A/N: last special chapter as promised for u guys :) this will be the end of padre. maraming salamat sa suporta ninyong lahat. happy reading! 💗
─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───
" SIMULA HANGGANG DULO "
"Good morning class. I would like you all to meet Sir Joseph Atienza, ang bagong History teacher ng Junior High School at ang magiging adviser niyo na rin by next week. You can just also refer to him as Sir or Kuya Sep." Pagpapakilala ko kay Joseph sa hawak kong klase. Tuwang-tuwa naman na binati ng mga estudyante si Joseph at kita ko sa mga mata niya ang lubos na pagkagalak niya sa buong klase.
"Wow. Ma'am Yam, parang bagay po kayong dalawa. Magjowa po ba kayo?" May pagngising tanong ni Vincent. Nasabayan naman ito ng sunod-sunod na "ayieeee" ng ibang estudyante. Nagtinginan at napatawa na lang kami ni Joseph sa isa't-isa habang parehong itinatago ang umiinit na pakiramdam namin. "Naku, kayo talaga, mga bolero't bolera! Co-teachers lang kami ni Sir Sep at naatasan lang ako na ipakilala siya dito sa inyong klase." Pagdadahilan ko pero parang hindi iyon tumalab sa kanila.
"Aysus ma'am, hindi niyo po kami madadaan sa ganyan." Sambit ni Lilian. "Kitang-kita nga po sa mukha niyo na kinikilig kayo eh." Gatong pa ni Earl sa harapan habang tinuturo ang namumula kong mga pisngi. Hindi magkamayaw ang tawanan sa buong period na iyon ngunit masaya naman ako dahil kahit sa ganitong paraan ay nakakasama ko ang taong matagal ko nang gustong-gusto na makapiling.
─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───
Naging maugong ang pangalan naming dalawa ni Joseph hindi lang sa faculty kundi pati na rin sa mga guro sa ibang department nang makita nila akong nagbigay sa kanya ng homemade na mga cupcakes nung kaarawan niya. Palagi kaming kinukutya dahil kung makihalubilo raw kami sa isa't-isa ay parang noon pa lang ay magkasintahan na kami. Hays. If only they know the truth....
"Uy andyan na si loverboy mo teh." Sabi ng #1 shipper namin ni Joseph, si Valerie. Nangasim naman ang aking mukha dahil sa kahihiyan na nabuo sa akin pero napawi iyong lahat nang masilayan ang kanyang mga mata. He is wearing a cream buttoned-up long sleeve shirt and the fact na nagsasalamin pala siya makes him 10x more attractive to me. "Tara na, Yam." Yaya niya sa akin. Tinulak naman ako ni Valerie at isinara ang laptop ko. "Mamaya na 'yan teh. Lunch break na kaya ngayon. Sige na, gora na kayong dalawa." Pagkampi niya kay Joseph habang tumitili. Wala na akong nagawa sa pangungulit niya kaya sumang-ayon na ako sa pang-aaya ni Joseph sa akin.
"Sorry sa kaibigan ko ha. Ganyan talaga siya noon pa. Nakakahiya nga minsan eh." Hinawakan ko ang likod ng ulo ko at parang hindi pa ako makatingin sa kanya nang diretso. Napayuko naman siya at pilit na itinatago ang pagtawa niya. "You're so cute talaga kapag nahihiya ka." Puna niya. "Hala siya." Tugon ko at namutawi sa akin ang munting halakhak. "So ano let's go? My treat naman ngayon kasi nilibre mo 'ko last week eh." Sabi niya sabay paglahad ng kanyang kamay sa harapan ko. Ngumiti naman ako at tinanggap ang kamay niya. Narinig ko naman ang paghiyaw ni Valerie sa likuran ko habang tinatahak namin ang kahabaan ng pasilyo.
Tatlong buwan na ang nakalipas nang magkatagpo kami ni Joseph. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong pinagtiyagaan ko na hintayin ay nasa tabi ko na ngayon. Kakaiba at nakamamangha talaga kapag ang tadhana na ang kumilos. Sa kabila ng lahat ay nakagawa pa rin ng paraan ang tadhana upang ang mga landas namin ay muling magkrus.
"Ika-labimpito pala ng Pebrero ngayon 'no?" Pansin ko habang kumakain kami sa isang karinderya na nagbebenta rin ng mga malagkit na minatamis. Tumango naman siya at abala sa pagkain ng suman. Napahalakhak naman ako nang hindi inaasahan nang nakita kong may dumikit na naman sa baba niya pagkatapos niyang kumagat.
YOU ARE READING
𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻
Historische fictieA college student finds herself struggling to pass her history class because of a certain lesson, the life of the GomBurZa. Despite her efforts to achieve full understanding about the three priests, she still doesn't know why it is relevant to her c...