𝐱𝐱𝐢𝐱.

310 13 13
                                    

[ Kabanata 29 — Memorya ]

Nakabalik na ako sa taong 2024.

Ang panahon na aking kinalakhan at kinagisnan. Ang panahon kung saan ako nabibilang. Ang panahon kung saan lahat ng mga Pilipino ay malaya at hindi na nakokontrol ng mga dayuhang mananakop. Ang panahon na pinangarap ng mga Pilipino noong sila pa ay nakagapos sa mga kamay ng mga Espanyol. Ang panahon na kung saan ang kalayaan ay hindi na lamang isang pangarap, kundi isang karapatan na natatamasa ng bawat Pilipino.

Naiwan ko naman ang taong 1872.

Ang taong marami akong natutuhan. Ang taon kung saan nakakilala ako ng mga taong gagabay sa akin upang mamulat muli sa malagim na parte ng kasaysayan. Ang taong nadama ko ang lahat ng sakit na dinanas ng mga Pilipinong magiting na nakipaglaban para sa kanilang mga karapatan na maging malaya. Ang taon kung saan nakilala ko ang nagpatibok ng aking saradong puso. Ang taon kung saan ko siya iniwan at nasaksihang dakila na namatay.

Ang taon kung saan ako namaalam sa aking José.

Nalasahan ko na naman ang mapait kong mga luha habang naririnig ko ang masasakit na hagulgol na kumakawala sa akin at ang hindi matapos-tapos na pagkalabog ng aking puso. Wala pa rin akong makita, ngunit ngayon ay nakakadama na ako ng matinding pagtusok ng aking puso habang inaalala ang lahat ng mga naganap sa akin sa hindi ko inaasahang paglalakbay pabalik sa nakaraan.

Sinubukan kong gumalaw muli nang nagulat ako sa biglaang pagliwanag ng aking paligid. Napatingala ako at nakita ang kaibigan kong sina Patrice at Liezel na magkasama, parehong nagtataka sa kasalukuyan kong estado ngayon.

"An'yare sa'yo sis? Bakit umiiyak ka dyan?" Tanong ni Liezel. "Huwag mong sabihing iniiyakan mo 'yang binabasa mo teh?" Dagdag naman ni Patrice. Napatayo akong bigla at yinakap silang dalawa, ang mga hagulgol ko na lang ang natirang tunog nang mga sandaling iyon. Noong una ay siguro nagdalawang-isip sila pero sa huli ay ipinulupot nila ang kanilang mga kamay sa likuran ko. "What seriously happened, Mir? What's the matter? Bakit naabutan ka na lang namin na umiiyak dito?" Sunod-sunod na mga tanong ni Liezel habang nakataas ang kanyang kilay.

Hindi ako nakasagot sa kanila kaagad at sa halip ay inikot ko ang aking mga mata at hinahanap ang bintana ng dorm. Nang masilip ko na ang bintana ay nagulat ako dahil gabi pa rin pala at tila walang nangyaring pagbabago sa paligid. Magulo pa rin ang kama ko samantalang nakakalat pa rin dito ang mga gamit ko habang nakabitin pa rin ang hinubad kong uniporme sa sampayan. Ni wala man lamang bakas na nagpapahiwatig na lumipas ang kahit isang segundo, at sa dalawang buwan na inilagi ko sa panahon ni Padre Burgos ay tila yata tumigil nang kusa ang oras sa pagitan naming dalawa. Tiningnan ko ang orasan at eksaktong alas-otso pa rin ng gabi, ang parehong oras na ako'y nakaidlip.

"Oh sis bakit nakatulala ka lang dyan? Bakit, may something ba sa dorm natin?" Lumapit na sa akin si Liezel at hinawakan ang aking kamay. Napagitla ako at nagulat nang kaunti nang maramdaman ko ang malamig niyang kamay ngunit tinanggap ko naman iyon at nagbigay ito ng kakaibang panatag sa aking damdamin. "Just tell us if something's bugging you off, Mir. Handa naman kaming pakinggan ka eh." Sambit ni Patrice habang ipinupukol pa rin niya sa akin ang mausisa niyang mga mata.

"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan...." Sambit ko na parang hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nangyari at ang mas ikinakabagabag ko pa ay kung paanong ang lahat ng araw ay lumipas nang ganoon na lamang sa panahon nina Padre Burgos pero nang makabalik ako dito ay parang tumigil ang pagpatak ng bawat segundo. Tumingin ako sa aking mga kaibigan at pati sila ay takang-taka na rin sa inaasal ko.

Panaginip lang kaya ang lahat ng ito? Kung gayon ay napakahaba naman pala ng panaginip na iyon. Pero kung panaginip nga ang lahat ng nasaksihan ko ay bakit hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lahat ng sakit na idinulot sa akin nang makita ng aking mga mata ang pagkamatay ni José? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang mga namagitan sa amin sa paglipas ng mga araw na kadalasan ay kaagad ko rin namang nalilimutan kapag ako'y nananaginip? Hindi kaya....

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now