Chapter Two [REVISED]

150K 3.4K 414
                                    

Chapter Two

Eila

NAPATINGALA na lang ako sa taas at laki nitong kompanya na nasa harapan ko at kung saan ako pinagre-report no'ng Cassandra na pinakilala sa akin ni Ethan kahapon.

Ayon dito, si Cassandra raw ang Chief Executive Secretary ng pinsan nitong si Trojan. Stoic, mukhang strikta, hindi namamansin ng kahit sino maliban na lang kung may kinalaman sa trabaho ang pag-uusapan o hindi kaya isa kang importanteng kliyente ng kompanya at ang babaeng walang pakundangan kung mang-reject at mambasted sa isang gaya ni Ethan Mondragon—ayon na rin kay Ethan mismo.

May kirot, inggit at selos akong nararamdaman para kay Cassandra habang patuloy siyang kini-kwento ni Ethan sa akin. Pero higit sa mga ito, mas nangingibabaw iyong mga sana sa isip ko habang pinapanood at pinapakinggan si Ethan sa mga kwento nito tungkol kay Cassandra.

Sana ako na lang siya. Sana kumikinang din nang gano'n ang mga mata ni Ethan kapag ako ang pinag-uusapan. Sana namumula rin pisngi niya kapag na-babanggit ang pisikal kong itsura at pag-i-snob ko sa ibang kaibigan niya at marami pang ibang sana na hindi ko maiwasan isipin nang mga oras na iyon.

Trojan Mondragon Corp. or mas kilala sa initials nito T.MC, isa sa mga fast-growing company rito sa Pilipinas na kung saan may expertise sa stocks and trading at iba pang manpower affiliated business. Maraming negosyo ang mina-manage ng T.MC. Mayroon sa food and beverage industry, textile and fabrics, skin care essentials, halos lahat yata ng p'wedeng pasuking trabaho no'ng nagmamay-ari ng kompanya na iyon ay pinasok na nito. At kung tama pagkaka-alala ko, naka-tanggap pa ng international recognition ang may-ari nito at nagsisimula na ring maglagay ng branches ng ibang negosyo nito sa ibang bansa. Ayon pa sa naging research ko kagabi sa website nila, may in-open ng textile company na nag-e-export na ng local products ang kompanya sa Singapore, Macau at ang under construction pa na nasa Thailand.

No'ng malaman ko ang tungkol sa mga bagay na ito, bigla kong gustong mapa-atras at humanap na lang ng ibang trabaho na a-apply-an dahil sa lula. Pero, opportunity only strikes once. At gaya na rin ng sabi ni Ethan, wala namang mawawala kung susubukan. Idagdag pa na muli na naman akong binisita no'ng land lady ko para singilin ako sa buwanang upa at balance ko sa naging electric and water bill ko last month.

Kaya kahit kinakabahan, inihakbang ko na lang ang mga paa ko papasok doon sa kompanya at piping nagdasal na sana ay maging successful ang interview sa akin mamaya o kahit papaano ay maging disente ang mga sagot ko sa magiging interview.


"MISS DELOS Santos? I'm Cassandra Alonzo. Chief executive secretary of Mr. Trojan Mondragon. I'm also going to be the stand-in HR for you today."

Bigla akong napa-tayo at muntik pang matapilok nang marinig ko ang pangalan ko sabay napa-tingin sa babaeng lumabas mula doon sa tingin ko'y one-sided glass wall na kwartong nilabasan nito at tinanggap ang inalok nitong pakikipag-kamay.

Ito ba iyong Cassandra na binabanggit ni Ethan? Na-itanong ko sa sarili ko saka mabilis na pinasadahan ng tingin iyong brown haired na babae na naka-tayo sa harapan ko ngayon.

Mas mataas ito sa akin kahit pa nga naka-suot din ako ng high heeled shoes gaya niya. Mga 5'7 o 5'8 siguro habang ako naman ay 5'5 lang. Ang ganda rin ng hubog ng katawan nito. Kahit nga hindi naman suggestive o provocative ang formal attire na suot nito, mahahalata pa rin doon ang kurba na nasa likod ng ladies suit na suot nito at doon sa magandang hubog ng mahaba rin nitong binti. Ang tangos din ng ilong nito at tila ba nagre-reflect nang malinaw ang itsura mo sa malabnaw na kulang tsokolate nitong mga mata.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon