to ano?" Nagdududang sabi ko habang tinitigan ko 'yung alak na inabot niya.
"Nope. Just the drink." Sabi niya saka ngumisi sa akin. "Drink this before it lost its effect."
Wala na akong nagawa pa nang bigla na lang ipainom sa akin ni Ivo yung alak na binigay niya.
Alam ko na may nilagay siya sa inumin ko. Kilala ko si Ivo. Hindi siya 'yung tipo ng tao na basta na lang tutulong sa iba o makikipag-usap sa iba na hindi niya kilala o hindi siya interesado. Ganoon siya nung College.
"Fck! I forgot my protection!" Dinig kong sabi niya habang kinakapa niya ang sarili niya sabay napatingin siya sa akin. "Wait here! I'll be back!"
Tango na lang ang naging sagot ko saka pinanood si Ivo na tumakbo papasok sa nagkukumpulang tao na nagsasayawan sa gitna ng garden.
Sinubukan kong harapin ulit 'yung buffet table para maghanap ng tubig dahil hindi ko nagustuhan 'yung pina-inom ni Ivo sa akin. Halos masunog na ang lalamunan ko sa alak na pinatikim niya.
Pero sa pag-ikot ko, bigla na lang naging doble ang paningin ko saka biglang parang umiikot na ang paningin ko.
"Miss Delos Santos."
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa patuloy pa rin ang pag-ikot ng mga bagay sa paligid ko saka ko hinanap yung pamilayar na boses ni Trojan.
It took me a while para mahanap siya at para maging malinaw siya sa paningin ko.
BINABASA MO ANG
Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]
General Fiction[FINISHED | UNDER REVISION] Trojan Mondragon only has one rule: "Never fucked the employee." But everything is about to change when he saw Eila Delos Santos-his cousin's best friend and a woman with such an innocent face but has a very feisty person...