𝐱𝐯𝐢𝐢𝐢.

495 19 6
                                    

[ Kabanata 18 — Bagumbayan ]

Umiinog ang isipan ni Miriam tuwing naaalala niya ang mga pagkakataong hindi siya nagnasang magkaroon ng pag-ibig o makaranas man lang ng pagmamahal mula sa ibang tao. Hindi naman sa ito'y ayaw niya, ngunit talagang napapangunahan siya ng takot na baka sa huli ay ito'y magdala ng sakit sa kanyang puso. Sa pamamalagi niya sa panahon ni Padre Burgos ay unti-unting nabubuo ang isang pakiramdam sa kanya na baka ang lahat ng oras na sila'y magkasama ng pari ay mauuwi lamang sa pagsisisi, na sa ngayon ay pinagmuman ng kanyang pangamba. Sila nga ba talaga'y nakatadhana para sa isa't-isa, o ito'y isa lamang tusong laro lamang na iniukit ng tadhana sa kanyang buhay?

Walang gabing hindi ako nakatulog nang maayos simula nang ipagtapat sa akin ni Padre Burgos ang kanyang nararamdaman sa ilalim ng isang malamig na gabi noong nakaraang Kapaskuhan. Walang anuman ang mayroon sa aking isipan kundi ang pag-aalinlangan sa lahat ng mga nangyari sa aming dalawa ni Padre Burgos nito lamang mga nakaraang araw. Hindi ko ba alam kung dapat ba ako makaramdam nang ganito ganong siya'y tinuturing na isang bayani sa kasalukuyang panahon. Dapat bang matakot, mahiya, maiyak, o di naman kaya ay ipagsawalang-bahala na lang lahat ng nararamdaman ko sa kanya?

Napalunok na lamang ako nang malalim habang walang ekspresyon ang aking mukha na nakatitig sa dingding. Parang may nakabara sa aking lalamunan kaya't hindi ako nakakahinga nang maayos. Napasinghap na lang ako at ipinikit ang aking mga mata habang malakas na tumitibok ang aking puso na sinasabayan naman ng panalangin ko na sana.... sana lang ay kayanin ko ang lahat ng susunod na mangyayari.

Makalipas ang ilang minuto matapos kong nagsimulang matulog ay napansin kong umiinit ang aking katawan at nararamdaman kong pinagpapawisan ako. Nang akma kong imulat ang aking mata ay natagpuan ko ang aking sarili na para bang ako'y nakaipit at hindi makagalaw mula sa aking kinaroroonan. Sinubukan kong magsalita at tawagin si Dolce pero ni isang salita ay walang namutawi sa akin. Nararamdaman ko rin ang pagpipigil ko ng hininga at ang panginginig ng aking mga kamay ngunit hindi ko man lang ito makontrol o matigil man lamang. Jusko, anong nangyayari sa akin....

Habang nakikipagsapalaran ako laban sa aking sarili upang makakibo man lamang ay hindi ko napigilang sambitin ang tanging ngalan na aking maisip... José.... José.... José....

•••

[ Sa perspektibo ni Padre Burgos ]

Sa gitna ng mapag-imbitang tawag ng tulog dala ng malamig na panahon ay hindi ko magawa-gawang mahiga dahil may pilit na gumigising sa aking diwa na hindi maganda. Dumungaw ako sa bintana at nakita ang halos madilim nang kabayanan na ang nagsisilbing liwanag na lamang ay ang mapupurol na sinag ng mga lampara sa kalsada.

Napaupo ako at napahinga nang malalim. Tila may isang bagay na bumabagabag sa akin ngunit hindi ko mapagtanto kung ano iyon. May bumubulong sa aking isipan na waring sumisigaw ng tulong ngunit hindi ko malaman kung kanino iyon nanggagaling. Tumayo na lamang ako at sinabi sa aking sarili na baka kinukulang lang ako ng tulog nitong mga nakaraang araw kaya kung ano-ano na lamang ang aking naiisip. Akma ko na sanang isasara ang aking mga mata upang matulog nang ako'y biglang napabalikwas sa isang malakas na katok sa pintuan ng simbahan. Bigla akong lumabas ng aking kuwarto at nadatnan si Padre Zamora na bumababa na kaya't ako'y sumunod na rin.

Nang pagbuksan ni Padre Zamora ang pinto ay bumungad ang nanginginig at balisang si Dolce. Napayakap siya kay Padre Zamora at hindi tumitigil ang kanyang pag-iyak. Pinatahan ni Padre Zamora si Dolce bago niya ito hinayaang magsalita. "Anong nangyari, Dolce? Bakit ka humahangos dito sa simbahan nang gantong oras pa naman?" Tanong niya habang hawak-hawak nang mahigpit ang kamay ni Dolce.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now