𝐯.

686 28 4
                                    

[ Kabanata 5 — Pasasalamat ]

Ang umibig at ang ibigin na marahil ang isa sa pinakamagagandang pakiramdam na madarama ng isang tao sa kabuoan ng kanyang buhay. Ang konsepto ng pag-ibig ay isang hiwaga na hindi kailanman maipaliliwanag o maikikintal sa isang tao hangga't siya'y makaranas nito. Para kay Miriam, gustuhin man niya na siya naman ang makaranas ng ganitong parte ng buhay ay hindi niya mawaglit ang takot at pag-aalinlangan na baka siya'y mabigo o masaktan lamang. "Alam mo teh, ikaw na lang yata sa ating magkakaibigan ang hindi jinojowa, palibhasa napakaseryoso mo naman kasi sa buhay." Sabi sa kanya ng kaibigan niyang si Liezel nang minsan silang nagkausap. Sa utak at puso ni Miriam, maraming pagpapakahulugan ang pag-ibig at hindi lamang puro pagnanasa ang karugtong nito. Nasa tamang panahon, oras, pasensya, at pag-unawa ang mga sangkap ng isang matibay na pag-iibigan. Ano pa nga ba ang pag-ibig kung hindi ang umibig nang tunay at tapat sa isa't-isa?....

Ilang oras na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang pagkikita namin kanina ni Padre Burgos. Ang kanyang ngiting na tila nagpatibok sa aking puso nang una ko itong nasilayan, ang kanyang mga mapanglaw na mata na parang liwanag sa isang gabing walang tala, at ang kanyang isipang walang kapantay na naghahangad ng hustisya, ng pagkakapantay-pantay, ng ekwalidad para sa mga Pilipino sa sarili nilang bayan. Habang siya'y aking iniisip ay napadungaw ako sa aking bintana at bumungad ang bayan na tahimik at may malamlam na presensya. Ano nga ba ang kahihinatnan ng bayang ito sa hulagpos ng kalayaan mula sa mga Espanyol?

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay may kumatok sa aking pintuan. "Pasok." Tugon ko at kaagad na bumalik at umupo sa aking kama. Bumukas nga ang pintuan at nakita ko si Dolce. "Ikaw pala. Halika, Dolce." Sambit ko na may halong ngiti. Lumapit siya sa akin at nakikita ko sa kanyang mukha ang kasabikan. "Ano't napabisita ka sa'kin ngayon?" Tanong ko.

"Wala naman, señori-" Bigla ko siyang inantala. "Miriam. Miriam na lang ang itawag mo sa'kin." Pagpapahintulot ko. "Mi-Miriam?" Sambit niya na sinundan ko ng pagtango. "Pinapasigurado lamang ni mongha Veronica kung ano ang kalagayan mo, Miriam, gayong may nakakita sa'yo na isang katulong dito sa kumbento na muntik ka na raw nahulog sa balkonahe." Paglalahad niya. Natawa ako. "Hay, ganon na lang ba kabilis na kumalat ang pagiging clumsy ko?" Sambit ko.

"Clu...clum....sy? Ano po iyon?" Tanong ni Dolce. "Ah... clumsy... ang ibig sabihin non ay hindi maingat sa mga bagay-bagay." Pagpapaliwanag ko. "Ah...." Sambit niya. "Totoo ba na ito'y nangyari, Miriam?" Karagdagan na tanong niya. "Oo. Sadyang hindi lang talaga ako naging maingat kanina kaya natangay ang pamaypay ko. Sinubukan kong abutin yun kaso muntik na akong nadulas at nahulog. Buti na lamang at...." Pag-antala ko sa aking sarili. Naghintay si Dolce ng aking susunod na sasabihin.

"At.... naroon si Padre Burgos na siyang sumagip sa akin." Pagtatapos ko.

"Tunay ho ba?!" Bulalas ni Dolce sa akin. "Naku po... mabuti na lamang at naroon siya kung hindi ay baka napapano pa po kayo." Sambit niya na napupuno ng pag-aalala. "Oo nga. Kaya binabalak ko na bisitahin siya sa simbahan bukas upang makapagpasalamat sa kanya." Saad ko na nasundan ng pagtango ng pagsang-ayon ni Dolce.

"Siya nga pala Dolce, malayo ba ang simbahan mula rito sa kumbento?" Pagtatanong ko. "Hindi naman masyado. Maaari kitang samahan bukas upang makarating ka sa simbahan nang hindi nawawala." Kanyang sinambit na lubos na nagbigay ng kapanatagan sa akin. "Maraming salamat, Dolce."

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now