Chapter 59

432 43 7
                                    

"Kuya!" Nakabungisngis na hinarang ni Helena si Jasper habang bumababa ito sa hagdanan kinabukasan. He looks like he is going somewhere.

"What?" Nakasimangot na reaksyon ni Jasper.

"Naka-lock ba ang kuwarto mo?"

Lalong nagusamot ang mukha nito. "Bakit na naman? Ano na naman ang kailangan mo sa kuwarto ko? Naka-box na ang mga gamit ko."

"Makikibasa lang ako sa Manga collection mo, at saka horror novels." Ngumuso ito. "Nabasa ko na kasi lahat ang physical books ko kaya inilagay ko na lahat sa boxes."

Ngumisi nang pilit si Jasper, "kagabi lang takot na takot ka sa aswang ta's magbabasa ka ngayon ng horror?"

Yumapos ito sa braso ng kapatid, "sige na please." Kumurap-kurap pa ito, "please?!"

"Tsk." Kumalas si Jasper sa pagkakayapos ni Helena sa braso niya, "Nagugusot ang polo ko..." inayos nito ang kanyang manggas.

"Suplado naman nito! Saan ba ang lakad mo? Bakit kailangang bihis na bihis ka? Inayos mo pa ang buhok mo. Ampogi natin ah!"

"Tsk. Diyan lang sa tabi-tabi."

"Sa tabi-tabi lang pero kailangan naka-porma ka pa—?"

"—O Jasper!" Habang lumalapit sa kanila si Jason. May iniabot itong manila folder kay Jasper na agad namang kinuha ng binata. "Pakisabi sa Tito Jon mo, tawagan niya kamo ako agad tungkol sa mga papeles na ito para magawan ko pa ng paraang ayusin bago tayo umalis."

Bigla humagikhik sa background si Helena, pasimple nitong kinurot sa tagiliran ang kuya niya.

"Opo." Si Jasper kay Jason.

"Aha! Kaya naman pala nagpapoging maige." Panunukso ni Helena sa kapatid matapos umalis ang kanilang ama. "Papunta naman pala kina...Tito Jon, or shall I say...Jor...da...nna! Yiiihh!"

"Excuse me, si Tito Jon lang talaga ang sasadyain ko 'no?" Bumaba na ito ng ilang baitang pero hinarangan naman itong muli ni Helena.

"Hoy, sandali! Ano na? Pahiram nga muna ng mga Manga at horror books mo" Hindi pa rin nawawala ang bungisngis nito.

"Naka-box na nga dahil hindi ko madadala sa Australia."

"Eh 'di mas lalong kailangan ko nang basahin ngayon na!"

"Oo na! Hindi naman naka-lock, basta't ibabalik mo lang sa dating puwesto ha? At saka 'wag kang magkakalat! Kaaayos ko lang ng mga gamit ko."

"Yes, kuya!" Humagunot na ito paitaas.

Sinuyod muna ni Helena ang kuwarto ni Jasper bago ito tuluyang pumasok. Humanap ito ng mga bagay na nagamit na ng kanyang kapatid para subukan ang new found supernatural 'gift to see the past' na kailan lang niya nadiskubre. At base sa kanyang obserbasyon, gumagana lamang ito kapag may nahahawakan siyang bagay na nagamit na ng isang taong nakasama niya for at least seventy-two hours. She noticed that it doesn't work sa mga taong isang beses lang niyang nakasama, o sa mga hindi niya kilala.

Una nitong hinagip ang unan ni Jasper, and almost immediately, malinaw na nag-flash sa vision niya si Jasper na hawak-hawak ang unan na iyon na tila kinakausap ito, 'Sana nasa bahay ka bukas,' Saka nito hinalikan ang unan, 'See you tomorrow...Jordanna.'

Humagalpak ng tawa si Helena habang ibinabalik ang unan sa dati nitong puwesto, sabay tingin sa portrait ni Jasper sa side table "Huli ka, Bogart! Kunwari ka pa. Paayaw-ayaw pa raw, Hmp."

Sumunod niyang hinawakan ang isang pares ng lumang ratan na ginagamit ni Jasper sa Escrima. Napaiktad siya at napatilapon sa takot nang biglang nag-flash sa utak niya ang hitsura ng mga nakakatakot na nilalang na tinamaan na ng mga ratan ng iyon. Agad nitong ibinalik ito sa dating puwesto."Ngiii." Kiniskis niya ang kanyang mga braso sa sobrang kilabot. "Nasa'n na ba ang mga hinahanap ko?" Nag-umpisa na itong magbuklat ng mga kahon. "Aha!" Nang makita na niya ang hinahanap.

My Incognito HeartBreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon