Chapter Forty Six: Mad Attraction Part 1

68.5K 1.4K 131
                                    

Chapter Forty Six: Mad Attraction Part 1

Eila

"WHAT ARE you trying to do with that?"

Nakita ko ang malalim na pagkunot ng noo ni Trojan habang ako naman ay sinusubukang patatagin ang loob at lakad ko kahit na ang totoo ay kanina pa umiikot ang paningin ko.

Nahihirapan na nga akong makita siya dahil kanina pa gustong pumikit ng mata ko pero tinitiis ko na lang dahil gusto ko siyang parusahan gaya nang pagpaparusa na ginagawa niya sa akin ngayon.

Gusto kong ipadama sa kanya kung gaano kasakit para sa akin na basta na lang niya bale-walain nang wala man lang sapat na dahilan at ipagpalit doon sa tinatawag niyang kaibigan niya lang.

"Eila, you're drunk. Just stop moving and go to sleep," utos niya sa akin. "We'll talk tomorrow when we're both—"

"No, Mister Mondragon. Ngayon na tayo mag-uusap," putol ko sa mga sasabihin niya.

Hindi ko na p'wede 'tong ipagpabukas pa dahil kung bukas ko pa gagawin 'to, kung bukas ko pa gagawin ang bagay na 'to kung kailan matino na ang pag-iisip ko, baka hindi ko na 'to magawa at baka tuluyan na akong matalo sa Elisha Monteclaro na iyon.

Kung inaakala ni Trojan na kaya niya akong pagmukhaing tanga dahil hindi ako umiimik o dahil sa wala akong sinasabi sa kanya maliban ngayong gabi, p'wes, nagkakamali siya.

Kung ang pagkakakilala niya kay Eila ay babaeng kayang-kaya niya lang iwan na lang basta sa ere nang walang sabi-sabi at magiging okay lang iyon sa kanya, p'wes nagkakamali na naman siya.

Kung hindi niya ako gustong lumayo, kung gusto niya ako saktan, kailangan niyang galingan dahil hindi ako basta-basta papatalo sa mga gusto niya.

Nagsasawa na ako na lagi na lang siya ang nasusunod. Na siya lang ang p'wedeng magalit kapag may ginagawa akong kalokohan kahit wala naman talaga.

Na siya lang lagi ang magiging dominante sa aming dalawa dahil mas nakakahigit siya sa aming dalawa sa lahat ng aspeto ng buhay. Buhay, pera, kasikatan.

Siguro nga ulila na ako. Siguro nga mahirap lang ako. Siguro nga sekretarya lang niya ako.

But he was crazy for me once. And all I need to do is to bring back his obsession to me para makalimutan na niya nang husto ang Elisha na iyon.

Trojan wanted me so much as much as I want him too.

At ibabalik ko iyon ngayong gabi. Papatunayan ko na mas magaling pa rin ako sa kahit na sinong babaeng kukuha ng atensyon niya mula sa akin.

"I wonder how you still manage to speak like that."

"Nagulat ba kita?" nang-uuyam na sabi ko.

Laking pasalamat ko na lang na kahit papaano ay maayos pa ako magsalita dahil oras na magtunong garagal ako o mahina sa harapan niya ngayon, paniguradong matatalo na naman niya ako at magagawa na naman niya ang kahit anong gustuhin niya.

"I might be drunk but I perfectly know what's on my mind right now."

"Okay," tila pagod na sabi niya sabay taas ng dalawang kamay niya sa ere bilang pagsuko. "If you're still mad to what I said, I'm sorry—"

"Sit," putol ko ulit sa kanya.

"What?"

"I said sit, Mister Mondragon," madiin na sabi ko sa bawat salitang binitawan ko.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon