After three days...
Laman na ng bawat pahayagan ang pagkakadakip ng pinagsanib puwersa ng NBI, AFP, at PNP sa Pastor, mga tauhan nito, at ang mga guests nitong dayuhan mula sa iba't ibang panig ng mundo. Nailigtas rin ang mahigit sa dalawang-daang bihag na hindi lamang pala mga kababaihan, ngunit pati na rin ang ilang mga bata, at kalalakihan, mula sa Pilipinas at at sa mga karatig bansa.
"Mukhang nagtagumpay sina Paolo, Love." Bulong ni Helga kay Jason habang nanonood sila ng telebisyon sa kanilang silid.
"Hindi ba natatakot ang batang 'yan sa mga uri ng mga kriminal na binabangga niya?"
"Hoy ha, hindi mo puwedeng idaldal kung ano ang alam mo ha?!"
Sinamaan ng tingin ni Jason ang asawa, "inaamin kong matabil ang dila ko pero hindi naman ako daldalero." Pagmamaktol nito. "By the way, nasabi mo na ba kay Helena?"
"Ang alin?"
"'Yung pag-alis nating kasama siya sa susunod na buwan."
Tumango si Helga, "oo nasabi ko na. Lungkot na lungkot nga kaya nagkukulong na naman sa kuwarto. Gusto sana niyang maka-graduate sana muna."
"Ang kuya niya ang mapilit. Alam mo naman 'yung isang 'yun. Lalo na nitong dinukot si Helena. Hindi mapakali. Lalong naging bantay sarado sa kapatid niya. Hindi ko naman masisi dahil ganun din ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang umalis na hindi kayo kasama."
"She'll get over it. Mukhang naiintindihan naman niya, nalulungkot lang talaga."
***
"I don't want to go, Lax!" Namumugto na ang mga mata ni Helena sa kaiiyak habang kausap nito si Paolo as Lax sa Video Chat. "Pa'no tayo?"
"Don't worry, baby. Bibisitahin na lang kita ro'n."
"How often? Eh ang dami-dami mong ginagawa rito."
"As often as I could. Huwag ka nang umiyak."
"Paano kung gusto kitang makita araw-araw?"
"Eh 'di mag VC tayo araw-araw, problema ba 'yun?"
"Eh paano kung magsawa ka sa LDR?"
"Nag-o-overthink ka na naman. Everything will be fine."
"Everything will be fine? How can everything be fine kung magkahiwalay tayo? Ikaw ha, baka may babae ka na kaya okay lang sa 'yo ang LDR!"
Tumawa nang malakas si Paolo, "Ikaw na rin ang nagsabi na lagi akong busy, paano naman ako magkakapanahon na mambabae pa. Baby naman. Hindi naman ako gano'n. Kapag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang talaga."
"Siguraduhin mo lang kundi lagot ka sa 'kin." Pinunasan na nito ang pinakahuling luhang tumulo, "kumusta na ba ang sugat mo?"
"It's doing a lot better."
"Kailan ulit tayo magkikita sa personal?"
"Mamaya na ang flight ko back to Manila. Kung gusto mo, magkita tayo when I return. How's that sound?"
Biglang sumigla ang mukha ni Helena, "Sige. Sasalubuhin kita as airport dito."
***
"So..." Natatawang kinorner ni Gabbie si Paolo bago ito pumasok sa Mactan airport. "How are you going to kill my favorite partner? You said Lax must die after our mission is over. So, what now? What's the plan? Do you want me to tell Helena na nag-crash ang eroplanong sasakyan mo? O di kaya naman ay, nahulog siya sa bangin? Nasagasaan ng tren at nagkalasoglasog? Nahulog sa meat grinder? How? How do you want Lax to die without a trace?"
Sandaling nag-isip si Paolo. "Ikaw na ang nagsabi dati. If I kill Lax, it will ruin her."
Gabbie chuckled, "Don't tell me itutuloy mo lang ang pagpapanggap mo? I don't think that's fair, Partz. I think it is also going to ruin her as well kapag masyado mong pinatagal ito and then malalaman din niya eventually?"
BINABASA MO ANG
My Incognito HeartBreaker
RomanceKatropa Series Book 10 - Helena and Paolo have harbored a covert love for each other since childhood, yet each carries burdensome secrets they dare not reveal. Paolo, a young CPA Lawyer, an heir to a vast international business empire, and a self-ma...