𝐱𝐱𝐱.

394 21 16
                                    

A/N: This is it pancit guysss!!! the ending of padre || a historical fiction. before writing this chapter i just want to thank all of u guys for staying until the end to know the story between padre burgos and miriam de leon. i am more than grateful that your unending support made this final chapter possible! love you all so so much with all my heart and happy reading 🫶💗

─── ⋆⋅☆⋅⋆ ───

[ Kabanata 30 - Nagmamahal, José ]

"Good job for your excellent writing, Ms. De Leon. I didn't know you still chose to finish your essay and reflection paper about the GomBurZa." Papuri sa akin ni Sir Romualdez habang minamarkahan ang ipinasa ko sa kanya.

"It's the least that I could do to thank you for everything that you've done, Sir." Tugon ko habang hinihintay na matapos siya sa pagmamarka. Proud naman ako sa sarili ko dahil nakaipon ako ng lakas upang matapos ang essay at reflection paper at dahil na rin sa motibasyon na ibinigay sa akin ng diary ni José.

Pagkatapos i-record ni Sir Romualdez ay iniabot niya na sa akin ang mga ipinasa ko sabay pagsilay ng ngiti sa kanyang labi at pagkinang ng kanyang mga mata. "I only did the right thing, Ms. De Leon."

Nagpasalamat ako sa kanya bago umalis ng kanyang opisina. Hinihintay naman ako ni Liezel sa labas para may kasama ako. Siguro hanggang ngayon ay kilala niya pa rin si Sir Romualdez na isang terror na teacher but I can't blame her, ako rin naman naging ganoon ang pananaw ko sa kanya noon.

"Oh, tapos na?" Naiinip niyang tanong. Tumango naman ako at binigyan siya ng ngiti. "Luh siya, tayo na nga, gutom na ako." Sabi niya at nauna na siyang naglakad. Maglalakad na rin sana ako nang madampi ng aking pakiramdam ang kwintas na nasa leeg ko, ang kwintas na binigay sa akin ni José.

Hinawakan ko ang kwintas at pinaikot-ikot ang krus na nakasabit dito habang lumalawig naman ang ngiti sa aking labi. Naalala ko ang isang kataga na sinambit ni José nang huli kaming magkatagpo...

"Aking pangako sa iyo na mapunta man ako sa kabilang buhay ay patuloy ko pa ring hahanapin at diringgin ang tibok ng iyong puso at muli tayong magtatagpo sa tamang panahon, sa lugar kung saan sumibol ang ating pagmamahalan, upang muling masulat ang ating mauudlot na kwento."

Inasahan ko ang pagtulo ng mga luha ko pero laking-gulat ko nang hindi naging mahapdi ang aking mga mata at walang luhang lumabas mula rito. Siguro nga mas mabuti na lang na huwag iyakan ang dalamhati na naninirahan pa rin sa aking puso kundi ay tanggapin ang itinakda ng tadhana at mabuhay nang matiwasay at maluwag sa damdamin kagaya ng sinabi niya sa akin.

Sana darating rin ang araw na magkikita tayong muli, aking José, sa panahong wala ka nang pinapasan na problema, wala nang mga balakid sa pagitan natin, at ang kuwento natin ay matutuloy at magtatagal nang walang hanggan.

Hihintayin kita, José.
Hihintayin ko ang pagtibok muli ng aking puso para sa iyo.

- Makalipas ang walong taon -

"Bilisan mo teh, baka maiwanan na tayo ng jeep!" Pagmamadali sa akin nina Liezel at Patrice mula sa labas ng tinitirhan naming apartment habang nasa kalagitnaan pa ako ng pag-aayos ng uniporme ko. "Wait lang! Hintayin niyo 'ko!" Sabi ko at inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas kaagad ng apartment.

"Ganyan ba talaga ang mga teachers palaging nahuhuli?" Pagbibiro sa akin ni Patrice pero imbis na ma-offend ako ay tinawanan ko na lang. Totoo naman ang sinabi niya eh.

𝗽𝗮𝗱𝗿𝗲 || 𝗮 𝗵𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻Where stories live. Discover now