A/N: as promised (+ requested) and as a token of my gratitude i wrote a special chapter for you guys. may kasunod pa 'to hahahahaha pero take note na this special chapter happened a week before the cavite mutiny so wala pa ito sa climax ng story yun lang hehehehe. happy reading! 💗 (as much as possible din ay binigyan ko ng mas light na vibe ang mga special chapters para makaget-over na kayo sa kaiiyak sa mga nahuling kabanata wahahahaha take these additional chapters as an official apology for the emotional breakdown na dinulot ko sainyo hehe sorry na pooo! 😭✌️)
─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───
" TAGONG SUYUAN "
Puspusan ang naging paghahanda ng buong kumbento dahil sa imbitasyon na inalok ng tatlong pari para sa munting salo-salo na magaganap sa Simbahan matapos ang lingguhang misa na pinangangasiwaan ni Padre Zamora. Hindi naman maitago-tago ni Dolce ang pananabik sa kanyang mukha at tila padalos-dalos ang kanyang gawain na parang gusto na niyang masilayan ang isa sa mga pari. Napapatawa na lamang ako dahil tila mapupunit na ang kanyang labi sa malawak niyang ngiti habang tinatahak namin ang daanan patungo sa Simbahan nang magkaakbay.
Nang makarating na kami sa Simbahan ay naabutan namin ang mga pari na abala pa rin sa pag-aayos ng hapag. Si Padre Gomez na sa kabila ng katandaan ay aktibo pa rin na pinupunasan ang mga pinggan samantalang sina Padre Burgos at Padre Zamora naman ay kasalukuyan pang hinahanda ang mga kubyertos at inaayos ang mga silya na pag-uupuan namin.
Binati sila ni mongha Veronica at sumabay naman ang ibang mga madre. Nahuli naman kaming bumati sa kanila at inutusan kami ni mongha Veronica na tulungan na ang mga pari upang hindi na masayang ang kanilang oras. Tumungo kaagad si Dolce sa magiliw na si Padre Zamora at hindi mapigilan ang mga ngiti na kumawala sa kanya habang nakapukol ang mga mata nila sa isa't-isa. Mahina naman akong humalakhak bago nilapitan si Padre Burgos na may apat pang plato na inilabas mula sa kanilang kusina.
"Tulungan na kita riyan, Padre Burgos." Sabi ko at naglabas pa ng tatlo pang pinggan. Nagulat naman siya sa biglaan kong pagdating pero nagningning din ang kanyang mukha nang makita niya ako. "José na nga lamang diba ang itawag mo sa akin, Miriam?" Sambit niya sabay pagngiti sa akin. Sinenyasan ko naman siya gamit ang aking mga mata sa mga madre na ngayon ay nagsiupo na sa mga silya. Alam naman siguro niya na ang impormal na pagtawag sa kaniya ay paglabag sa lipunan na kailangan kong pakibagayan ngayon.
Kinagat na lang niya ang kanyang pangibabang labi at pinigilan ang pagtawa niya. "Paumanhin at palagi kong nakakalimutan, binibining Miriam." Kita sa mga mata niya na nasiyahan siya sa pagkakasabi niyon sa akin. Napayuko na lang ako at sinubukang itago sa kanya ang pamumula ng aking mga pisngi.
Napansin niya na tatlong pinggan lang ang kinuha ko at nakahanap ng paraan upang kutyain ako. "Bakit naman tatlo lamang ang pinggan na iyong hawak-hawak, binibini?" Tumitinding pang-aasar niya. May ideya naman na biglang pumasok sa isipan ko. "Dahil ang ibig sabihin nito ay I Love You." Sabi ko at itinuro ang mga pinggan kasabay sa huling tatlong salita na namutawi mula sa akin. Isang ngisi naman ang sumilay sa kanya at iprinisenta rin sa akin ang apat na hawak niyang pinggan.
"Ang ibig sabihin naman nito ay Mahal Na Mahal Kita." Napatakip na lang ako ng mukha ko upang hindi niya makita ang ngayo'y pulang-pula na na mga pisngi ko. Napatakip naman siya ng mata niya dahil siguro sa kahihiyan na idinulot nito sa kanyang sarili dahil sa mga binitawan niya. Naudlot ang pag-uusap namin nang pumasok si Dolce sa kusina.
YOU ARE READING
𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻
Historical FictionA college student finds herself struggling to pass her history class because of a certain lesson, the life of the GomBurZa. Despite her efforts to achieve full understanding about the three priests, she still doesn't know why it is relevant to her c...