Chapter Forty One: Breaking Point

68.1K 1.6K 108
                                    


Chapter Forty One: Breaking Point

Eila

GAYA NANG sinabi ni Ethan, hindi na naging maganda ang mga sumunod na araw para kay Trojan.

Isa-isang nag-alisan sa kompanya ang major at minor share holder. Kahit si Eros umalis din dahil ang sabi niya business is still business. At hindi niya raw hahayaan na mas bumaba pa 'yung halaga ng share niya sa isang naluluging kompanya.

Sa totoo lang nainis ako doon sa sinabi niya. Pinsan siya ni Trojan at dapat sa mga ganitong panahon, doon dapat siya mas naaasahan ng pinsan niya. Pamilya sila kaya dapat sila ang unang magtutulungan.

Pero hindi ko rin naman siya masisisi sa ginawa niya. Businessman din siya gaya ni Trojan. At bilang isang businessman, mas importante pa rin ang kikitaing pera kaysa awa na p'wede mong maramdaman kahit na sa sarili mong kamag-anak.

At doon ko napagtanto kung gaano kalupit ang ugali ni Eros. Inakala ko noon na sa akin lang talaga siya naiinis o galit. Na sa akin lang talaga mainit ang ulo niya pero parang sa lahat yata ng tao ang ugali niyang 'yun. Pero gaya nga nang nasabi ko, hindi ko rin siya masisisi at hindi ko rin siya p'wedeng akusahan dahil doon sa ginawa niya.

Hindi ganoon kadaling kitain ang pera lalo na ang mabawi ang sampung bilyong nawala sa textile company. Mas alam ko dapat 'yun at dapat mas maintindihan ko si Eros dahil buong buhay ko naghirap ako. Lalo na sa isang gaya ko na sarili lang ang sumusuporta sa lahat ng gastusin at naulila pa sa mga magulang bago pa dumating sa buhay ko si Trojan Mondragon.

Pero sana man lang mas tinatagan niya 'yung paniniwala niya sa kakayahan ni Trojan na masosolusyunan niya ang problema sa kompanya hindi 'yung basta-basta na lang niya iiwan sa ere ang pinsan niya.

At dahil din sa nangyaring bankruptcy ng kompanya, bago sila tuluyang umalis, napagpasyahan ng mga decision makers na alisin si Trojan bilang CEO ng kompanya. Kahit pa nga siya ang may-ari nito at nasa kanya pa rin ang pinakamalaking porsyento ng share sa kompanya, nanalo pa rin ang boto ng nakakarami na alisin si Trojan sa pwesto bilang CEO dahil sa pagpapabaya nito sa kompanya.

Ngayon ay wala ng CEO ang kompanya. Wala na ring investors maliban kanila Gael at Ethan at ang lolo't lola nila Trojan.

Pero ngayon ay mas ako na lang naiwan sa tabi niya dahil sekretarya pa rin niya ako at sila Ethan at Gael naman ay may iba pang negosyo at buhay na dapat nilang asikasuhin.

"Ito na ang kape mo," sabi ko matapos kong makapasok sa opisina niya nang hindi man lang niya napapansin. "Saka nagbaon din pala ako ng natirang breakfast sa bahay kanina. Maaga ka kasing umalis at hindi ka raw kumain sabi ni Carlos. Kaya kumain ka muna."

Hindi ako pinansin ni Trojan at nanatili pa rin itong abala sa harap ng papel na hawak nito at sa laptop nito. Ni hindi nga niya pinansin 'yung kape na nilagay ko doon sa usual place nito sa mesa niya.

Ayokong ipakita sa kanya na naaawa ako na makita siyang nagkakaganyan dahil hindi naman iyon ang kailangan niya ngayon kundi ang pag-unawa ko sa sitwasyon at ang pananatili ko sa tabi niya kung saka-sakali mang humingi siya ng tulong sa akin gaya na rin nang napayo sa akin ni Ethan noong nakaraang gabi sa may bar nito.

Nang hindi pa rin ako pansinin ni Trojan, napagpasyahan ko na lang na bumalik sa mesa ko na nasa loob ng opisina niya saka sinubukang abalahin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga documents na pinasa ng nasa accounting department kanina.

"You're dismissed, Miss Delos Santos."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Trojan saka ko inangat ang tingin ko sa kanya.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon