Chapter Eighteen: Work Issues

90.5K 2.1K 96
                                    

Chapter Eighteen: Work Issues

Eila

"You want to work?"

Matapos akong ipahiya ni Trojan sa harapan ni Carlos at sa mga katulong niya, bago siya makalabas sa mansyon ay mabilis akong humarang sa pintuan nang akma na siyang lalabas dala-dala ang suitcase niya at handa ng pumasok.

"Oo sana." Alanganing sabi ko habang hindi ko malaman kung saan ba titingin sa magkabilang gilid ko. "Gusto kong magtrabaho pa rin sa opisina mo."

"What for? Hindi ka ba masaya dito sa mansyon? Hindi ba nila nabibigay sa'yo ang mga gusto mo? Let Carlos knows what you want—"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Mabilis na putol ko sa sasabihin niya. "Ayoko dito sa bahay mo. Masyado 'tong malaki." At masyado akong nasasakal sa karangyaan ng pamamahay mo. Idadagdag ko sana.

Hindi ako sana na tumira sa isang malaking bahay lalo na sa isang mansyon at lalong hindi ako sanay tumira sa isang lugar na kahit hindi ako magsalita ay may maghahanda ng mga magagandang bagay sa harapan ko.

Ayokong umasa na lang basta-basta sa pera niya. Oo sinabi ko noon na kailangan ko siya, na kailangan ko ang pera niya. Pero ang pera na tinutukoy ko ay 'yung pera na paghihirapan ko dahil sa pagtatrabaho ko para sa kanya.

Tinitigan ako ni Trojan mula ulo hanggang paa at naramdaman ko na naman na parang hinuhubaran ako ng mga titig niya kaya wala sa loob na bigla ko na lang naiyakap ang mga braso ko sa dibdib ko bago ko narinig ang pagngisi niya.

"Honey, you don't need to work anymore. I can provide you with anything you want. Just name it and I'll buy it for you."

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil hindi na ako makahanap ng isasagot sa kanya na hindi niya ikakagalit.

Sa maikling panahon na nakasama ko siya magmula nang maging assistant secretary niya ako, kahit papaano ay may nalaman na rin ako tungkol sa ugali niya. At ilang beses na rin niyang nasabi sa akin na masama siya galitin. At alam ko rin na kapag pinilit ko ang gusto niya, maaari siyang magalit sa akin at hindi maganda iyon.

"You still want to say something? Say it now, honey. I have an important meeting this morning." Sabi niya habang napapatingin sa relo na suot niya.

"Pero gusto kong magtrabaho, Trojan." Sinubukan kong ipilit ang gusto ko sa kanya. "A-Ayokong maging palamunin mo dito habang-buhay."

I heard him sighed in defeat saka siya ulit humarap sa akin.

"Eila, I have my own money. You don't need to work for it because I'm willing to give you some if you will just ask."

"Pero ayoko nga humingi ng pera sa'yo! Gusto ko pagsikapin ang pera na sinasabi mo!"

Nakita ko na bigla ng sumama ang aura ni Trojan saka siya sandaling napahilot sa sintido niya.

"Mukhang nagalit ko na yata siya." Sa isip ko.

"Eila, dinala kita rito sa mansyon para gumaan ang buhay mo at hindi ang pagtrabahuin ka. How many times do I need to tell you that you don't need to work anymore?"

"Pero kailangan ko magtrabaho para mabayaran ko ang utang ko sa apartment na—"

Bigla akong sinamaan ng tingin ni Trojan na siyang napapako sa akin sa kinatatayuan ko.

"Don't tell me you planned to go back to that place, Eila?" Mariin at may galit na sabi niya.

"Hindi ko naman sinasabi na babalik ako doon. Gusto ko lang mabayaran ang—"

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon